Hi guys so etong letter na to eh para sa totoong tao.
Ilalabas ko lang dito yung gusto kong sabihin sa tao na yun hindi ko kasi kaya na sabihin sa kanya ng direkta. Maliit lang yung chance na mabasa nya to kasi hindi naman sya nagbabasa sa wattpad pero gusto ko lang talaga mailabas yung mga gusto kong sabihin sa kanya.------------------------------------------------------
12/21/2015
Hi M!
Alam kong di mo din naman to mababasa HAHAHA. So yeeep hindi ko na alam gagawin ko tbh. Kaya ko naisipan gawin to kasi di ko na kaya. Hahaha masakit na eh. Eto na naman nangyayari na naman umiiyak na naman ako dahil sa pagpapakatanga ko. Hahaha tanga ko kasi eh magmamahal na lang ako dun pa sa may ibang mahal. Lagi na lang ganto. Akala ko kasi magmumove on ka na eh kaso naging okay kayo ulit, pero naiintindihan ko naman. Kahit selos na selos na ako alam kong wala akong karapatan kasi ano ba papel ko sa buhay mo? Kaibigan lang naman ako, hanggang dun lang ako
masaya naman ako para sayo. Hindi lang ako masaya sa sarili ko naiinis ako sa sarili ko sobra, nung umpisa kasi umasa ako eh hahaha akala ko may chance ako tas wala pala narealize ko sabi mo pala magmumove on ka pa lang hindi ko nga alam kung nagmumove on ka talaga kasi alam ko mahirap magmove on. So eto na talaga yung gusto kong sabihin sayo. Ayoko sabihin sayo ng direkta kasi baka makagulo pa ako sa inyong dalawa ni S. Feeling ko naman nagkakamabutihan na kayo. Alam ko mutual feelings kayo. Ramdam ko yun.
So eto na nga HAHAHA. Hindi ko alam kelan nagumpisa pero isang araw bigla kong naramdaman na mahal na pala kita hindi na basta basta crush lang ang bilis ba ganun talaga ako eh mabilis mahulog pero laging walang sumasalo haha. Sad. Ayun nga hindi ko din alam bakit. Hahaha mutual tayo sa maraming bagay alam mo yan. Hahaha pero sa iisang bagay lang tayo hindi mutual sa nararamdaman. :))) pero ayos lang yun. Dati umaasa ako na may chance ako pero ngayon hindi na ako umaasa alam ko naman na hindi mo mapapansin yung feelings ko sayo kasi nakafocus ka lang kay S at may iba ng nagmamay ari ng puso mo :---)
Pero kahit ganon, kahit wala akong chance di naman ako lalayo sayo. Di ako ganun kababaw masaya na rin naman ako kahit hanggang magkaibigan lang tayo tanggap ko naman yun. Hindi ko naman ipipilit yung sarili ko sayo HAHAHA alam ko namang masaya ka kay S. Kung saan ka masaya dun din ako :))))
Ayon lang yung gusto kong sabihin. Basta lagi lang ako nandito para sayo kung magkakaproblema ka man nandito lang ako handang makinig at tulungan ka :)))
Sa ngayon hindi ko pa alam gagawin ko sa sarili ko HAHAHAHA ayun lang. Basta kung kailangan mo ng kaibigan tawagin mo lang ako :))) susuportahan pa kita kay S HAHAHAHA.
Chigi nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin :----) gusto kong mabasa mo to pero parang ayoko ang gulo ko WAHAHAHA. Basta ayon lang. Byeee. Labyu pards HAHAHA.
-Icang.