Chapter Eight

139 6 2
                                    

MJ's POV

"Haaaaaayy!!" Napahiga nalang ako sa sobrang pagod.

Nang makasakay  ako ng jeep kanina napansin ko na parang nakasunod yung sasakyan ni Mr. Bully.

Bakit kaya sya sumusunod?

Baka dun din sa village sya nakatira.

Oh baka sinusundan ako para may malaman yung bahay ko at utusan uli.

Dumeretso ako kanina sa bahay ni Ma'am Bretty at syempre ginulpi nanaman nya ako. Inutusan nya ako na plantsahin yung damit nya para sa school bukas. Teka! Babalik na sya ng school? Teka! Bakit ganun?! Babalik na naman ang QUEEN BEE?! Huhu! Paano na naman ako?

*Knock-Knock!*

"Teka lang po. Nandyan na ako!" Tapos binuksan ko na yung pinto. Nakita ko sila kuya Lly at ate Lyn, yung barkada nila na sila ate Khea at kuya Owy.

"Diba sabi ko mag-uusap tayo" Nakakatakot na sabi ni kuya Lly. Hindi ako nakagalaw sa sinabi nya. Ito ang kinakatakutan ko kay kuya Lly, yung nakakatakot at seryosong pananalita niya. Para kang kakainin.

Dumeretso si kuya Lly sa loob at umupo. Sila kuya Owy at sila ate Khea naman ay tumitingin sa paligid.

"Upo." Umupo naman ako sa utos ni kuya.

"Ano na naman ang pinag-gagagawa mo?!" Sigaw ni kuya Lly. Napayuko nalang ako sa takot.

"Nahihibang ka naba?!" Patuloy nya, hindi ako makasalita sa sobrang galit nya. May namumugto ng luha sa mga mata ko.

"Hindi mo ba alam yung mga bagay na kaya nyang gawin sayo ha?! Pwede ka nyang tirisin hanggang sa mawala ka na sa dadaanan nya! Hindi mo sya kilala! Hindi! Ayaw mo kasing makinig! Ano hindi ka makapagsalita dahil takot ka?!...Ganyan ka naman eh. Tinuturuan ka na, ayaw mo pa!" Bigla nya akong SINAMPAL ng malakas, namula ang pisngi ko dahil sa ginawa nya. Napayuko ako sa sobrang sakit. Mas bumuhos yung luha ko.

"ULLY!! Anong ginawa mo?!" Sigaw ng barkada nya.

Sinampal ako ng kuya ko....

Sinampal ako ng pinakahahangaan kong tao..

Hindi nya pa ako sinampal sa buong buhay ko...

Akala ko ba susuportahan nya ako?

Ang akala ko bantay ko sya..

Ang akala ko...

"Angel kita." Bulong ko. Napatayo ako ng hindi tumitingin sa kanya.

"Bakit 'di mo muna po ako pinasalita? Ang sabi mo usap lang, bakit ganito? Bakit ko sya amo? Simple lang naman po. DAHIL MAS GUSTO KONG MAGING UTUSAN KAISA MAWALA LAHAT NG BAGAY NA NAGPAPAALALA SA MGA MAGULANG KO. Masakit sa akin ang mawala iyun. 'Di mo ko maintindihan kasi may mga magulang ka. Kami ng kapatid ko wala. 'Ni hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin sa kanya na WALA KAMING MAGULANG. MASAKIT KUYA ULLY! Masakit din sakin ang magkaroon ng ganung amo. PERO MAS MASAKIT MAWALAN NG ALA-ALA SA MAGULANG!! Bakit di nyo sa tanungin kung bakit ako ang napili nyang gawin utusan." Mas lalong bumuhos ang luha ko.

"Mananatiling tanong sa akin kung bakit mo ito ginawa kuya Lly. Ang akala ko angel kita." Seryoso kong sabi at pumasok na ako ng kwarto habang umiiyak. Hinayaan ko na sila, alam naman ni ate Carlyn i-lock yung pinto.

Bakit kuya Ully? Bakit?

Ranz Kyle's PoV

4:30 am.

*KRING-KRING-KRING!*

*KNOCK-KNOCK!*

"KUYA!!! GISING NA! YUNG LINTIK NA ALARM CLOCK MO ANG INGAY PAKIPATAY NAMAN NATUTULOG PA KAMI!!! THAT'S ANNOYING!"

THE NERDY GIRL FALL IN LOVE (RANZ KYLE FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon