SAPI

504 15 15
                                    

 Nakatayo o nakaupo ka ba sa madilim at malayong sulok? Nangungusap ba ang iyong mga mata sa mga bato sa talampakan? Magkasalubong ba iyong mga kilay? Nag aaway na ba ang mga ligaw na kabayo sa iyong dibdib? Umuusok na ba ang iyong ilong at tainga? Kung OO halos lahat ang sagot mo sa mga tanong na nabanggit… MAY SAPI ka! Tama ka, SAPI ang tawag ko sa ‘bad trip o bad mood”- masyado na kasing karaniwan itong huli para sa ‘kin e.

Alam o ramdam mo ban a mas nakakainis kung may isang mala-concern-citizen of the Republic of the Philippines na mag tatanong sa’yo ng. “Okay ka lang ba?” Kung hindi ka ba naman tinamaan ng magaling, o! Nakita ka na nga lang na napapalibutan ng itim na ulap at tumitirik ang mapupulang mata, tatanungin ka pa kung ayoss ka lang ba. May ayos bang may sapi? Malamang, WALA.

Kung talagang naliligalig ka sa kils ng kakilala, mas mainam naman atang magtanong na lang ng, “Anong problema mo, kaibigan? Bakit may sapi ka? (Pinahihintulutan na rin kitang gamitin ang “SAPI” sa sariling pangungusap.) sunod ay pakinggan nang taimtim ang litany ng mga problema ng iyong kakilalang may sapi. Gaano man kababaw ang ilan sa mga ito, kailangan mo itong pangatawanan at pakinggam dahil ginusto mo’yan. Ang mas malala pa, dapat maging handa ka sa pagsalo ng lahat ng problemang ibabato sa’yo. Pagkatapos ng kumpisal ng iyong kakilala, masasabi mo pa kayang ‘okay’ ka o baka mailipat lang sa’yo ang sapi niya?

Nga pala, mag ingat ka dahil nakakahawa ang sapi! Siguradong maililipat sa’yo ang sapi kung may mga taong magrereklamo ng mga sumusunod na litany ng kababawan. Tandaan, isulat ang TRUE sa hangin kung naniniwalang may katotohanan ang mga salaysay at FALSE naman kung sa tingin mo’y pakana lang ito ng may akda. (Maghanda ng isang balde ng mineral water at baka matuyuan ka kapag nabasa’t naka relate ka sa ilan sa mga ito.)

Isang maalikabok na araw, ako’y kumakain sa kantina nang may grupo ng magkakaibigan na nagdaraos ng kanilang sharing session (pinasosyal ‘yan na version ng chismisan), na humila ng aking atensyon. May narinig akong nagsabing nasira raw ang kanyang araw dahil lang hindi niya nagawang plantsahin ang buhok bago pumask. “Ang laki ng problema mo’te!” kako sa aking sarili, samantalang ang ilang may kanser ay mas namomroblema sa nakalbong anit dulot ng kanilang Chemotherapy na tanda na rin ng kanilang nalalagas na pag asang mabuhay pa. katabi ng ate ang isa pang ate na nag alburuto kaagad dahil sa walang perang pang load. Naku, e mas marami pa nga ang may nag aalburutong tiyan dahil sa gutom. Majority wins, ika nga. Ang katabi nila’y nagreklamo naman ng pananakit ng leeg dulot ng buong araw na pag aabang sa paglingon ng kaniyang “crush” gayong mas  nakakapagod ang araw araw na pagdulog ng mga raliyista sa kongereso upang malingn man lamang ng mga nasa  itaas ang pangangailangan nilang mahihina. Isang babae naman ang tila naka relate at nagpadala agad sa selos nang may taong nakakuha sa atensyon ng kaniyang “crush” (crush pa lang naman pala, akala ko sila na) gayong hindi man lang sumagi sa kaniyang isip ang paulit ulit na pagseselos ng Diyos sa hindi niya pagbibigay ng atensyon sa sakramento ng misa. Bigla naming dumagundong sa kantina ang kantang may mga titik na nagsasabing hindi masarap o madali ang maging “single”. Ang mga chismosa naman, kakatuwang nagkoro ng “Aa..aa..aay.” Naku, maging ang pagiging “single”, malaki na rin rin bang problema? Ano naming “Big Deal” kung 18 taon simula pa ng ika’y paluin sa likuran ng doctor at hanggang ngayong nagbabasa ka nito ay single ka pa rin? Mas gugustuhin ko na ‘yun kaysa mapaiyak ang aking ina ng dugo at masisi ng ama ang sarili na may pagkukulang dahil sa pagtatanan at pagkakabuntis ng anak.

Habang humihigop ako ng sabaw, may mga estudyanteng magbabarkada rin ang tumambay malapit sa aking kinauupuan. Problema rin ang topic nila. Nanggagalanti ang isang binatilyo dahil natalo raw sa karera sa paghahanap ng classroom na sana’y pagkaklasehan kaya ang bagsak nila—sa SM (silong ng mangga ‘yan). Ngunit, hindi ba’t mas malaking pagsubok ang hinaharap ng mga nasa administrasyon upang makahanap ng pondong pampatayo ng mga gusaling magpapatigil sa mga reklamador na estudyante at, syempre, magsilbing silid ng karunungan? Daing din ng karamihan sa mga magbabarkada ang pagkakaroon nila ng ulat (o report para mas nakakatakot) sa klase na lubhang kumakain ng oras na laan sana sa paglalaro ng DOTA o panonood ng Sailormoon. Ngayon, kung sumasang-ayon ka sa mga nasabi ko sa itaas, naisip mo na rin ba kung gaano kadali ang maghanda ng anim na magkakaibang report sa magkakaibang klase na araw araw na pinagpupuyatan nila Ma’am at Sir? Halos mabitawan ko ang hawak kong baso ng marinig ang isang estudyanteng (ewan ko kung paano siya mailalarawan) nayayamot pa rin kahit 24/25 na ang kaniyang nakuha sa super long quizsamantalang 15/25 lang ang nakuha ko sa quiz naming kanina dahil nawala ko ang aking mga handouts (sana nga nawala ko na lung ‘yun para mas medaling tanggapin ang katotohanan.) mabuti na lang nabanggit ng nasa likod ko na mahirap ang exams. Teka, exams nga ba ang mahirap o ang pagrerebyu? Sa palagay ko, walang na exams sa estudyanteng nagrebyu. “Ah, working paper na naman!” bulyaw ng isang KSP (pwede ring Kulang sa Pogi ang ibig sabihin niyan) na estudyante na nasa kanan ko. ang sakit sa ulong isipin kung paano mapupuno ang tatlong pahina para sa mga working paper na ‘yan. Lumang istil na kasi ang paggamit ng 18 pt na font size at double spacing. Ah, ang pagpuno kaya ng mga sulatin sa 21 pahina ng pahayagan na may sukat na 16 x 22 kada pahina, gamit ang 12 pt na font size at single spacing, MADALI ba? “Pagod na pagod na ako, lagi nalang silang umaasa na sasaluhin ko sila sa report nila! Mga free-rider at parasire sila!”, bulalas ‘yan ng isang mala-Best-Actress-Awardee na group leader habang papask sa kantina. First time niya atang ma-assign bilang group leader kaya ‘di pa siya nasanay sa mga garapatang nakakalat sa paligid. Bakit si Ms. President, hindi ko pa narinig na nagreklamo ng ganyan tungkol sa mga iresponsable niyang mga opisyal na nakasuot ng kapansin pansing T-shirt (may malaking print ng ipinagmamalaki nilang posisyon sa likod) tuwing Civilian Day? Siguro, noon pa lang kabisado na niya ang ligaw ng bituka ng kanyang mga opisyal kaya manhid na siya para mapuno pa.

SAPITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon