Bago ang lahat, ano muna ang Arashi? Para po sa mga napadpad lang dito dahil nagsearch lang ng Jun Matsumoto sa Wattpad.
Ang Arashi (嵐 - Storm) ay isang Boy Band sa Japan na hawak ng Johnny's Entertainment talent agency. Officially nabuo ang grupo noong September 15, 1999 sa Honolulu. Nagkaroon sila ng CD debut noong November 3, 1999 sa ilalim ng Pony Canyon. Pero, noong Year 2002 nagrerelease na sila ng album sa ilalim ng J Storm.
Sino ang mga Members ng Arashi?
May Limang Miyembro ang Arashi
Si Satoshi Ohno, siya ang leader ng Arashi. Isang Japanese idol, singer, dancer, actor, artist at radio host. Ipinanganak noong November 26, 1980. May Nickname na Leader (リーダー Rida). Naging talent na siya ng Johnny's and Associates noong 1994 sa edad na 13. Nagsimula rin siya ng acting career noong 1997 nung naging cast siya ng stage play na Kyo to Kyo. Siya ang una at nag-iisang artist galing sa Johnny's para humawak at magbukas ng sariling art exhibit na "Freestyle" at nakuha rin niya ang kanyang first starring role sa isang Japanese TV Drama.
Si Sho Sakurai. Isang Japanese idol, singer, dancer, songwriter, actor, newscaster, host and dati ring radio host. Ipinanganak noong January 25, 1982. Naging talent siya ng Johnny's Entertainment noong 1995 sa edad na 13 at ang kanyang debut ng pagiging singer kasama ang Arashi noong 1999. Naging newscaster siya noong year 2006 sa News Zero Every Monday. Noong 2008, siya ang naatasan bilang newscaster para sa news coverage ng Olympic Games in Beijing sa NTV.
Si Masaki Aiba. Isang Japanese idol, singer, dancer, actor, tv personality at radio host. Ipinanganak noong December 24, 1982. Naging talent siya ng Johnny and Associates noong 1996 sa edad na 13. Nagkaroon siya ng debut sa pagiging singer kasama ang Arashi noong year 1999. Sinimulan ni Aiba ang acting career bilang Gordie (isang lead role) sa stage play na Stand by me. Naging isa siya sa mga co-hosts ng variety show na Tensai Shimura Dobutsuen (天才!志村どうぶつ園 Genius! Shimura Zoo) noong 2004.
Si Kazunari Ninomiya. Isang Japanese idol, singer, dancer, songwriter, voice actor at radio host. Ipinanganak siya noong June 17, 1983. Nakilala siya ng madla dahil sa pagganap niya bilang si Private Saigo noong 2006 sa Clint Eastwood war film na Letter from Iwo Jima. Naging talent siya ng Johny and Associates noong 1996 sa edad na 13. Nagkaroon siya ng debut sa pagiging singer kasama ang Arashi noong year 1999. Nagsimula ang acting career niya ng maging parte siya ng stage play na Stand by Me bilang si Chris. Simula noon nagkaroon na siya ng sunod sunod na drama, movie at stage productions. Nanalo siya ng maraming awards at nominations dahil sa kanyang mga roles. Tinatawag din siyang Nino.
My own desciption, si Ninomiya ang pangalawa sa aking favorite member ng Arashi. Hohoho ang cute niya kasi, maamo yung mukha.
And last but not the least, Si Jun Matsumoto. Mas madalas siyang tawaging MatsuJun. Kyaaaa! Sorry Sorry, nadala lang ng emosyon. Isa siyang Japanese idol, singer, dancer, actor, radio host at eto secret lang natin hahaha... napanood ko sa youtube marunong siya magspin ng track sa DJ Booth. Ipinanganak siya noong August 30, 1983. Naging talent siya ng Johnny and Associates noong 1996 sa edad na 12. Nagkaroon siya ng debut sa pagiging singer kasama ang Arashi noong year 1999. Nagsimula siya ng acting career niya ng maging parte siya ng stage pla na Stand by Me bilang si Teddy Duchamp. Simula nun, nagkaroon na rin siya ng sunod sunod na drama at movies kaabay din nun ang pagtanggap niya ng mga awards at nominations sa kanyang pagganap. Kilala naman natin siguro siya dahil napanood natin siya sa isa sa mga top rated J Drama na Gokusen bilang si Shin Sawada. At bilang si Tsukasa Domyouji sa Hana Yori Dango na kung saan nanalo siya sa GQ Japan's Man of the Year under the singer/actor category.
In my own description, si Jun ang aking crush. Wala na akong hahanapin sa kanya. Ang gwapong cute, ang galing umarte, magaling sumayaw, iba ang kanyang appeal, ayun na nga kaya nya magspin ng track sa DJ Booth. Weh Landi ko. Pero isa akong MaotsuJun fan. Sa mga MaotsuJun fans out there, kaway kaway. Ang ganda kasi ng chemistry nila sa Hana Yori Dango. At magiging masaya kaming mga MaotsuJun fans kung magkakaroon ulit sila ng palabas na kung saan magkapartner sila. At mas lalo kami magiging masaya kung magkatuluyan sila sa totoong buhay.
Sorry, medyo mahaba yung description ni Jun.
Pag nakita ko talaga ang Arashi sobrang saya ko.
Pati na rin sina Jun Matsumoto at Mao Inoue, pag nakita ko rin yang dalawang yan...
Grabe ang saya ko talaga.
Ge, proceed na tayo.