Ang lahat ng sobra ay nakakasama (short story)

160 1 0
                                    

"Ang kwentong ito ay tungkol sa isang magulang na nagsakripisyo para sa ikabubuti ng kanilang mga anak na siguradong kapupulutan natin ng aral".

Ako si MARIA BIANCA ANN CODILLO 13 taong gulang. Nag-aaral sa isang pribadong eskwelahan. Bata pa lang ako ng nawala ang aking papa pero may iniwan naman siyang kaunting kayamanan kaya nakukuha ko lahat ng gusto ko.

BIIIIIIAAAAAAAAANNNNNNNNCCCCCAAAAA ........................

Yan naman ang mama ko, isa siyang dating OFW pero simula nung nawala ang papa dito na lang siya nagtrabaho sa isang kilala kumpanya dito sa pilipinas.

Bianca: Bakit?

Mama: Ipinaghanda kita ng pagkain mo, tingnan muna lang sa mesa. Aalis na ako at mala-late na ako sa aking trabaho. ( nagmamadaling sumakay ng sasakyan ).

Bianca: sige...

Ayan mapapansin nyo siguro na hindi ako marunong mamupo sa aking mama.

Dahil sa nag iisang anak ako lahat ng gusto ko ibinibigay ng mama ko ( mamahaling cp,tablet,laptop,ipad at kung ano pa napapanahong gadget). Lahat na yata nasa akin na. Siguro kung kayo ang nasa katayuan ko mararamdaman nyo na nasa inyo na lahat.Sa kabila ng mga bagay na ibinibigay sa akin ng aking mama, pakiramdam ko hindi pa sapat. Para may hinahanap pa ako kakaiba.

Hanggang sa nakagraduate ako ng high school.Pinag - enroll ako ni mama sa isang sikat na unibersidad. Ganun pa din,para walang nagbago kung ano ang mga gusto ko binibigay ng mama ko. Wala siya masyado time para sakin puro lang siya trabaho . Walang katapusang trabaho.

Hanggang sa napabarkada ako,wala na ako pakialam sa pag aaral ko, yung tipo kung ano na lang yung makuha ko grado sapat na para sakin... Hindi ko na din pinakikinggan ang mga pangaral ng mama ko pagkakauwi niya galing trabaho. Pakiramdam ko napapalayo na talaga ako sa kanya . Sa sandaling iyon ng pangungulila ko nagka-boyfriend ako pero di ko ito sinabi sa mama ko dahil nga sa lagi siya nasa trabaho.

Diba nga may boyfriend ako so sa hindi inaasahan nabuntis ako. Diko alam kung paano ko sasabihin sa mama ko .

One time, nag decide ako na ipagtapat ko na sa mama ko ang pagdadalang-tao ko. Pero sa di inaasahan ng araw na iyon bigla sumama ang pakiramdam niya hanggang sa isinugod siya sa hospital at nalaman namin na may sakit pala siyang Lung cancer. Ng sandaling iyon, parang gumuho ang mundo ko diko alam kung paano ko susolusyonan ang lahat na pagsubok na iyon sumabay pa nga ang pagbubuntis ko.. 😭😭😭

Dito ko narealize ang lahat . Lahat ng mga pagkakamali ko sa mama ko. Ni hindi ko man lang pinahalagahan ng ayos ang mga paghihirap na ginagawa ng niya para sa akin.😭😭😭 Ang swerte swerte ko pala dahil nasusunod lahat ng luho ko di katulad ng ibang bata na kelangan pa magtrabaho para lang makakain sa araw-araw. Hindi ko pala talaga kelangan ng materyal na bagay para maging masaya. 😰😰

FAST FORWARD......

Nalaman ng mama ko ang pagdadalang - tao ko pero ang inaakala ko na hindi ako matatanggap ng mama ko ngakamali ako. Kahit na hirap na hirap siya sa sitwasyon niya ay tinanggap niya ako ng buo puso ni wala man lang ako narinig na masasakit na salita galing sa kanya.

Duon na pumatak ang luha ko ng hindi namamalayan 😰😭😭

Kaya pala nagkukulang sa oras ang mama ko ay para maibigay lang lahat ng hinihiling ko. Hindi niya iniinda ang hirap at pagod kaya napabayaan niya ang sarili niya.

FAST FORWARD again....

Eto nakaanak na ako at masaya ako dahil buo ang pamilya ko pero si mama patuloy pa ring lumalaban sa sakit niya pero kahit na ganun patuloy pa rin ako nagdarasal at umaasa na darating yung araw na babalik siya ulit sa dati..

At dahil sa mga karanasan ko ito, ayoko ng maranasan pa ng magiging anak ko kaya lahat ng aral na natutunan ko ay unti- unti ko ituturo para sa ikakabuti ng aking anak..

Ang maipapayo ko lang po para sa lahat ng kabataan na makakabasa nito huwag niyo hintatin ang araw na pagsisihan niyo lahat ng maling desisyon niyo kaya una pa lang sundin na natin ang ating mga magulang.. Dahil lahat ng payo ng magulang ay para din sa ikabubuti nating mga anak. END...............

Sa kabila ng hamon sa mundo ngayon, patuloy na mababasbasan ng mga magulang ang kanilang matuwid na suporta at patnubay para sa kanilang mga anak.

Narito ang ilang gabay para mapalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa tinatahak na problema .....

1. Sa pagtatrabaho,hindi mo kailangang sumuko dahilsa pagod at hirap bagkus ay isipin ang kapakanan ng mga anak at maaaring negatibong epekto nito.

2. Kung malayo ka sa iyong mga anak siguraduhin ang kaligtasan nila sa taong iyo pag-iiwanan.

3. Bilang isang magulang,isipin mo din ang iyo pansariling kaligtasan.

4. kahit malayo ka sa iyong mga anak sa kadahilanang nagtatrabaho ka para sa kanila huwag hayaan na malayo ang kanilang loob sa iyo bagkus bigyan mo pa rin sila ng oras kahit sa simpleng pangungumusta man lang.

5. Kung sa palagay mo ay nasubukan mo na lahat ng klase ng maayos na trabaho ngunit wala kahit isa ang naging permanente huwag mawalan ng pag-asa o panghinaan ng loob na humanap o sumubok ng mas higit pa trabaho.

Ang mga susunod ay ilang paraan upang magabayan ang mga magulang na dapat nilang isaalang-alang ukol sa pera.

1. Sa pag-papaaral, kung hindi kayang tustusan ng sabay-sabay ang pag papaaral sa mga anak, maaaring unahin munang patapusin ang panganay o yung malapit ng magtapos bago ang sunod na nakababata.

2. Kung hindi ka makahanap ng permanente o magandang trabaho dahil sa kawalan ng pera, maaaring subukan munang humanap ng pansamantalang trabaho na hindi nangangailangan ng pera sa pag-aapply.

3. Unang bayaran ang mga mahahalagang bayarin.

4. Bilhin lang ang mga pangunahing pangangailangan at iwasan ang mga imported na bagay.

5. Sa pagpapabaon, bigyan lang ng mahaba o sapat na pera ang mga bata para matuto itong magbadyet.

Narito naman ang ilang paraan na maaari nating maging gabay sa pag didisiplina ng ating mga anak.

1. Paggawa ng mga alituntunin na dapat sundin ng iyong mga anak na angkop sa kanilang pag-uugali tulad ng pakikipag-usap ng mahinahon o pagsagot ng may paggalang sa nakatatanda.

2. Pagkakaroonng pantay-pantay na pagtingin, oras at pagbibigay ng mga pangangailangan sa iyo mga anak.

3. Sa pagdidisiplina ng iyong mga anak, hindi mo kailangan ipahiya o pagsabihan sa harapan ng maraming tao bagkus sabihan ng maayos na nag-iisa o walang nakaririnig na ibang tao.

4. Iwasanang pamamalo o pananakit sa iyong anak bagkus ipaalam sa kanya ang kanyang pagkakamali nagawa upang maiwasan ang pagrerebelde ng bata.

5. Subaybayan ang kilos ng iyong mga anak upang makaiwas sila sa masamang bisyo tulad ng paninigarilyo ,pag inom ng alak at paggamit ng ipinagbabawala na gamot. Subuking ipaliwanag sa kanila ang masamang epekto nito.

X5]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Lahat ng Sobra ay NakakasamaWhere stories live. Discover now