Hello po sa inyong lahat :))
Ako nga po pala si Patricia, 3rd year highschool section 1. Matalino eh. Joke lang XD Sa ngayon nakaupo ako dito. Nakatingin sa teacher namin na walang ginawa kundi magsulat sa board. Puro pakopya, ayaw mag-lesson. TAMAD ... parang ako hinde. HAHA XD
Anyways konti tiis na lang, 15 minutes na lang uwian na. Kaya mo yan Patricia.. GO !! Kopya, kopya, kopya.
"Patricia... si Joshua oh." bulong sakin ng katabi ko. Paglingon ko sa may bintana andun nga si Joshua. Bale yung katabi ko kase nasa tabi sia ng bintana kaya malapit din ako. Sa tapat ng room namin ay ang covered court kung saan tumatambay ang mga afternoon session. Kaya lagi kong nakikita si Joshua.
"Ano naman?" mataray kong sagot.
"Sus kunwari ka pa dyan. Crush mo naman yan eh." sabi nia ulit. Namula naman ako dun. Oo na, aamin na nga eh hindi makapag-antay. XD
*KRIIING KRIING*
Sa wakas at bell na. Tumayo na kaming lahat at nag-ayos ng bag. Habang naga-ayos ako nakita ko si Joshua na dumaan sa room namin. Siguro aakyat na yun ng 3rd floor kase dun yung room nila eh. Lumabas na nga ako ng room.
"Pat! Sandali lang!" lumingon naman ako dun sa sumigaw at nakita ko si Anne kasama si Kate. Kaibigan ko yang dalawang yan. Si Anne sila yung nasa katabi naming room tapos si Kate naman afternoon session. Katabi naman nila Kate yung room nila Joshua. Oh d ba? :))
"Bakit?" tanong ko kahit alam ko naman talaga yung sagot.
"Ano ka ba?! D ba ihahatid natin si Kate sa taas." sabi ni Anne.
"Kunwari pa yan si Pat, gusto nia rin naman kase, makikita nia si Joshua." Kate. Sabay tawa nilang dalawa. Mga Baliw =_="
Umakyat na kami ng 3rd floor. Nakakapagod :"(( Hingal na hingal ako... KAPAGOD !!
"Andito ka pala eh." sabi ni Earl. Bakla namin na calssmate.
"Oh bakit?" tanong ko.
"Bruhilda ka 'teh. Kanina ka pa kita hinahanap andito ka lang paley. Pagod tuloy akech!" sabi nia. bakla nga -_-
"Ano ba kase kailangan mo?" tanong ko ulit.
"Etong mga notebook na to. Ikaw kaya ang leader sa Filipino kaya dalhin mo yan kay Ma'am Linda. Che. Babye! " umalis na lang sia bigla. No choice kundi dalhin tong mga to.
Ang bigat. Papatulong pa sana ako kay Kate at Anne kaso hindi ko na sila makita. Dinala ko na nga lang. Habang naglalakad ako. Nakita ko sila Joshua. Nakapila sila. Yung room kase nila yung una naming madadaanan bago yung kila Kate.
Lumihis na lang ako ng tingin kase aasarin na naman ako nila Kate at Anne kapag tumingin ako. Kinapa ko yung bulsa ko kaso wala dun yung cellphone ko. Nilipat ko na lang muna yung mga hawak kong notebook sa kabila kong braso tapos hinalungkat ko yung sling bag ko para mahanap yung cellphone ko. Take note ah, naglalakad pa ako niyan. Multi-tasking XD
*BOGSH*
"ARAY!" pareho naming sabi. Nahulog yung mga dala kong notebook pero napulot na nung nakabangga ko yung iba. Binigay nia sakin at si JOSHUA yung nakabunggo sakin :)) EMEGED :">
"Sorry hindi ko sinasadya." sabi ko.
"Hindi okay lang." sabi nia. AWKWARD ....
BINABASA MO ANG
PAMAYPAY Love Story [One Shot]
Teen FictionNg dahil sa isang pamaypay.. nabuo ang LOVESTORY nila. Please Read. :))