His Gift (One Shot)

7 0 0
                                    

" 3, 2, 1. MERRY CHRISTMAS ! " - Sigaw ng mga tao sa bahay. Samantalang ako, tahimik na nakatingin sa wallpaper ng phone ko. It's me, with Yuan. Boyfriend ko. Magkaaway kami ngayon and I miss him. Very much.

Nag-away kami dahil kay Luan. Yung kakambal nya na bestfriend ko. Ewan ko ba. Masyadong seloso si Yuan.Minsan nakakainis na din. Kahit alam kong palatandaan yun ng pagmamahal niya sakin.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pangalan nya sa screen. He's calling ! Sinagot ko naman yun agad.

" B-babe. " - sabi ko. Pinipigilan kong kiligin. Baka kasi bigla akong mapatili.

" Krysh. Meet me at your village's park. " - He said. In a very cold tone. Why ? Anong problema ? Bakit ang cold mo.

Sasagot sana ako nang i-end niya ang call. Hindi na ko nagsayang ng oras at lumabas na ko ng bahay. Narinig ko si Mama na tinatawag ako pero hindi ko sya pinansin at mabilis na tumakbo papuntang park.

-- Sa park --

" YUAN ! " - hinihingal akong sumigaw para tawagin ang lalaking nakatalikod at medyo malayo sakin. Lumingon naman siya. Tumakbo ulit ako papunta sa kanya at niyakap sya. Pero tinanggal nya ang pagkakayakap nya sa'kin.

" Gusto ko nang madaliin to. Im sorry, Krysh. It's just that ... I can't take it anymore. " - Still, ang cold ni Yuan sa'kin. Naiiyak na ko.

" Yuan. What do you mean ? " - tanong ko sakanya. With my broken and trembling voice.

" Im sorry Krysh. Let's just stop our relationship and -- " - and with that, my tears fell down. Di ko sya pinatapos at nagsalita na.

" Yuan. What seems to be the problem ? May mali ba sa'kin ? Handa ko namang baguhin 'yun para sa'yo eh. Just don't do this to me. " - i am crying while talking to him. I stared at his eyes. Ang cold.

" Krysh ... "

" Yuan, Im trying to be a good girlfriend here but it seems that ... I am not enough. Yuan ano ba ? Simula 14 years old, tayo na. 1 decade had passed us. Babalewalain mo na lang ba yung sampung taong relasyon natin ?! Yuan ano ba ?! " - iyak ko.

Sumisigaw na ko pero wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid sakin. Basta ang alam ko, nasasaktan ako. Iyak na ko nang iyak ngayon.

Nagulat na lang ako nung hinatak ako ni Yuan palapit sa kanya at niyakap. Nakayuko ako at nakadikit ang noo ko sa dibdib nya. I am still crying.

" Tanggapin mo na lang, Krysh. Para sa'tin din 'to. Magiging masaya tayo. " - Yuan. Umiling ako.

" Ayaw ko. Ayokong pumayag sa gusto mo, Yuan. " - sabi ko sakanya. Halos kapusin na din ako ng hininga dahil sa pag-iyak ko. Maya-maya, I heard him laughed. Mahina lang but enough for me to hear. Bakit sya tumatawa ? Nagmumukha akong miserable dito tapos sya tumatawa ?!

" Hindi ko pa naitatanong yung gusto kong itanong, may sagot ka na ? Tapos ayaw mo pa ? Ang sakit, babe. " - Yuan. Kumalas ako sa yakap at tinignan sya.

" Ha ? Bakit ka tumatawa ? Tsaka anong sinasabi mong masakit ? " - pinupunasan ko ngayon ang luha ko sa mukha habang humihikbi.

Instead of answering me, he cupped my face using his hands.

" 3, 2, 1. Happy Anniversary, Babe. " - Yuan. Pagkatapos nyang sabihin yun, nadagdagan ang ilaw sa paligid. Teka ? 25 nga pala ngayon. December 25. Anniversary namin. Pero, di ba nakikipag-break sya ?

" Yuan ... " - pinutol naman nya yung sasabihin ko.

" Babe, ako muna. Umayon ang lahat sa plano ko. Na-misinterpret mo ang mga sinabi ko. Im not breaking up with you. Im sorry for making you cry. But that's a part of my plan. Now, turn around and look up. " - kahit na naguguluhan ako, sinunod ko sya. Pagtingala ko, mas lalo akong naiyak.

Sa harap ng park, may isang building. Company yun at glass ang mga windows. Nakita ko sa loob nun, yung mga office workers at mga kaibigan namin ni Yuan. They are holding the cardboards saying, " WILL YOU BE MINE ? " Sa isang cardboard, may isang letter. I am still fascinated by that nang biglang may fireworks display. Again, naiyak ako sa nakita ko. May nag-form na words, at ang nakalagay, " KRYSTAL YSH JUNG, WILL YOU BE MY FOREVER ? "

Tapos maraming fireworks na nag-form ng hearts.

Niyakap ako ni Yuan mula sa likod. Ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko.

" Fascinated, babe ? " - pagkatapos nyang sabihin yun, inalis nya ang pagkakayakap nya at pumunta sa harap ko. Nagulat ako nang dahan dahan syang lumuhod.

He inserted his hand to his jacket's pocket, may kinuha sya at paglabas ng kamay nya, mayroon na syang hawak na blue box. Maliit na blue box. At for the nth time, i cried dahil mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari.

" I already talk to your parents. I already have their blessings, Krysh. Please tell me that you're ready to be with me. Please be my forever. Please be my wife, be my life. Marry me, Babe, marry me. " - nakangiting sabi ni Yuan at binuksan ang kahong hawak nya. Ang ganda ng singsing. Yes. It is a ring. BEAUTIFUL AND ELEGANT. Yan lang ang maibibigay kong description. Basta sobrang ganda.

I composed myself at tinignan sya sa mata.

" Yuan. Matagal na kong handa. I am willing to be yours. Im willing to be your forever. Im willing to be your wife, your life. I will marry you babe. " - i smiled. And with that, he stand up at isinuot sa akin ang singsing. He kissed me. Smack lang naman pero ramdam ko ang tamis ng pagmamahal nya. He hugged me. Pero sandali lang.

" Hindi ko masabi kung gaano ako kasaya. I really love you. I will always love you. Promise, magiging masaya ka sa'kin. You're mine, Krysh. You're mine, forever. "- he said while he cupped my face.

" I know, Yuan. I know. I Love you more. I will be forever yours. " - i said then he kissed me, passionately. While we're kissing, narinig kong nagpalakpakan ang mga tao. My eyes are closed kaya di ko sila nakikita but I know, sila yung mga office workers at ang mga kaibigan namin.

Oh God. I really love this man. I will always love you, Yuan.




His GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon