UD of the day. Sorry kung medj natagalan na naman ako. Defense kasi namin eh. Tapos pag naapprubahan ng prof namin yung Campaign namin.. pramis isang UD ulit. Pero pag hindi, alam niyo na yan. Hehehe. Wish me luck tomorrow!
KIEFER
Ilang buwan na ang lumipas simula ng umamin sakin si Mika at Ara. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sa tuwing napapanood ko silang dalawa sa TV masaya sila. Lalo na ngayon na nagstart na ang UAAP Volleyball. Everytime na magkakascore sila, lagi silang nagtatabi kapag may group hug. Naiinis talaga ako. Hindi ko matanggap na isang babae ang ipapalit ni Mika sa akin at si Ara pa.
Nagtataka rin ang parents ko kung bakit hindi ko na raw nakakasama si Ara. Paliwanag ko na lang, busy kaming dalawa, wala ng time para magkita pa kami.
By the way, nasa bar nga pala ako ngayon. Nagkayayaan kasi ang ibang ko teammates. Tutal long break naman daw namin, magrelax muna raw kami. Ayaw ko sanang sumama sa kanila kaso mapilit talaga sila. Sa bagay, rookie pa naman ako sa team ko. I need to hangout always with them so I can know them better. Makakatulong din 'to para sa team namin.
"Shot pa Kiefer!" Sigaw ni Kuya Nikko. Teammate ko, forward player ng team.
"Sige lang Kuya. Ubusin ko muna 'tong kinakain ko." Sagot ko naman. Ayaw kong magshot ng magshot baka malasing ako, mahirap na.
Pinanood ko lang magsaya yung mga teammates ko. Nandoon yung iba sa dancefloor at kaming mga rookies naiwan dito sa table namin. Nagtataka nga yung mga seniors namin, bakit daw ang tahimik namin dapat kami pa yung go na go magsaya ngayon sa bar. Masaya naman ako ngayon lalo na't kasama ko ang mga teammate ko. Minsan lang talaga na naiisip ko sina Mika at Ara. I really feel bad for myself, I can't understand myself. I don't know why I have to get angry so much to Ara. I understand naman na she just loved pero I feel like I was cheated. Sinabihan ko si Ara na magmahal na siya ng kahit sino o kahit ilan pa 'yan basta 'wag si Mika. Nakakainis kasi ang sa dami ng tao na pwede siyang ma-fall kay Mika pa. Doon ako naiinis. At sa dami ng tao na pwede ipalit sakin ni Mika bakit si Ara pa na sobrang matalik kong kaibigan.
Haaaay, ano ba 'tong nangyayari sa akin? Mali yata na umalis pa ako sa Pinas para ipagpatuloy ang career ko sa US. Hindi sana nangyari 'to.
"Kief, ang deep naman niyan." Rinig kong sabi ni Mike. Rookie rin siya ng team.
"Ha?"
"Kanina ka pa tulala brad! Ano ba 'yan?" Natatawa niyang tanong.
"Ah, wala lang 'to." Sagot ko at ininom ko ang beer ko.
Habang tumatagal napaparami ang iniinom ko pero kaya ko pa naman ang sarili ko. Alam kong makakapagdrive pa ako pauwi. Pero habang tumatagal nga, medyo naiirita na ako sa music dito sa bar.
"Guys, uwi na ako ah." Sabi ko at tumayo na ako sa pagkakaupo ko
"Oh bakit? Ang aga pa." Sabi ni Mike.
"Ayaw ko na. I have to go. I have something important to do tomorrow guys."
"Kaya mo ba? Baka hindi." Tanong naman ni Philip.
"Yah. Kaya ko pa." Sagot ko at nagpaalam na ako sa kanilang lahat.
Lumabas na ako ng bar at pumunta na ako ng parking area. Okay pa naman ako, hindi naman ako gumegewang habang naglalakad. Nakita ko rin naman agad yung kotse ko at agad na akong lumabas doon.
Medyo inaantok na rin ako pero kaya pa. Konti na lang din naman mga sasakyan ngayon dahil medyo late na. Nagpatugtog ako ng mga rock na kanta para magising talaga ako baka kasi makatulog ako pag mellow pa ang pinatugtog ko.
Medyo nakakabadtrip din 'tong mga stoplights, ang tagal mag-green. Kahit na may sounds na kong maingay, inaantok pa rin ako sa paghihintay. Nakakainis kasi ang dami kong nadadaanang stoplights, imbis na makauwi na agad ako eh. May pedestrian lane kasi dito, medyo marami rin ang tumatawid. Nang mag-go na ang stoplight agad akong bumwelo pero nagulat ako nang biglang may bumisina ng malakas. Bigla akong pumreno at tinignan ang side mirror ko. May nakita akong nakahiga, hindi ko lang matanaw kung babae ba o lalaki. Kahit gustong-gusto ko ng umuwi at matulog sa bahay, bumaba ako para icheck kung anong nangyare.
Naglakad ako palapit at medyo pinagkakaguluhan na rin ng tao yun. Nakipagsiksikan ako para makita kung sino yun. Malay natin kilala ko di ba para matulungan ko agad.
"Excuse me po." Sabi ko sa mga tao nakaharang sakin. Hindi na ako masyadong lumapit dahil kita ko naman from afar.
"Uy, hindi ba yan yung player?" Napatingin naman ako sa babaeng nagsabi nun. Player? Hala sino kaya yun? Kaya nagmadali na akong lumapit sa harap.
"Si Galang yata 'yan." Napatingin naman ulit ako sa lalaking nagsabi non. Kumunot ang noo ko, no. Sana hindi ito si Ara.
"Excuse po." Sabi ko ulit sa mga taong nakaharang sa dadaanan ko.
"Si Galang nga 'yan."
Medyo naririndi na ako sa mga sasabi ng mga tao dito. Nakakailang sabi na ako sa isip ko na sana hindi ito si Ara pero nang makita ko na yung taong nakahiga sa kalsada doon ko lang napagtanto na.. tama sila.
"Ara!" Sigaw ko at agad akong lumapit para hawakan siya.
"Ara!" Muli kong sigaw at kinapa ko ang mukha niya. Nang hawakan ko ang ulo niya, medyo napansin kong parang basa yun. Tinignan ko dugo pala yun.
"Ara, kapit ka lang." Bulong ko at binuhat ko na siya. May mga taong tumulong sakin na bitbitin yung mga dala ni Ara na nabitawan niya. Tumakbo na agad ako sa sasakyan ko. Buti na lang talaga may mga tumulong sakin para buksan ang pinto ng sasakyan ko. Hiniga ko si Ara sa backseat at nilagay doon ng mga taong tumulong sa akin yung mga bitbit ni Ara.
"Salamat po ng sobra." Sabi ko sa mga tumulong sakin. Pumasok na ako agad sa kotse at pinaandar ko. Medyo harurot ako ngayon, makapunta lang ako agad sa malapit na hospital na madadaanan ko.
"Ara, hold on please!" Sabi ko. Wala na akong ibang iniisip dito kundi si Ara lang. Kailangan kong iligtas ang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanficDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...