Exchange Gift (One Shot Story)

357 32 28
                                    

Author's epal note
This is my first story in wattpad.
Hope you like it. :-)

(2018)
Happy 2 years sa first book ko haha
Ngangayon mo lang ba nabasa? Okay lang yun salamat sa pagbasa mahal kita <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Okay class. Bilang nalalapit na ang ating Christmas party, by column tayo magbubunutan para sa exchange gift natin", sabi ni Mam Ortega, an gaming homeroom teacher

Syempre maraming ayaw ng by column lalong lalo na yung pahuling column kasi no choice sila, ay este kami dahil kakaunti na lang yung pagbubunutan.

Ano ba naman kasing sistemang yan, lagi na lang kami nahuhuli dahil sa sitting arrangement. Maraming umangal pero our teacher's decision is final. Taray parang judge lang sa contest haha

"Class quiet please, pasko naman. Pagbigyan natin ang mga nasa first column okay?", saway ni Miss Ortega. "Sige na ipasa niyo na yang box at bumunot na. Walang sabihan ha"

Araw araw ata pasko, lagi na lang sila nauuna pero I really don't care since mauna man ako o mahuli hindi ko pa rin alam kung sino mabubunot ko.

"Ayan na naman yang by column na yan! May galit na naman si mam sa atin. Unfair noh? Huli na naman tayo pero Aira! Sino gusto mong mabunot?", tanong sa akin ni Anthony

Si Anthony ay seatmate ko. Pareho kaming nasa likod at pahuling column.

"Kaya nga Anthony! Huli na naman tayo! pero oo nga Aira sino gusto mong mabunot?", ang pag-eepal ni Mika

Si Mika naman ay nasa unahan ko.

"Bakit gusto niyong malaman?", tanong ko sa kanila

"Wala lang", sabay nilang sagot

-_-

Nagtatanong Pero walang rason? Ang galling talaga. Ano ba

"Gusto kong mabunot? Syempre si crush", sagot ko

You can judge me.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ok tama na. hahaha

Para namang hindi niyo hiniling kahit isang segundo na mabunot ang crush niyo. Minsan lang lumandi mga bes push ko na to

"Si Cedric????!! Ayieeeee kilig!", pang-aasar ni Anthony

Tinakpan ko ang malaking bunganga ni Anthony kasi naman... ang lakas talaga ng boses niya. May hiya rin naman ako kahit papano.

"Asa pa more. Paano nga kung nabunot mo? So sa araw ng Christmas party awkward? Ganun? Tapos mahihiya ka pa.", pang babasag trip ni Mika

Si Mika talaga yung uri ng kaibigan na nakatapak lang sa realidad. Teka nga kaibigan ko ba to.

"Joke lang. Ang low ng probability na mabunot natin ang mga gusto natin kasi hello? Nasa huli tayo", sabi ko.

Well, nakatapak din naman ako sa realidad. Just saying

Exchange Gift (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon