Mensahe ni Beki

98 6 0
                                    

Para sa nag-iisa kong bes...

Bes, gerla. Kamakailan lang tayo nagkakilala diba? Nagkasundo tayo kasi parehas tayong may crush sa isang gwapong basketball player noon. Nagkakwentuhan tayo. Nag-open up ako sayo nang mga experiences ko nung bata pa ko. Kung paano ko tinuturo sa ate ko ang Barbie kapag umaalis kami at nagpupunta sa mall.

Kung paano ko na nakakahiligan ang pagmamake-up sa ate ko. Pati pag aayos nang buhok nya. Pati kung paano nalaman ni ate ang tunay kong pagkatao at kung paano rin nya ako tinanggap.

Sa kabila nito, nalaman yun nang kuya ko at sinapak ako. Sinigawan din ako nang isa ko pang kuya. Nalaman mo din nun na naulila na rin kami agad non. Kaya mga kapatid ko lang na nakatatanda ang nagpapaaral sa akin nun. Bunso kasi ako diba? Kaya nga sinasabi nung dalawa kong kuya, kung sino pa yung mas pinaggastusan nila, siya pa yung namali nang landas. Naisip ko tuloy, ano bang masama sa pagiging bakla?

Hmp. Hayaan na, tanggap naman ako nang ate ko, at dahil sa pagiging panganay nya sa amin, naging tagapagtangol ko din sya sa dalawa kong kuya.

Nung nagkatrabaho si ate, madalas syang wala sa bahay. Kaya madalas din sainyo ako nakikitulog. Buti nalang at walang galit si tito at tita sa mga kagaya kong bakla. Magkasama pa nga tayo sa isang kwarto, nagpupuyat.

Habang tumitingin nang magazine na maraming gwapong lalaki. O kaya'y nanonood nang lovestories gaya nang Romeo and Juliet.

Pag may mga lakad ka din, overprotective sila tito at tita sayo, kaya madalas kasama mo ko. Sinasabi ko sayo ang magandang terno nang palda mong pink. Pati ang heels. Tapos madalas, naglalagayan din tayo nang eyeliner non. Tanda ko pa nga, yung regalo mo sakin nung friendsary natin, makeup diba? Tuwang tuwa ako nun.

Tapos ginagamit natin kapag trip natin. Sobrang close natin. Magkasama sa lahat ng selfies, alam natin ang kabaliwan nang isa't isa, ang paborito at ang ayaw. Ang saya-saya natin non, bes.

Hanggang sa dumating ang araw na nagsabi ka sakin na may boyfriend ka na. Sinagot mo na yung nanliligaw sayo at legal kayo kila tito at tita. Nasaktan ako kasi madalas mo nalang akong nakakasama. Nagtampo siguro ako nun bes kasi dati ang saya natin. Feeling ko tuloy nawala ka sakin. Hindi ko alam bes. Nagbiro ka pa nga sakin nun, ang sabi mo pa. "Oy bes, bat ka ba naiwas? Type mo jowa ko no? Hanapan kita ng iyo wait!" Nginitian lang kita nun.

Isang araw, nag-ayos ako. Nagbihis ako at nagpunta nang mall mag-isa. Sinubukan kong maging masaya kahit mag-isa. Malas ko pa, nakita ko kayo na nagtatawanan, at sa susunod na mangyayari, ang sweet nyo naman.

Umuwi ako sa bahay at nakita sila kuya. Niyakap nila ako at humingi sila nang tawad. Sila daw ang mga sarili kong pamilya, sila pa ang unang nanghusga sakin. Ipinaliwanag nila yung side nila. Na hindi lang daw kasi nila naisip na hindi mangyayari yung gusto nila noon. Yung tatlo kaming lalaki na magiging tagapagtanggol nung nag-iisa naming ate. Yung tatlo kaming magsisilbing mga 'unang boyfriends' nya kumbaga at mangbubugbog sa lalaking magpapaiyak sa kanya. Niyakap ko sila at nagkaayos kami ulit.

Nagpaalam ako na magpapahinga sa kwarto. Iniisip ko yung nararamdaman ko kasi naguguluhan ako. Namimiss kasi kita, bes. Miss na miss. Doon din ako dinatnan nang pag-uwi ni ate at sinabi ko yun sakanya. Sabi nya pa, baka namimiss ko lang yung mga ginagawa natin nung single ka pa.

Yung may lakad ka na magkasama tayo imbes na yung boyfriend mo. Bibili tayo nang mga kailangan mo sa labas at kasama ako. Kakain tayo sa labas na magkasama imbes yung boyfriend mo. Nagtitilian tayo kapag lumalabas si Zac Efron sa movies nya, ngayon ako nalang.

Pero sabi ko kay ate, hindi ko alam. Iba kasi ang gusto ko. Gusto ko kasi ako lang ang dahilan nang mga ngiti mo. Yung mga masasayang experience, gusto ko ako lang ang kasama mo. Gusto ko, sa akin ka lang humihingi nang mga pabor, gusto ko yung sinasabihan mo ako nang, "Baklaaa, sorry na kasi. Oo na, ikaw lang isasama ko ngayon. Di ko na isasama yung kaklase ko."

Tsaka sinabi ni ate na, mahal daw kita. Napaatras ako. Hindi naman siguro, babae ako by heart at alam ko yun. Bat kita mamahalin diba eh sa lalaki lang nagtitwinkle ang mga mata ko.

Ngumiti si ate at syang pagramdam ko naman ang pagtapik sa akin ni Kuya. Sinabihan nila ako na siguraduhin ang nararamdaman ko kasi sa nakikita nila, mahal daw talaga kita.

Nagdaan ang mga araw. At nagdesisyon muna akong dumistansya sayo. Sinubukan kong hanapin ulit ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi nagulo nanaman ang pagkatao ko dahil sayo. Sinuot ko ang isang damit na ramdam kong isa akong ganap na babae.

Hiniram ko ang boots ni ate. At naglagay nang eyeliner at lipstick. Sinuklay ko ang buhok ko at sinuot ang mga bracelet ko. Umalis ako nang bahay at naglakad.

At sa pagtataka ko, noon pagsuot ko ito ay masayang-masaya ako. Pakiramdam ko'y ang ganda-ganda ko. Pakiramdam ko'y ganap na babae ako.

Bakit pakiramdam ko wala nang saysay itong mga suot ko? Anong nangyayari?

Dumaan ang isang lalaking maayos ang pormahan at gwapo. Pinasadahan ko ito nang tingin. Kung dati ay magkasama tayong titili at kikiligin, bakit ngayo'y parang gusto ko pa nang porma nya? Bakit gusto kong gayahin yung ayos nya? Bakit wala na rin impact sakin ito kahit matipuno ang lalaki at bakat ang mga braso nito? Bakit tila gusto ko rin nang ganun? Ilang linggo na akong ganito, anong ibig sabihin nito?

Doon ko napagtanto, na ayos na ayos ako nang pambabae. Gayung sumisigaw ang buong puso ko na bumabalik na ako sa pagiging isang lalaki muli.

Buwan ang mga lumipas at nagustuhan ko na ang ayos ko. Naasiwa na rin ako pagnilalagyan nang kahit lipgloss lang o blush. Nagpagupit ako nang malinis na gupit sa barber shop at inayusan ito nang gel. Nagpalaki ako nang katawan para malaman mo ang katauhan na binago mo sakin.

Sinuot ko rin ang kulay itim kong polo at tinupi ito hanggang siko na bumagay sa isang pantalon. Tinernuhan ko rin nang isang sapatos na gaya nang kila Kuya at nagwisik nang pabangong gaya rin nang kanila. Sinuot ko din ang regalo ni ate na relong panlalaki.

Kinatok ako ni ate sa kwarto at sinabing nandyan ka. Pakiramdam ko'y nabuhay ako ulit nang marinig ang pangalan mo. Nagbutil-butil ang pawis ko sa noo. Ngayon lang kasi kita ulit makikita, ngayon ko lang ulit maririnig ang boses mo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at sinuri kung presentable na ba ang ayos ko.

Lumabas ako nang kwarto at nakita kang nakaupo sa sofa....umiiyak. Mistulang nabasag ang puso ko. Noon pa man kasi'y nasasaktan ako kapag pumapatak ang luha mo.

Inangat mo ang tingin mo at nakita mo ako. Gulat ang rumehistro sa mga mata mo. Natuwa ka kasi tama ang sinabi mo dati. Na gwapo ako kapag inayusan nang lalaki. Na mas gwapo pa ako kay Zac Efron.

Dinala kita sa garden. Kasi mas tahimik doon. Nang dalhin kita ay tinanong na kita kung anong nangyari. At bigla'y niyakap mo ako. Sinabi mong iniwan ka nya. Sinabi mong nakabuntis sya sa iba. Sinabi mo rin na mas gusto nya pa panagutan ang bata at ang ina nito kesa sayo.

Pero sinabi mo rin sa akin ang pangyayari bago yun. Marahil ay nawala ang pagmamahal nya sayo gawa ko. Dahil parati mo akong naikukwento sa kanya. Parati mong sinasabi kung saan tayo madalas nagpupunta at kung ano ang madalas nating kinakain. Maging ang ugali ko, mga gusto ko at ayaw ko. Pag magkasama kayo, parati mo daw akong sinisingit. Ako daw palagi ang bukambibig mo.

Nagulat ako sa sunod na sinabi mo, "I love you, Bakla. Mahal na mahal kita."

Napangiti ako nang malapad at niyakap ka nang mahigpit. Hinalikan ko ang tuktok nang iyong ulo at sumagot. "Mahal na mahal din kita, bes. Akin ka lang."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mensahe ni Beki (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon