Another Best Friend Story 2

83 3 0
                                    

Kumuha na kami ng litratong dalawa. Syempre si Ako kilig to the bones na naman. Hindi ko na maitago yun dahil hindi ko maialis yung ngiti ko sa labi ko.

Eto na ang pinaka Romantic and Memorable date para sakin. Siguro dahil siya ang kasama ko kaya memorable.

"You haven't change." He said smiling. There's a trace of a relief in his eyes.

"Compliment ba yan?"

He laughed. "Oo. You're still beautiful, straight forward and sweet."

"Well, i can't argue with that." He stares at me. Wag mo kong titigan ng ganyan lalo akong nahuhulog. "What's with the stare?" I asked.

"I just... really miss you."

"I miss you too." He smiles.  Hinawakan niya yung kamay at hinalikan ito. Tingin ko nag blush ako sa ginawa niya. Kamay palang yan ah, nag blush na agad ako paano pa kaya pag lips na.

"Nasaan na ang torpeng Daniel?" I teased. He laughed.

Mag gagabi na ng ihatid ako ni Daniel sa Condo ko. Hindi parin kami tumitigil sa pag kukwentuhan. Mga kung ano ano lang yung kinukwento ko. Siya naman yung tungkol sa pag vo'volunteer niya sa Church.

Kung ako puro Party siya puro Volunteer. Magkaiba talaga kami ng ugali. Pero kahit ganun bagay pa din kami.

Nasa elevator na kami at parang bigla kaming tumahimik. Ito ang unang beses na nanahimik kami. May kasabay kaming Couple na todo ang paglalambingan sa harap namin. Sarap sipain eh, nangiingit. Tinignan ko sandali si Daniel para makita ang reaksyon sa lover na kung makapaglambingan kala mo walang kasama sa elevator. Normal lang reaksyon ng mukha niya at halatang hindi manlang naapektuhan sa nakikita.

Naramdaman ko yung pag hawak niya sa kamay ko. Napatingin ako dun at tumingin ulit ako sakanya. He smiled at me. Okay! Dagdag kilig. Enebe!

Magkahawak kamay kaming nakarating sa Unit ko.

My soul is jumping and giggling endlessly.

"Thanks for this day." He said.

"Thank you din. I enjoy our date." He kissed my cheek.

"See you on Sunday." I nod. He smiled again.

Pumasok agad ako sa Unit at syempre kahit pilit kong pigilan ang kilig ko hindi ko magawa dahil sobrang kinikilig talaga ako ngayong araw.

"Saya mo ah!" Toru said. She's on the couch, reading. Tumabi ako sakanya. "Nagkiss na kayo?"

"No! But he kissed my hand and cheek."

"Ah! Kaya naman pala ganyan na naman ang ngiti mo. Alam mo ngayon lang kita nakitang ganyan. Totoo nga yung sinabi nila na pag inlove blooming."

"Hindi ko maitatangi yan."

Pumasok na ko ng kwarto ko at nag shower at nag bihis. Humiga ako sa kama. Narinig kong nag ring yung cellphone ko. Daniel is calling.. I smiled.  I answered it.

"Hello, miss me already?" I asked. I heard he chuckled.

"I always miss you." Oh! Sabeh! Alam na alam talaga niya kung paano ako pakembutin sa kilig.

"Marunong ka ng mangbola ah!"

"Hindi ako marunong nun nu, miss lang talaga kita. Tumawag lang ako para mag goodnight."

"Goodnight din. Wag mo kong masyadong isipin ah baka di ako makatulog." I heard he laughed.

"I'll try." I giggled. "Goodnight Barbie, dream of me."

"Goodnight Daniel."

"I love you." OhmyGod. Did he really.. did i... oh... i don't what to say. I cleared my throat.

"A'ano ulit yun?" I sense his smile.

"I love you." Mas may feelings na ngayon ang tono ng boses niya. He loves me! He loooooves me!

"Uhm..."

"Wag ka munang sumagot, hindi naman kita minamadali eh. Gusto ko lang sabihin yun." Pagpuputol niya. Eh gusto ko na kayang sagutin!  Gusto ko ng magmadali!

"Goodnight again." He added. Magsasalita na sana ako kaso pinatay na niya yung tawag.

Nagrolyo rolyo, nagpapadyak padyak ako sa kama ko dahil kilig. Ang lakas talaga niya maka teenager sa pagpapakilig. Kainis lang eh. Mag i'i love you too na ko binabaan pa ko. Dibale madami pa naman kaming time eh.

Another Best Friend Story (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon