" Oi pare, basketball na tayo?"
" Sige sunod na lang ako sa baba!"
Mula sa Plain shirt at maikling short, Nagpalit ako ng jersey. Isa po akong babaeng marunong magbasketball. At dahil yun sa pinakamamahal kong bestfriend. Gusto ko siya, gustong gusto. Pero di niya alam kasi ayokong masira ang pagkakaibigan namin.
Eto na ang tamang panahon para sabihin sa kanya lahat. Kasi Iiwan ko na sya.
" Oh ano tara na?"
" one on one tayo?"
" sige"
Habang naglalaro kami, At mag sho-shoot ako ng bola, lalagpasan ko na sana siya nang bigla akong nadulas, at nalaglag ako sa kanya.
*tug tug*
*tug tug*
Yung puso ko, parang malalaglag. Ang lakas ng beat, naririnig niya kaya?
Bigla kaming nagkakatitigan. Parang may Magic.
" I love you " sabi niya.
"ha? ano? mahal mo ko?"
" Oo, bestfriend tayo diba?"
" babe!" may sumigaw na babae.
Nilapitan nya yung babae at niyakap.
" sino sya?"
" Girlfriend ko."
" ahh sge , uwi na ko may gagawin pa pala ko" palusot ko kahit nasasaktan ako.
" sge" matipid niyang sagot.
Wala akong nagawa kundi umiyak mag isa at tanggapin na hindi lahat ng magkaibigan, nagkakatuluyan.
Boy's POV:
Nasaktan ko sya. Nung umalis sya, gusto ko syang pigilan, pero di ko magawa. Masakit pero Mahal ko ang bestfriend ko. Pero hindi ko sya nagawang ipaglaban.
" Mahal mo sya diba?" sabi ng girlfriend ko.
" oo, pero sorry!"
Sinampal niya ako at sinabing "Okay lang, nakikita ko sa mga mata mo na gustong gusto mo talaga sya.
Sundan mo na sya. Baka mawala pa yun sayo.
Pinuntahan ko na sya, pero wala sya dun.
" wala na siya. Pumunta ng London. Di ba niya nabanggit sayo yun?" sabi ng kuya niya
" Hindi po"
" Umiiyak nga yun nung dumating dito eh."
" kasalanan ko po." dun na po ba sya titira?"
" Oo. dun na sya mag aaral."
4 years later:
Nakita ko ang isang babae sa tapat ng bahay nila bestfriend. Lagi pa rin akong pumupunta don dahil inaabangan ko ang kanyang pagbalik.
" Bestfriend?"
Lumingon sya. Iba na sya. Ang ganda, mas lalong gumanda.
" oh? andyan ka pala. kamusta ka?"
" eto, mahal ka pa din"
" haha, nakakatawa ka naman."
" Mahal kita, may boyfriend ka na ba?"
" wala. eh ikaw?"
" Wala din, may hinihintay kasi ako galing London!"
Bestfriend, I love you.
BINABASA MO ANG
Bestfriends (Oneshot)
Teen FictionPrologue: Friends will always be friends. But sometimes, they can be lovers.