Isang taon ang lumipas at nanatili ang pagmamahalang Renzo at Erika. Naging Masaya ang buong taon ng magkasintahan mula ng sagutin ni Erika ang tanong ni Renzo. Palagi silang magkasama at halos hindi na mapaghiwalay. Naging aktibo si Renzo sa mga Youth Leadership Program at naging Presidente naman ulit ng SG si Erika. Hindi naglaon, dumating ang araw ng kanilang pinakahihintay, ang anibersaryo ng kanilang wagas ng pag-iibigan. Hindi naman sila talaga naging masaya sa buong taon. Dumaan din sila sa mga dagok ng buhay. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng minsang makita ni Erika si Renzo na kausap ang isang babae. Nagselos si Erika at hindi kinibo si Renzo pero hindi nagtagal naayos din nila ang gusot ng sabihin ni Renzo kung sino ang babaeng kausap niya. Kasintahan pala ito ng kaibigan ni Renzo at nagpapasabi na kung pwede daw sabihin sa kanyang kasintahan na aalis siya patungong Singapore. Hindi kasi maharap ng gf ng kaibigan ni Renzo ang kanyang kaibigan dahil alam nito na pipigilan lang siya nito.
Naghihintay si Erika kay Renzo sa gate at kinukulikot ang kanyang cellphone. Itetext niya sana ang boyfriend pero hindi nalang at baka busy pa sa klase. Alas kuwatro pa kasi matatapos ang kasintahan niya sa klase at 3:45 pa naman. Tumingin siya sa likod ng classroom nila. Sa puno na nakitaan niya ng babae, mga isang buwan na ang nakaraan. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang duguang mga mata ng babae at ang damit nitong puno ng putik. Nakaputing bestida ang babae na parang pangkasal at nakatitig sa kanya na para siyang lalamunin.
“Hoy, bhebe ko. Hoy!”
“Ay naku!” nagulat si Erika sa pagdating ni Renzo. Hindi kasi niya napansin ang paglapit ng nobyo sa kanya. “Ang tagal mo po kaya! Tara na nga.”
“ Saan ba tayo pupunta?”
“Uuwi. Saan pa ba?”
“Anong araw ba ngayon?”
“Martes. Anong meron?” Nagmaangmaangan si Erika pero alam niya kung ano ang meron,ngayon ang kanilang anibersaryo.
“Magtatampo na ako sayo.” Tumalikod si Renzo at nag-inarte na parang nagtatampo.
Hinalikan ni Erika si Renzo sa labi. Nagulat ang huli. Pero natauhan din at sinuklian ang halik ng kasintahan. Isang mapusok na halik na tumagal na tumagal na tumagal. Kapos sa hiningang bumitiw sa isa’t isa ang dalawa.
“Tayo na nga!” Hikayat ni Renzo.
Dinala ni Renzo si Erika sa isang sikat na restaurant sa kanilang lugar. Mag-aalas sais na ng gabi at medyo kunti na lang ang tao sa lansangan at sa mga establisemento. Hindi kasi lumalabas ang mga tao tuwing gabi sa kanilang lungsod dahil na rin sa pagkalat ng mga masasamang-loob pero kampanti naman si Erika na hindi siya pababayaan ni Renzo.
Habang kumakain, lumingon si Erika sa labas ng restaurant. As most restaurant, the stockade facing the street would be made of transparent glass where you could see everything from the outside. That does it; Erika can clearly see the woman crossing the street. A woman dressed in white gown, a bride’s gown, the dark black hair covers the woman’s face, and she is slowly approaching toward their direction. Then a fast approaching car drove into the woman throwing her meters away from where she is walking. Napatayo si Erika. Nagulat si Renzo.
“Anong nangyari sayo?”
“Iyong babae!” Bigla nalang tumakbo si Erika palabas ng restaurant at pinuntahan ang lugar kung saan niya nakitang natapon ang babae.
Sinundan naman siya ni Renzo.
“It was here. She was here!”
“What was here? Who was she?” Kinakamot ni Renzo ang ulo dahil sa kakaibang kinikilos ng girlfriend.
“Nandito yong babae. Dito siya tumilapon! Kitang-kita ko!”
“Anong babae? Wala namang tao diyan oh.” Lumingon si Renzo sa paligid. “Wala ding sasakyan.Tayo na nga sa loob.”
“Nandito siya, hon. Nandito siya!”
“Guni-guni mo lang iyon. Dala na yan ng kapapanood mo ng mga horror movies. ”
“ Hindi! Nakita ko talaga sya.”
“Tara na. Lumalalim na ang gabi. Ihahatid pa kita sa inyo.”
Inihatid ni Renzo si Erika sa kanilang bahay at saka nagpaalam at umuwi. Nang gabing iyon, hindi makatulog si Erika. Kinakabahan na siya. Ngayon lang niya napagtanto at naghatid ng dagdag na kaba sa kanya. Ang babae…yon ang babaeng nakita niya sa puno na duguan ang mata at namumutla.
Sino kaya ang babaeng iyon? Abangan ang mga susunod na pangyayari.