Chapter 7

5.7K 174 7
                                    

GENES for HIRE
by...emzalbino
Chapter 7...

LOS ANGELES CALIFORNIA...

Madaling lumipas ang taon at isang taong gulang na si baby Elizabeth, habang lumalaki ay mas lalong nababagabag ang kalooban ni Czarinna. Sa tuwing tinititigan niya ang kanyang anak ay laging sumisiksik sa kanyang isip ang mga salita ni Elly noon.

Hindi niya makalimutan ang pakiusap noon ni Elly sa kanya tungkol kay baby Elizabeth ng malaman nitong nagdadalantao na siya. Lalo na ang pangako niya sa kanyang anak na hahanapin niya ito sa ta,ang panahon.

"Kumusta na kaya siya? Itinuloy kaya niya ang kanyang pag aaral? Hinahanap kaya niya si baby Elizabeth, ang baby namin?" mga katanungang laging gumugulo sa isip ni Czarinna na kahit na pilit niyang kinakalimutan ang mga naganap sa nakaraan ay hindi mawaglit, lalo na ang gabing ipinagkaloob niya ang kanyang sarili kay Elly. May mga sandali na para bang hinahanap hanap niya ang init na naramdaman niya Elly kaya niyayakap nalang niya ng mahigpit si Baby Elizabeth para sa kanya niya ibuhos ang kanyang nararamdaman.

Isang hapon habang nasa harap ng hapag kainan ang buong pamilya ng Ibañez parang napansin ni Czarinna na balisa ang kanyang daddy at problemado ang hitsura nito.

"Daddy is there something wrong with you?" may pag aalalang tanong ni Czarinna sa ama.

"I've got a big problem anak I need to back home soon!" malungkot na sagot ni Don Edmundo, malungkot siya dahil malalayo siya sa kanyang pinakamamahal na apo.

"Bakit po daddy?" tanong muli ni Czarinna sa ama.

"May nangyayaring aberya sa kompanya and I need to check it out para habang maaga pa ay maagapan ko" iiling iling na sagot ni Don Edmundo.

"Ganun po ba? Eh sa sama din po ba si mommy?" hindi napigilang tanong ni Czarinna dahil kung sakaling uuwi din ang kanyang ina ay mahihirapan siya dahil wala siyang makakasama at walang mag aalaga kay Baby Elizabeth kung papasok siya sa trabaho.

"Dito muna ako pansamantala anak, alam ko namang mahihirapan ka kung uuwi na ako at saka parang hindi ko kayang iwan ang apo ko dahil ma mi miss ko siya ng sobra" sagot ni Donya Zenaida.

"Thanks po mommy!" ani Czarinna sa kanyang mommy....."I understand you daddy, pero kung sakaling magkaroon kayo ng problema doon ay sabihin niyo sa amin para alam namin ang nangyayari sa inyo".

"Don't worry anak dahil kapag hindi ako masyadong busy ay da dalaw dalawin ko rin kayo rito. Dahil gaya ng sinabi ng mommy mo ay ma mi miss ko rin ng husto ang apo ko"

"Salamat po daddy, mommy at lagi kayong nandiyan para suportahan kaming mag ina at hindi ninyo kami pinapabayaan" maluha luhang turan ni Czarinna.

"Ahemm anak, I want to ask you something about Elizabeth?" hindi napigilan ni Don Edmundo ang sarili dahil noon pa man ay nais niyang tanungin ang kanyang anak ngunit itinikom muna niya ang kanyang bibig dahil parang naaalangan siya ngunit habang lumalaki na ang kanyang apo ay parang hindi na niya kaya bang itago ang nasa kanyang dibdib.

"Ano po iyon daddy?

"Hindi kaba natatakot na someday kapag lumaki at magkaisip ang anak mo ay tatanungin ka niya tungkol sa kanyang ama?" seryosong tanong ni Don Edmundo.

"Naisip ko narin noon iyan daddy. Sometimes I felt scared na baka nga mangyari ito at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kung sakali man, ngunit lagi ko nalang na ipina panalangin na sana ay hindi pa siya dumating sa puntong iyon, sana saka nalang pag nagkaroon na siya ng tamang kaisipan, iyong mauunawaan na niya ang lahat, lahat ng mga paliwanag ko para naman hindi ako mahirapan sa pagpapaliwanag sa kanya" namumula ang mga matang sagot ni Czarinna.

GENES for HIRE......by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon