Ako ang lipunan.
Hindi salot sa lipunan kundi alipin ng lipunan.
Hindi salot sa lipunan kundi binuo ng lipunan.
Madaming tao ang bumubuo sakin ngunit salusalungat ang adhikain.
Hindi ako makatarungan kaya madami ang galit sakin.
Bulaan ngunit pinaniniwalaan,
Panalo kahit talunan,
minamahal ngunit kinamumuhian,
kulang kulang ngunit kinaiinggitan,
klaro ngunit mapanlinlang,
Walang pinag aralan ngunit madaming alam.
Ako ang pinaka malihim sa lahat.
Ako ang rason kung bakit sa buhay hindi ka maka-angat.
Ako ay sakim at madamot.
Pinag sisilbihan ngunit kung mag pasahod ay kakarampot.
Ako din ang tahanan ng mga halang ang kaluluwa.
Walang wala ka na nga, nanakawan pa kita.
Ako ay masaya kapag maraming nag durusa.
Mahilig ako sumira ng pamilya.
Mahilig din ako sumira ng tadhana.
Papahirapan kita pag nakaranas ka ng ginhawa.
Papalakpak ako pag nakitang nahihirapan ka.
Wala kang makikitang awa sa aking mukha.
Walang Diyos Diyos sa akin dahil ako ang lumikha.
Ako ay tuso at walang puso.
Tanging ako lang ang totoo at di ako marunong tumanggap ng wasto.
Kahit kababayan ko ay aalilain at papahirapan ko.
Ako ang rason kung bakit may gulo.
Ako din ang pumapagitna sa mga nag uumpugang ulo.
Mabuti ako sa panlabas ngunit masama ang intensyon ko.
Ano man ang nakikita mo ay hindi totoo.
Kakaunti lang ang nakakalam ng totoong kong pakay.
At pag nalaman ko agad ko silang ipina-papatay.
Pinupuri ko ang masasama at binibitay ko ang mabubuti.
Ako ang kriminal ngunit ako din ang parak na nanghuhuli.
Ako ay dating maganda, tahimik at magandang tanawin mula sa di kalayuang pook.
Nang matutunang humawak ng kapangyarihan, natuto ding mang-isa maabot lagn ang tugatog.
Hindi ako marunong mag mahal ng kapwa.
Hindi ako marunong magalit sa kapwa.
Respitado ako ngunit hindi ako rumerespeto.
Nanampalataya ako ngunit di ako naniniwala.
Ako ang lipunan. Kung may salitang mag lalarawan sakin yun ay....................................................................................