12/24/15
--------[ Lei's POV ]
"Mom,Dad alis na po ako" Kukuhanin ko na sana yong bagpack ko nong hilain ni Yana yong damit ko
"Kuya" nangingilid na yong mga luha sa mata niya.
Binuhat ko siya at kiniss sa noo niya.
"May pasok pa si Kuya eh.Wala namang kasama si ate Krystel mo kaya kailangan siyang samahan ni kuya"Pagpapaliwanag ko kay Yana.Dapat kahapon pa ako umalis dito sa bahay kaso hindi ko maiwan si Yana.
"Son,dito ka na lang kaya muna?"
Napabuntong hininga nalang ako.
"Dad walang kasama si Krystel" Alam nina Mommy at Daddy na doon ako kina Krystel nakatira.
Okay lang at walang malisya sa kanila ang pagtira ko doon.Naiintindihan naman nila ang dahilan ko.Nagpapasalamat nga ako kasi suportado sila sa akin.
"Okay,balik ka dito pag weekends huh? Sama mo narin si Krystel"
"Sure Mom.Sige po alis na ako" Binigay ko na si Yana kay Mom at tuluyan nang tinungo ang pinto.
Nakangiti kong dinukot yong cellphone ko sa bulsa.At mas lalo akong napangiti nong bumungad sa akin ang mukha niya sa lock screen.Ilang araw palang na hindi ko siya nakikita sobrang namimiss ko na.Putik nakakabakla talagang mainlove
To Babs : Hi ! What are you doing?
Pinaandar ko na yong motor tsaka dumiretso sa bahay nina Krystel.Good thing at may duplicate key ako nang bahay nila.
Dumiretso ako sa kwarto ko para ilagay ang mga gamit ko.Dinukot ko uli ang cellphone ko sa bulsa upang icheck kong nagreply si Krystel pero wala pa.
Tinext ko uli
To Babs : Babs sunduin na kita?
Bumaba na ako at sumakay uli sa motor papuntang Academy.
Papasok na ako sa Main gate nong harangin ako ng isang guard
"Sir sorry pero bawal ang mga nakasibilyan sa loob"
Nakalimutan ko nga palang magpalit ng uniform.Hindi talaga sila nagpapasok ng mga estudyante na hindi nakauniform kahit kilala ka sa school.Against the rule kasi yon dito sa Academy.
Kahit basagin ko pa yong mukha nong guard hindi parin niya ako papasukin kaya ako nalang ang maghahanap ng daan paaasok sa loob.Inikot ko yong Academy hanggang sa makakita ako ng puno na malapit lang sa pader dito sa may likod.
Napangisi ako bago bumaba sa motor.Inakyat ko yong puno at lumipat sa pader nang makarating na ako sa toktok.
Kung tatantyain nasa 15-20 feet ang taas ng pader.Napa mura nalang ako sa isipan ko habang iniisip kong tatalon pa ba ako o hindi.
Putik ! Hindi sa natatakot ako pero sobrang taas talaga.Baka paglapag ko bali bali na ang mga buto ko.
Pumikit muna ako at huminga ng malalim.Ready na akong tumalon kaso
"GABRIEL!"
Buset ! Nagulat ako sa pagsigaw ni Nikka sa pangalan ko kaya taranta akong napatalon.
Patagilid akong bumagsak sa lupa.
"Hoy okay ka lang?" namimilipit na ako sa sakit tapos tatanungin kong okay lang ako?Putik ang tindi !
Nabali na ata yong mga buto ko sa kanang binti at kanang braso ko.
Hahawakan na niya sana ako kaso tinapik ko yong kamay niya.
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Teen FictionIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...