a/n: short UD lang po.. next UD babawi..
=====================================
D E N N I S ' P O V
Dahan-dahan kong imunulat ang mata ko.
Patay na ba ako?
Nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa kama ng isang kwarto sa ospital.
Ang malabo kong paningin ay unti-unting luminaw at sa paglinaw ng paningin kong iyon ay nakita ko siya na may hawak na kutsilyong nakatutok sa akin.
"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!"
Napabangon ako. Nasa ospital pa rin ako.
"Panaginip lang yun?" tanong ko sa sarili ko
"Hindi." napalingon ako sa nagsalita at siya nga yun. Ang babaeng naghulog sa akin sa hagdan at nakita ko kanina na may hawak na kutsilyo. "Kung ayaw mong patayin kita wag kang magsasalita tungkol sa akin. Wag mong sabihing ako yung pumatay kay Miggy dahil kung hindi.." at sumenyas siya ng patay, yung kamay niya nilagay niya sa leeg niya na ibig sabihin ay patay at lumabas na siya sa kwarto
Anong gagawin ko?
Gusto kong tumulong sa mga kaklase ko dahil baka may isunod pa siya.
Humiga na lang ako ulit.
C L A U D I A ' S P O V
Maaga akong pumasok.
Inihilera ko ang bag ko sa mga bag na nakalagay sa labas ng classroom.
Pumasok ako sa classroom kahit alam kong bawal dahil may naiwan akong libro kahapon.
Sinara ko ang pinto at hindi na binuksan ang ilaw pa di halatang may tao sa loob.
Agad akong pumunta sa upuan ko at hindi ako nagkamali, andoon lang ang libro ko sa ilalim nito.
Yumuko ako para kunin iyon at sa muling pagtayo ko ay nagiba ang itsura ng classroom. Naging magulo ito na parang ginagawa pa lang. May mga bata rito na nagkakagulo at kamukha sila ng iba kong mga kaklase. Parang batang sila. Nag-aaway sila pero di ko maintindihan ang kanilang sinasabi. Nagkakasakitan sila ngunit kapag inaawat ko sila ay tumatagos lang ako sa kanila. Nang biglang nahulog ang libro ko.
Lumuhod ako para kunin iyon at biglang may humawak sa kanang balikat ko. Paglingon ko dito ay nakita ko ang isang batang lalaki na duguan ang mukha at sinabing 'T-tul-lung-ngan m-mo k-ko' hirap na hirap siyang magsalita
Sa sobrang takot ko ay sumigaw ako at kinuha ang libro ko tsaka tumakbo na sa pintuan nang biglang bumukas ito.
"Bakit ka sumisigaw?" tanong ni Jeffrey na siyang nagbukas ng pinto "Tsaka bawal pumasok sa classroom."
"W-wala lang." kinakabahang natatakot kong tugon sa kanya
Nakakita nanaman ako ng isang pangitain.
---
Pagpasok namin sa classroom pagkatapos ng flag ceremony ay nagsalita ang aming adviser na lalong nagpakaba sa akin.
"Class, next two weeks ay gaganapin ang inyong field trip. Kindly fill up this form at isoli ang reply slip nito bukas kung sasama kayo sa field trip." at binigay sa amin yung papel
Kinakabahan ako baka may mangyari nanaman sa field trip.
Isa pang kinababahala ko ay yung nakita ko kanina.
"Claudia lutang ka nanaman jan. Oh eto na yung reply slip." sabi ni Madison na nasa harapan ko
============================
Sino ang gumawa nun kay Dennis?
Ano ang gagawin ni Dennis?
Sino-sino ang nakita ni Claudia?
Abangan sa susunod na kabanata↠
Find out next chapter⇛
Wait for my next update...➜
Upcoming Events⇛ Field Trip
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
12-19-15
©CrishaneAen❞
BINABASA MO ANG
The Classroom of a 6th Grader
Mystère / ThrillerThe classroom of a 6th Grader (TCOA6G) Kami ay Grade Six students Ayaw kaming turuan ng mga teachers namin Kaya laging free time Pero sa bawat free time, May nangyayaring kababalaghan Ano?? .. .. Basahin niyo =>> ⇛ ➜ ↠ ============================...