Ganun pala </3 (one-shot)

309 2 5
                                    

Kala ko mahal niya ako dahil niligawan niya ako.. Ngayon, alam ko na ganun pala..

Kala ko mahal niya ako dahil pinapasaya niya ako.. Ngayon alam ko na ganun pala..

Kala ko nararamdaman niya lahat ng efforts ko.. Ngayon alam ko na ganun pala..

Kala ko totoo lahat ng sinasabi niya.. Ngayon alam ko na pinagpapasensyahan niya na lang pala ako..

Kala ko sapat na lahat ng efforts ko.. Ngayon alam ko na..

Kala ko Minahal niya ako ngayon alam ko na ganun LAMANG PALA ang tingin niya at nararamdaman niya para sa akin.. Ganun pala..

=======================================================

Ang hirap! Bakit ganun? Ang sakit?! kala ko totoo na ang lahat. Yun pala binabangungot na pala  ako dahil sa mga ginawa niya

Dito ako ngayon sa Labas kung saan-saan dinadala ko ng mga paa ko. Di ako makaget over na brineak niya ako kagabi..

Nakatulog lang ako tas paggising ko ng umaga, ganun ang nabasa ko? Ang gandang Sorpresa! Grabe! 

Sabi niya

"Sorry.."

"Alam kong mahal mo ako naramdaman ko yun pero para sa akin, di sapat lahat nun."

"Sorry kung nasasaktan kita ha?"

"Minahal kita pero nung tumagal na, nawala na.. Nagsawa na ako.."

"Gusto ko lang malaman mo na makikipagbreak na ako sayo. Sorry ha? Magaaral na lang muna ako ng maayos.. paalam."

nung binasa ko yan nung umaga, di ko ba alm kung pinagloloko niya ba ako o totoo na.. Kaya sinubukan ko na sendan siya..

"Ikaw naman.. Alam ko na yang jokes mo.. Wag mo akong pinagloloko ha? Masakit ehh."

sabi ko

Nagulat ako sa reply niya

"HU U?"

Dahil sa nabasa ko, nawala ang ngiti ko sa labi.. At biglang nagstop ang pagtibok ng puso ko.. Alam kong parang may mali.. Ang alam ko naman, ginawa ko ang lahat para mapasaya siya.. Suguro nagloloko lang to.. Kilala ko naman siya.. Mahilig magjoke.. Pero ngayon ko lang naranasan na magjoke siya ng ganito para sa akin.

"Ikaw.. Wag naman ganyan. Morning :)"

"Hu u ba??"

Dahil nga pinapataas ko yung pride ko, iniisip ko na lang na pinagloloko niya ako..

"Si Shane to."

tapos di na siya nagreply naka 10 mins. na wala paring Kyle na nagrereply.. Dahil di ko na alm ang gagawin ko, tinawagan ko na lang siya..

Unang tawag ko, di niya sinagot. Bakit noon, isang ring palang sinasagot niya na?

ngayon di na?

Inulit kong tawagan siya pero wala na.. naka off na ang CP niya.. Ano ba ang nangyayare?

nung oras na yun, pumunta ako sa bahay nila..

Kumatok ako tapos ang nagbukas ng pinto ay ang ate niya..

"Gud morning po ate."

ako

"Ahh.. ehh-"

ate niya

"Bakit ka nandito?"

biglang nagsalita si Kyle at nakakunot ang noo

"Bakit nagkakaganyan ka?"

ako

"Di mo sinagot tanong ko. "

sabi niya habang nakatingin sa ibang direksyon

"Sige alis na lang muna ako.."

sabi ng ate niya

tumango na lang kaming dalawa.

"Pinuntahan kita."

sabi ko

"Bakit?"

siya

"Teka lang ahh.. di po sinasagot tanong ko ehh. bakit ka nagkakaganyan?"

ako

"Diba sinabi ko na kagabi lahat sayo? Di mo na recieve?"

siya

napahinto ako dun.. inisip ko na lang ulit na pinagloloko niya ako kaya nginitian ko siya ng pilit.. FAKE!

"Diba jokes lang naman yung mga un diba?"

"Tanga ka ba?"

"Bakit nanaman??!"

napasigaw na ako dahil sa pinagsasabi niya .. ang sasakit ha?

"Sinabi ko na nga sayo na wala na tayo.."

napatigil ako..

"B-bakit?"

naiiyak na ako.. gusto ko siyang suntukin pero wala akong lakas dahil lahat nawala na dahil sa mga salitang binitawan niya.. Pero gusto ko paring marinig kung totoo ba o hindi talaga

"Kase nagsawa na ako sayo."

"G-ganun?"

ako

"Oo.. Bakit di ka nakakaintindi? kala ko ba matalino ka? Baka di mo naintindihan? Gusto mo ipamukha ko sayo?"

siya

 Di ako umimik

"Ano? Di ka pa aalis sa pamamahay ko?"

siya

"totoo ba lahat ng pinagsasabi mo?"

ako

tapos bigla niya akong tinulak..

"Di mo talaga naiintindihan ano?"

sya

nadun lang ako nakaupo sa may sahig.

umiiyak.

Di ko makayang gumalaw ang sakit! para akong naiglue.

"Tama na yan Kyle! masakit na yang ginagawa mo ehh.."

ate niya

tapos bigla siyang lumapit sa akin at tutulungan na akong tumayo sana..

narinig ko na sabi niya

"Sorry di kita natulungan ha? matigas ang ulo niya ehh."

ate niya

Yan na nga ba sinasabi ko eh! Sabi niya noon tutulungan niya ako pag may problema ako pero di naman pala!! Ganun Pala! Ganun pala ang gusto nila!

tumayo na lang ako ..

"Buti naman at naisipan mong umalis ano?"

kyle

"aalis na!!!"

ako

at dumaretso na ako na lumabas..

Ang saklap ano? Kala ko totoo.. Pero wait? sabi niya nagsawa siya? means to say, minahal niya ako kahit papano pero nawala rin lang? Ok na un pero masakit!!

Dahil kakagaling ko sa bahay nila, pumunta na agad ako sa kwarto ko at dun umiyak ng umikyak.

-----------------------------------------------------------------------

Tapos na!! haha ^^ 

sorry bitin ha??

sana po magustohan nio ! :D

Sana po basahin nio pa ung iba kong Stories! Yehey! 

Ganun pala &lt;/3 (one-shot)Where stories live. Discover now