Original Story By Jessa Amelia Morisca
Ako si richard, mayaman, gwapo daw sabi nila, kilala ang pamilya ko dahil may companya kaming pagmamay ari,lahat ng gusto ko nakukuha ko, bahay,kotse, pera, lahat.
akala ko ang buhay ganun lang kadali, ganun lang ka simple, akala ko kaya ko mapaikot lahat sa pamamagitan ng pera ko.
pero isang araw, may nakilala akong babae, simple lang siya pero maganda, nagingkklase ko siya sa isang subject ko sa la salle university, napag alaman ko na working student siya sa school, nagbabantay daw ng library at nagphophoto copy para sa mga studyante doon. ewan ko pero nagkainterest ako sknya.
sa una binobla bola ko lang siya, pero hindi siya gaya ng ibang babae na madaling makuha ang pansin, nagtaas siya ng kilay pero parang wala naman siyang pakialam skin, sasabihan niya pa ako na, "sir kung hindi ka po mag papaphoto copy or wala kang hihiramin libro e makakaalis kna po" pataray na sabi niya sakin.
siguro hindi niya ako kilala, pero impossible dahil 3 sa sampung building ng skwelahan ay pamilya ko ang nagdonate. sakanya lang ako napahiya ng ganun. sa isang working student pa, sa una nainis ako, pero ewan ko ba kahit hindi tuloy ako palabasa e, nakagawian ko na na pumunta ng library pag may oras ako.
Isang araw nakita ko na may sumundo sknyang lalake, malamng Bf nya yun, ewan pero may insecure akong na feel sa sarili ko, sa unang pagkakataon naramdaman kung maingit sa iba. kasi akala ko lahat na sakin na.
lumipas ang mga buwan ay patuloy parin akong bumibisita sa library , kahit na nga working student lang siya ,nahihiya ako sknya dahil sa mga pangbobola na ginawa ko sknya noon.
isang araw papunta siya sa kabilang room at madami siyang dalang mga papers, sinundan ko siya, nahulog ang mga papers na dala niya. Hindi ko gawain ang tumulong sa iba lalo na sa mga hindi ko kaibigan, pero tinulungan ko siya. nagpasalamat siya sakin at ngumiti at sabay tumalikod na nagmamadali dahil hinihintay na daw yun ng isang professor sa unibersidad.
ng makita ko ang ngiti niya, parang gumaan ang pakiramdam ko, parang gusto ko uling makita na ngumiti siya, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.
ang ginawa ko, pumunta agad ako sa Deans office, at syempre dahil malakas ang pamilya namin sa school e pinapasok agad ako.
nagtaka ang dean namin sa sinabi ko " Mr Dean, i want to be a working student here, gusto ko taga photo copy and taga bantay ng library" hindi ko rin alam kung anung pumasok sa isip ko ng mga oras na yun, ang alam ko lang yun ang gusto ko. Sa una nagtaka ang Dean namin, pero wala siya magawa e dahil natatakot siya na baka magsumbong ako sa parents ko, kaya sabi niya, "cge kung yan ang gsto mo, pero bayad na lahat ng babayaran mo dito sa school,panu yan?"
sabi ko nlng.. "ok lang gusto ko lang talagang mag work sa library."
nagtaka ang dean namin kinausap pa nga ung ibang working student na pakitunguhan daw ako ng mabuti.
sa unang araw ko , nahirapan ako, dami kung mali tpus hindi pa ako sanay na inuutusan ako ng ibang student na kunin yung libro o kaya kung anu anu pinapasulat skin pero masaya ako kasi kasama ko dun yung babae, hindi ko pa alam ang pangalan niya, kaya nagpakilala ako. at nagpakilala rin siya. Jamelia pala ang pangalan niya, ang ganda parang siya. mabait naman pala siya, pero seryoso lang talaga pala siya sa ginagawa niya dahil desidido siya makapagtapus ng pag aaral at yun lang ang tanging daan para maka aral siya sa isang magandang unibersidad.
pagkatapus namin sa trabaho, niyaya ko sila lahat na kumain sa canteen,libre ko syempre tuwang tuwa sila.
sa unang pagkakaton naramdaman ko ang pakiramdam ng mga simpleng tao, madalas kasi mayayaman din ang mga barkada ko, pero sila konteng bagay lang masaya na, pagtpus nga namin kumain e maglalakad lang daw ang iba pauwi.
nagenjoy ako, lalo na pag nakakausap ko si jamelia, naging magkaibigan kami, nalaman ko din na may boyfriend na siya,pero kahit na ganun e gusto ko parin siyang makasama, lumipas ang mga buwan, kahit na nagtataka na ang mga kaibigan kung mayaman, wala na ako pakialam. dahil masaya ako sa ginagawa ko.
pero may isang babae sa school, anak siya ng kaibigan ng mommy ko,, mayaman at maganda, kilala din sa iskwelahan, ang alam ko may gusto yun sakin ang pangalan niya ay patricia pero nahalata niya siguro na hindi ko siya gusto, mas gusto ko pang mag working student kesa makasama siya, kaya nag sumbong siya sa parents ko.
NAlaman nga ng parents ko na nagwoworking student ako, kahit nasa states sila, umuwi agad si mommy at kinausap ang dean namin, galit siya dahil pinagttrabaho ako, pero sinabi ko naman ki mommy na ako ang may gsto, sinabi ni mommy na sa states na daw ako magaaral. ayaw ko pero wala akong magawa.
-vote and comment po for more :)
YOU ARE READING
"Ang Sagot"
Short StoryTungkol sa lalakeng Akala Niya sa PEra Lang umiikot ang lahat Hanggang malaman Niya ang sagot Kung Anu ang tunay na kaligayahan. Original story by jessa Amelia Morisca -vote and comment po for more ;)