Chapter 57 - What makes me happy?

24 3 1
                                    

12/27/15

--------

[ Krystel's POV ]

Kinakabahan akong inilipat ang tingin kay Lei.Sobrang pula na niya.

Pumaibabaw siya kay Yiru tsaka niya ito kwinelyuhan

"Gago ka!"

Pumikit muna ako at huminga ng malalim.Bakit ba ako kinakabahan?wala naman akong ginawang masama

Akmang susuntukin na ni Lei si Yiru pero ginawa ko ang lahat pala pigilan siya.

"Babs"

Nagawa ko naman dahil naiwan sa ere ang suntok niya.

Napatigil si Lei at mula sa namumula niyang mukha unti unti itong bumalik sa dati niyang kulay.

Pagkaalis niya sa ibabaw ni Yiru agad naman akong lumapit upang tulungan siyang bumangon.

"Okay ka lang?"

"Yeah"

Katatayo palang namin nong hawakan ni Lei ang kamay ko tsaka hinila palabas.Hindi na ako nakaangal dahil hindi ko din alam ang sasabihin.

Kahit mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko hindi na ako nagreklamo dahil ramdam ko na wala siya sa mood.

"Lei dahan dahan lang"

Hindi ko na napigilan at nagsalita na ako.Ilang beses na akong muntikang madapa dahil sa pagkakaladkad niya sa akin pero hindi ko lang pinansin.

"Lei masakit" Halos maluha na ako ng hindi man lang niya ako kibuin.Akala ko ba ayaw niya akong nasasaktan?Hindi ko alam kong bakit bigla nalang siyang nagkaganito.Hindi ko alam kong anong tumatakbo sa isip niya

Sa hindi malamang kadahilaan bigla nalang bumigat ang dibdib ko.Isa lang ang alam ko.Hindi kami okay ngayon.

"Ano ba tumigil ka nga!"

"Ano ba masakit sabi eh !"

Nagulat ako nong bigla niyang bitawan ang kamay ko.Hindi ko talaga mabasa kong ano ang iniisip niya.

"Ano bang problema mo?"Oo nga no?Ano ba talaga ang problema ng lalaking ito?

Hindi niya ako sinagot at napatitig lang siya sa kamay ko.

Naawa naman ako sa kamay ko na sobrang pula na dahil sa pagkakahawak niya.Ang harsh naman niya kasi masyado.Akmang hahawakan na naman niya yong kamay ko pero tinapik ko lang yong kamay niya.Baka sa susunod na hawakan niya ang kamay ko magkabalibali na ang buto nito.

Hinihintay kong magsalita siya pero hindi siya kumibo.Tss. walang kwentang kausap.Wala naman siyang balak magsalita kaya tinalikuran ko nalang.Pero hindi pa man ako nakakalayo ng magsalita siya.

"Hindi ba halata na nagseselos ako?"Napatigil ako sa paglalalad.

Lub Dub Lub Dub

F*ck this heartbeat.Anong sasabihin ko?

Wag ka nang magselos?

Bakit ka ba nagseselos?

Ano na? Waah tulong.Bakit ba kasi nagseselos ang isang ito ?

"Sino ka ba para magselos?"

Saglit akong napatigil at inaalala kong ano yong sinabi ko.

Sino ka ba para magselos?

Waaaahhh ! Anong sinabi ko? HUHU Bakit yon ang lumabas sa bibig ko?

Gusto kong bawiin yong sinabi ko pero parang kinakabahan ako.Gusto kong humarap kay Lei kaso natatakot akong tingnan ang reaksyon niya.

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon