Chapter 42
(Aira's POV)
"Bakla! Birthday na birthday ko nakasimangot ka riyan! Ano bang problema mo?"-bulalas sa akin ni Princess nung nakita niya akong nakasimangot sa sala ng apartment niya. Nandito kasi ako ngayon sa apartment niya dahil birthday ngayon ni bakla. At nakasimangot ako kasi isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin tumatawag si Vince sa akin. Ang huli lang niyang text ay baka raw hindi muna siya makakatawag or text or e-mail sa akin dahil tine-train siya ng papa niya. Hindi ko naman kasi aakalain na ganito siya katagal na hindi tatawag sa akin eh. Naiinis lang ako eh! Hindi niya ba naiisip na nag aalala ako sa kaniya at gusto kong malaman ang nangyayari sa kaniya run?
"Alam mo bakla kung buong araw ka lang bubusangot diyan, Naku! Lumayas ka na rito. Sisirain mo ang celebration ng birthday ko eh!"-mataray na sabi niya at aba! Ako pa talaga ang papalayasin ng baklang ito ah! Ako pa talagang kaibigan niya ah!
Tumayo na ako sa pagkaka upo ko dahil napag isipan kong aalis na ako. Pinapalayas na ako diba? Ehdi dapat ng umalis na ako. Tsaka ayaw ko munang makipagtalo kay Princess dahil wala talaga ako sa mood. Isa pa, tama rin siya na baka masira ko pa ang araw niya dahil lang sa lungkot na nararamdaman ko kay Vince ngayon.
"Hoy bakla! Saan ka pupunta?!"-narinig kong sigaw niya nung napansin niyang papalabas na ako ng apartment niya. Kahit kailan talaga baliw tong si Princess eh. Pinapalayas na ako tapos ngayong lalayas na tatanungin kung saan ako pupunta. Pasalamat talaga siya at wala talaga ako sa mood.
"Pinapalayas mo na ako diba??"-mahinang sabi ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ang lanta lanta ko ngayon eh. Actually isang linggo na nga akong lanta eh. Bwisit tong si Vince! Bakit ko siya ganito ma miss! Nakakaasar!
"Ano?!..."
"Ang sabi ko, diba pinapalay---"-pagkalingon ko kay Princess, hawak niya na ang telepono niya at hindi pala ako ang sinasabihan niya ng 'Ano?!'. Kung nasa mood lang talaga ako, kanina ko pa kinalbo ang baklitang ito. Biruin mo? Okay lang na umalis talaga ako rito? Nakng!!
"Ano yun bebe Vince? Si Aira? Ahh. Kaka alis lang niya eh. Ewan ko run, biglang umalis. Wala ata sa mood eh. Ano?! Sige, mama----"-bigla na lang akong tumakbo papunta kay Princess at hinablot ang telepono niyang hawak. Tama naman yung narinig ko diba? Kausap niya si Vince... Tumawag sa kaniya ang boyfriend ko. Pero teka? Bakit kay Princess siya tumawag? Ewan! Wala na akong paki basta kailangan ko lang siya makausap.
"Babe!"-sigaw ko agad sa telepono pero walang sumasagot. Pag ka tingin ko kay Princess namumula na ang mukha niya sa kakatawa. Lang hiyang bakla to! Pinag tripan lang pala ako. Wala pala talagang tumawag sa kaniya eh. Arrrrrggggg!! Naiinis na talaga ako. Una kay Vince tapos ngayon kay Princess. Naku! Makakapatay na talaga ako.
"Ouuuuch!!"-sigaw niya habang hinahawakan ang noo niyang tinamaan ng telepono nung ibinato ko sa kaniya yun. Naupo na lang ulit ako sa sala at napabuntong hininga. Shiiiit! Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ganito ako?!
"Sabi na eh! Si Vincent bebe lang pala ang pino-problema mo eh. Ano bang nangyari? Warlalu ba kayo?"-umupo na rin siya sa sala at kinuha ang icebag sa lamesa at nilagyan ng mga yelo ito at tsaka nilagay sa noo.
"Si Vince kasi eh! Isang linggo ng hindi tumatawag! May iba na atang babae!"-at nasabi ko na ang hinanakit ko at ng hinala ko. Yun lang naman kasi yun diba? Baka kasi may babae na talaga siya run. Nakita kong tumatawa lang si Princess at ewan ko kung bakit eh.
"Yan tayo eh! Ganiyan naman talaga tayong mga babae eh, masyadong tamang hinala. Sabihin mo nga sa akin, may tiwala ka ba kay Vince?"
"Siyempre meron!"-hindi ko pinag isipan ang sagot ko dahil 100% ang tiwala ko kay Vince at 100% din ang pagmamahal ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
RomanceTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...