PROLOGUE.
"Please... Nico... stop" pagmamakaawa ng lalaki na nakahiga na ngayon sa sahig.
"Sino ang nag-utos sa'yo na sundan ako?" Puno ng galit na sabi ni Nico.
"S-si Mhon Donovin" nanginginig na sabi ng lalaki.
"Okay." Maikling sagot ni Nico at sa huling pagkakataon ay tinadyakan niya sa tiyan ang lalaki. Napa-ahh na lang ang lalaki dala ng sakit sa pagpagdyak ni Nico sa kanya.
"Kayo na ang bahala sa kanya" sabi pa ni Nico sa mga tauhan nya bago umalis sa abandonadong lugar.
Malapit na siya sa kotse nya, nang makita nya ang babaeng nakasandal sa kotse nya. Napahinto siya. Hindi niya kilala kung sino ang babaeng iyon. Lumapit siya rito.
"Hi Nico!" Nakangiting sabi ng babae sa kanya pagkalapit nya. Tinitigan ni Nico ng puno ng pagtataka ang babae. "Alam kong maganda ako kaya di mo na ko kailangang titigan pa!" Sabi pa ng babae pagkakita niya kay Nico na nakatitig sa kanya.
"What the?! Sino ka ba ha?!" Bulyaw ni Nico sa babae.
"Nico, di mo naman kailangang sumigaw e." Sabi ng babae.
"Sino ka ba?!" Tuluyan ng nainis si Nico sa babae.
"Nicovin Xavier, ako nga pala si Moon Rae Davis..." inilahad ni Moon ang kamay nya para makipagkamay kay Nico, ngunit tinitigan lang nya si Moon. "....And I will be your Moon to your darkest hour." Dagdag pa niya at saka ngumiti kay Nico.
BINABASA MO ANG
You're My Moon
Random"Everyone wants to be the sun that lights up your life. But I'd rather be your moon, so I can shine on your darkest hour when your sun isn't around." - Moon Rae Davis.