VIII: From Good to Bad

179 3 0
                                    

Update!!! (*^_^*)
Happy New Year! (ノ^_^)ノ Happy 200+ reads! YEY! ∩˙▿˙∩ Alavyu guys! <(^_^)>

-duchessrafa

~

Duke's POV

Nandito kaming magkakapatid sa headquarters ng mafia namin. Pinatawag kasi kami ni dad. Ano na naman kaya gusto nun?

Kasalukuyang kinakain ni Duchess ang isang apple. Dahan-dahan lang niyang kinakagat ito habang nanunuod ng tv.

"Hoy, Snow White!" Pambabasag ko sa katahimikan. Nagulat naman si Duchess. Lumingon siya sa akin na nakahawak ang isang kamay sa dibdib at nanlalaki ang mga mata.

I chuckled, "Grabe ka Snow White. Kain ng kain lang diyan, ha?" Ngumisi ako kay Duch. "Baka malason ka niyan" I smirked. She glared at me then she rolled her eyes.

Nakita ko naman si Princess na mahimbing na natutulog sa isang couch. Hay! Sleeping impakta naman tong isa. Ay este, sleeping beauty pala. Bulabugin ko nga? Mwahahaha!

Niyugyog ko si Princess at sinabing, "Princess Aurora, andito na Prince Charming mo" Malumanay kong sabi. Agad naman siyang bumangon.

"Kyaaaah!! Asan? Nasaan?!!!" Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya. Lumingon lingon pa siya sa paligid at hinahanap ang
Prince Charming niya na hindi naman nag eexist. Psh.

"Ay, assuming ang batang 'to, o! Tse! Walang Prince Charming at mas lalong walang forever!" Umirap ako sa kanya. Sumimangot at nag pout naman si Princess.

Nagsitawanan kami ni Duchess at nakitawa na rin si Princess. Tumawa rin si Prince na nagbabasa lang ng libro.

"You're so gay, Duke. Seriously, Prince Charming? Forever? Psh." Natatawang sabi ni Duchess. Mas tumawa naman sila. Nakahawak pa si Duchess sa tiyan niya. Hay! *frown*

Ako naman ang nag pout ngayon at naging dahilan upang mas tumawa sila. Nakitawa na lang rin ako dahil ako rin naman ang nagpasimuno sa kalokohang ito.

Naputol ang pagtatawanan namin nang dumating si mom at dad. Agad namang nagsalita si dad.

"Good to see you all here, my children" At bahagya siyang ngumiti. Ngumiti naman kami pabalik.

Si mom naman, as usual, kumakain ng cupcake. Binati niya kami ng matamis na ngiti na alam naming pilit lamang. Hindi pa rin siya nakaka move on. Pati na rin naman kami.

Nag gather kami sa isang malaking round table na may malaking screen sa harap. Nagsalita na si dad.

"He's Marvin Montreal," Sabay flash sa screen ng isang photo ng lalaki na parang nasa mid 40's na. Nasa picture din ang info about sa kanya.

"Owner of Montreal GOC" Nag flash naman ang picture ng company building nila. "After you're done with Mr. Montreal, you will transfer 75% of their funds to our mafia's account." Huminto siya saglit at nagpatuloy, "Only 75%." Paglilinaw niya.

We just nodded at dad as a response. "Any questions?" Umiling lang kami bilang sagot sa tanong ni dad. Tumango naman sila mom at dad at umalis na sila.

Kanya-kanya na kami sa paghahanda. Kumuha lang ako ng dalawang baril. Sinuksok ko ang mga ito sa bulsa ko.

Si Duchess naman, dahil mas magaling siya sa hand on hand na labanan, isang baril lang ang dala niya.

Si Princess naman, ay magaling sa mga matutulis na bagay, nag dala siya ng dalawang kunai at isang kutsilyo. Madugo talaga ang gusto niyang labanan.

Royalle Family: Greatest Mafia Rulers (DISCONTINUED)Where stories live. Discover now