Chapter 02

14 0 0
                                    

Chapter 02

Gabi na nung makalabas kami ng school dahil tinapos pa namin yung performance namin para sa 3rd quarter. Nakakapagod. Nagdiretso ako supermarket para bumili ng pagkain. Habang naglalakad ako pauwi habang kumakain, ramdam ko na namang may kasunod ako. Nagmadali na lang ako sa paglalakad. Hanggang sa mamatay yung ilaw sa tapat ko. Lalo tuloy akong natakot. Nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Napapikit na lang ako.

At napakinggan kong may sumuntok at biglang nawala yung nakahawak sa balikat ko. Napatingin ako sa likuran ko at nakita kong may dalawang lalaking nagsusuntukan. At yung isa ay si Yoonjae.

"Ya!"-ako.

Tumakbo na yung isang lalaki matapos pagsusuntukin ni Yoonjae.

"Tss. Duwag!?"-sigaw nya dun sa lalaki. Tumingin sya saken at saka ako tinanong "Ayos ka lang?"

"Ayos lang."-sagot ko.

"Mabuti na lang nakita kitang naglalakad, kung hindi baka kung ano nang ginawa sayo nung lalaking yun."

"S-Saan ka galing?"-tanong ko.

"Doon sa pwesto kung saan pwedeng tumugtog?"

Napansin kong may bitbit syang gitara.

"Galing ka doon?"

"Hm."-*nod*

"Saan galing yang gitara mo?"-tanong ko.

"Ah. Uhm.."-napakamot sya at. "Napulot ko."

"Tss. Oo na. Ano bang pake ko kung saan mo yan nakuha. Kamusta? Malaki naman kinita mo?"-tanong ko.

"Pwede na. Karamihan kasi, ikaw na ang hinahanap."

"Bakit?"

"Mas kailangan mo kasi. At isa pa, magalng ka daw."

Anong gusto nya? Mafluttered ako dun sa sinabi nya? Hm.

Tss.

"Ah. Maraming salamat. Pinagtanggol mo 'ko. Uuwi na ako. Ingat sayo."-sabi ko sabay lakad paalis.

Nang hawakan nya yung wrist ko bigla.

"Saglit lang!"

"A-Ano?"

"Pwedeng.. doon ulit ako makitulog sa inyo?"-pagmamakaawa nya.

Paano ba 'to? Makikitulog na naman sya? Baka kung ano nang sabihin ng mga kapitbahay.

Pero nakakahiya din namang tanggihan dahil iniligtas nya naman ako.

"Jisoo-ya! Sige na naman oh.."

"Tsk! Oo na."

"YEY!! YESS!!"

"Pero. Sa labas ka ulit tutulog."-kundisyon ko.

"Okay lang."

Pagkadating namin sa bahay. Inabutan ko na agad sya ng kumot at unan. Bago ako natulog, kinuha ko yung sirang gitara ko at saka ako nagpractice para dun sa self-composed song ko na ipapasa na bukas. Habang tumutugtog ako, napansin kong kumatok sya.

"Jisoo!"

"Ano?"

"Napansin kong sala sa tono yang gitara mo. Gusto mong itono natin?"-tanong nya.

"Hindi. Huwag na. Salamat na lang."-sagot ko.

"Oh. Kung gusto mo, itong gitara ko muna ang gamitin mo."-sya.

Ano ba yan? Parang kailangan ko na naman ng tulong nya. Mahalaga 'to eh.

Tumayo ako habang bitbit yung gitara ko, lumabas ako at saka iniabot sa kanya yung gitara ko.

Treasure Of My Past [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon