COWARD ME

104 2 0
                                    

Ikaw lang at wala ng iba,

  alam na iyon ng buong madla

.  Ngunit ano ba 'tong aking ginagawa,

  ba't ninanais ka nang mawala?

  Sa iyo ba'y may pagkukulang na nadarama,

  o nawala na ba ang dating malaking tiwala.

  Sana balang araw ay makalimutan na kita

,  pero di ko akalaing mahirap pala. 

Utak ko kasi,kaw lang laman nito.

  Ma-AMNESIA na lang sana ako  o di kaya'y masiraan ng ulo

,  mas madali pa siguro.

  Gaga namang pusong 'to, 

kung pwede lang sanang mabuhay na wala ito

,  tinanggal ko na sana sa sistema ko.

  Akalain mo,ilang ulit mo na itong niloko,

  ngunit ikaw pa rin ang initibok nito?

  Kay rami naman diyang nakalalamang sa'yo. 

Mabait'maputi,matalino't gwapo, 

pero lintek nga namang mata ito.

  May diperensya na rin siguro, 

ayaw kasing tumingin sa iba maliban sa'yo, 

sinusundan lang ang bawat kilos mo.  

Hay...nakatulala na naman ako. 

Walang ganang makinig sa usapan ng grupo. 

Bahala ng mapagkamalan akong EMO,  di bale,di naman totoo. 

Kasi naman eh,iba ang gustong marinig ko. 

Pambihirang tenga 'to,  boses mo lang ang nais pakinggan nito.

  Hindi pa nakuntento si Kupido,  idinikit ka pa sa'kin lalo, 

na para bang isang SUPER STICK GLUE. 

higit pa riyan siguro ang epekto

  pati nga TUKO ay maihahambing na sa'yo 

malabo ka kasing matanggal sa puso ko.  

Ah!natatandaan ko na. 

Di ko mawari kung sinong problema. 

Kasama nga kita,siya naman ang iyong buka. 

Kung pwede lang sanang i-MUTE ang iyong baba,  sa tuwing ang usapan ay siya. 

Talaga bang ayaw mo na sa kanya? 

O sa aki'y nagsawa na? 

Tanga lang siguro ako dahil di ko mapuna.

Iba naman diyang mga babae, 

'kala mo kung sinong inosente, 

kung makakapit sayo'y grabe,  ang sarap ngang sapakin eh! 

Ayaw ko lang masira ang aking imahe, 

buti na lang at di ko aktong nahuli.

Mapagsabihan mo man akong selosa 

maisasagot ko lang ay "pasensya"

  ganito lang talagang magmahal ang loka 

ni ayaw kang ipahiram sa iba.

  Oo,tama nga ang narinig mo,

  ikaw lang ag tanging gusto ko, 

iyon ay di magbabago  at alam mong iyon ay totoo.  

Mahal nga kita,pero pa'no 

napagod na rin ako

  matagal ko ng gustong sumuko 

sa akin nga ang atensyon mo

  ang dami ko namang kaagaw sa'yo 

baka makahanap lang ako ng gulo 

at ayokong mangyari pa ito.

  Ang duwag ko talag no? 

Kaya sige magpaparaya na ako 

masakit at mahirap man tanggapin to 

Pag-agawan ka man nila,pake ko? 

Hanggang tingin na lang siguro ako, 

mamahalin na lang kita sa malayo.  

Nasabi ko na ang lahat ng gusto ko  ........kaya paalam na sa'yo.

COWARD METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon