Prologue

33 1 0
                                    

Hindi mawari ni Rey kung bakit sa oras na alas onse ay hindi pa rin nakakauwi ang kanyang asawa na si Sherwin. Sa pagkakaalam niya ay alas siyete ang tapos ng pasok nito, pero anong  petsa na? Hindi naman ito nag-iwan ng kahit na anong mensahe na made-delay ang kanyang pagdating ngayong gabi? Nagluto pa naman siya ng paborito nitong afritada, na ngayon ay malamig na. Nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil hindi naman siya madalas na nagluluto. Pinagday off niya pa ang mga katulong para lang masolo nila ang bahay. Alam niyang madalas siyang wala sa bahay, wala sa siyudad, wala sa bansa, at iyon ay dahil sa kanyang trabaho bilang isang Marketing Manager sa isang kilalang fashion brand sa Pilipinas. Responsibilidad niyang siguraduhin na kaanya-anyaya ang lahat ng branches sa buong mundo para mas bumenta ang kanilang produkto. 

Magaling siyang magbenta ng kahit na ano. Noong bata pa lang siya, kahit origaming papel ay nabebenta niya sa kanyang mga kaklase. Ang galing sa pagbebenta ay namana niya sa kanyang Ina na may puwesto sa palengke, ito ang nagturo sa kanya ng mga prinsipyo ng pagtitinda, ng pagpro-promote para mas lalong bumenta. Nag-aral siya ng kursong Marketing & Management at kahit sa unang taon pa lang niya sa trabaho ay humanga na ang kanyang mga katrabaho sa pinakitang galing nito. 

Kinuha ni Rey ang telepono at saka tinawagan ang asawa. Unang ring pa lang ay sinagot na ito agad. Pero laking gulat niya nang boses babae ang sumagot. "Hello? Sino 'to?" anito na para bang hindi nakarehistro ang pangalan niya sa caller ID ng telepono ng asawa.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa'yo niyan, dahil telepono ng asawa ko ito?" matigas na tugon ni Rey habang nakakuyom ang mga palad. Nakarinig pa siya ng hagikhikan bago pa muling may narinig na nagsalita sa kabilang linya. Sa pagkakataong ito ay boses na ng asawa niya ang narinig. 

"Honey?"

"Anong oras ka ba uuwi?"

"May OT kasi kami ngayon hon, tatapusin ko lang 'to at uuwi na rin ako."

"Pinagluto pa naman kita ng Afritada."

"Kumain na ako dito hon, I don't think I need to eat again paguwi. Sige na, tatapusin ko lang 'to."

Iyon lang at binaba na ni Rey ang telepono. Hindi ito ang unang beses na ma-late si Sherwin sa paguwi ng bahay. Ayon sa prinsipyo ni Rey, sa oras na hindi tumawag ang asawa mo dahil male-late siya ng uwi, malaki ang chance na hindi trabaho ang rason nito. Noong isang linggo ay nakakita siya ng handmade card na may malambing na message: 

I think of you every minute of everyday...

Iyan ang sabi sa card na halos punitin niya sa galit. But she kept her cool. Para sa kanya ay tapat si Sherwin, hindi dapat siya magalala. Mag-asawa sila kaya dapat ay malaki ang tiwala nito sa kanya. Mula sa ilalim ng unan ay nilagay niya ang card sa basurahan, pero bago 'yon ay kinunan niya muna ito ng litrato. Just in case... bulong niya sa sarili.

Napabuntong hininga si Rey, kumuha ng plato at saka nagsandok ng kaya niya lang kainin. Nagbukas siya ng isang boteng alak, alak na galing pa ng Italy at balak niyang buksan kasama ang asawa niya nang gabing iyon. Pero ngayong gabi na ito, napagdesisyunan niyang uminom mag-isa. 

Kinain niya ang lutong Afritada at ininom ang alak galing sa bote. Sanay na siya uminom ng alak kaya naman kahit makalahati niya na ang bote ay tila wala pa rin itong epekto sa kanya. 

Pitong taon na silang kasal pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Noong una kasi ay pareho silang hindi handa, pero tatlong taong na ang nakaraan mula nang pareho na nilang ginusto maging buong pamilya, ngunit kahit magpa-check up na sila sa ilang doktor at ilang gamot na ang inumin ay wala pa ring epekto. 

Maraming nagsasabi na pagdating ng pitong taon ay masusubukan daw ang isang relasyon, at ang pagsubok na ito ang magdidikta kung kayo ay magtatagal ba o tuluyan nang maghihiwalay. Kung totoo man ito, malamang ay ito na nga ang pagsubok na iyon. 

Tinungga ni Rey ang natitirang laman ng bote. Nakakaramdam siya ng sakit sa kanyang puso, at kahit gusto niyang umiyak ay hindi niya magawa. Hindi lang ata galing sa pagtitinda ang namana niya mula sa kanyang Ina, kung hindi pati na rin ang hindi pagpapakita ng tunay na nararamdaman. Kahit nagdurugo na ang kanyang puso ay hindi niya rin magawang komprontahin si Sherwin sa mga natuklasan at sa kanyang mga iniisip. Tumayo siyang muli at kumuha ng isa pang bote ng alak mula sa kusina, pagkabukas niya nito ay naalala niya ang nangyari tatlong araw na ang nakakalipas. 

Three days ago, she insist that they make love pero si Sherwin ang umayaw. Ilang beses na ito nangyari kaya hindi na nabigla si Rey. She miss her husband so much pero ano ba ang magagawa niya kung ito na ang mismong gumagawa ng malaking espasyo sa pagitan nila?


Ala una na nang makauwi si Sherwin sa kanilang tinitirhan na nasa isang sikat na subdivision sa Las Pinas. Nabigla siya nang wala ang kasambahay nilang si Gigi na madalas ay sinasalubong siya at pinagbubuksan ng pinto. Wala rin ang driver nilang si George. Nasaan na kaya sila? tanong niya sa sarili. Inilabas na lamang niya ang sariling susi at binuksan ang pinto. Madilim ang buong kabahayan at tanging ilaw lang sa kusina ang kanyang natatanaw. Dumiretso siya sa kusina kung saan nakita ang asawang nakasalampak sa mesa, kaharap nito ang dalawang bote ng alak na wala ng laman. Pero tinitigan niya lang ito at sa halip ay dumiretso siya sa hagdanan patungo sa kanilang kwarto sa itaas. Pagod na rin siya...

Sumalampak ang kanyang katawan sa malambot na kama at wala pang limang segundo ay agad na nakatulog. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE MARKETINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon