Pasukan na naman, bagong school year, bagong memories. Ilan lang ito sa mga naglalaro sa isip ni Noreen. Grade 9 na ito ngayong pasukan.
Palundag-lundag itong naglalakad papunta sa eskwela. At dito na naman ulit ito dumaan sa sikretong ruta nito papuntang eskwela. tinatawag niya itong 'Open World'.Ang ganda kasi ng lugar, napakabanayad ng simoy ng hangin dito, kay sarap humilata sa lilim ng mga puno, maganda rin tingnan ang mga makukulay na mga bulaklak na tumutubo sa luntiang paligid.
Ngunit bumagabag sa kanya ang isang tunog. Parang may nagsasalita sa di kalayuan. Tiyak niyang siya lang ang nakakaalam ng lugar na ito kaya kaagad siyang nagtaka.
Sino kaya anga nagsasalita?
sinundan niya ang pinanggagalingan ng ingay. At nakita niya sa ilalim ng puno ng narra ang isang lalaking tumatawa habang sinasalo ang nahuhulog na mga bulaklak ng puno.
Kay kalmado ng tawa nito. Wala itong pakialam kung mukhang engot man ito kakapulot ng mga bulaklak. Kay ganda lang tingnan. Naramdaman niyang tila bumilis ang tibok ng kanyang puso.
malaya...
Iyan lang ang salitang nasa isip niya.
Sino kaya ang lalaking ito?
At bakit kay bilis ng tibok ng aking puso?