"Donna, kindly give this to table 47"
"Yes Ma'am" sabay kinuha ni Donna ang tray ng pagkain at agad pumunta sa sinabing mesa.
"Table 47, here's your order ma'am and sir" at nilapag ni Donna ang mga pagkain.
"Thank you" pasasalamat nila. She bowed in front of them at bumalik din sa kusina para mag-serve ng ibang order.
Pagkatapos ng kanyang trabaho, agad siyang nagpalit at nagpaalam. "Bye Ma'am. I'll be leaving"
"Thank you for your time, Donna. Be careful on your way" at nginitian siya.
Pagkalabas niya sa likod ng gusaling pinagtratrabahuan niya, naglabas siya ng isang buntong hininga dahil sa pagod. Tinignan niya ang kanyang relos at muli naglabas nanaman ng buntong hininga dahil sa oras na nakita niya, may trabahong naghihintay nanaman sa kanya sa mismo niyang cabin. Hindi na siya nagdalawang isip na tumakbo papunta doon dahil sa kanyang boss.
Kung may award lang talaga ang kanyang kasipagan, malamang isa siya sa mga tao rito sa nasyong ito ang may hawak nun. Isa siyang maid sa kanyang cabin at waitress sa iba't ibang kainan. Kaya ganun na lamang ang trabahong kaya niya ay dahil hindi siya nakapagtapos sa Earth Academy dahil hindi siya ganun katalino kaya umaasa siya sa kanyang sipag. Sa una, ginagawa niya talaga ito para may pagkuhanan siya ng pera pero sa tagal, natutunan niyang mahalin ang pagiging waitress sa mga kainan.
Pagkarating niya sa Earth Cabin,
"You're late" seryosong saad ng kanyang nakakatakot na boss sa kanya.
Hindi na siya umimik at nag-bow nalang sa harap niya para humingi ng pasensya. Napabuntong hininga ang kanyang boss.
"Well, don't just stand there! Start the laundry!"
"Yes Ma'am" magalang na saad ni Donna at agad pumunta sa laundry room.
Bumungad sa harap niya ang isang kabundok na labahan kaya agad napalitan ang mukha niya ng panlulumo. Hindi na siya magugulat sa kanyang nakita dahil araw-araw naman laging ganun. Dagdag mo pa na isang dress maker ang kanilang namumuno.
Habang binabanlawan niya ang mga labahan,
KRIIIINNNNNGGG!!!
"Ay palaka!" gulat niyang saad.
Agad niyang kinapa ang kanyang bulsa para kunin ang kanyang phone. Nagtataka siya dahil hindi pa oras ng lunch kaya bakit may alarm?
Pagkakuha niya nito at nakita kung ano ang rason kaya ito ay tumutunog, nagulat siya. Dahil sa gulat, hindi niya na alam ang gagawin at tanging naiisip niya lang ay ang iwanan ang kanyang gawain ngayon.
"Kriiinnnggg!!" muli pagtunog ng kanyang phone.
"Ay kring ka!" naiirita niyang saad sabay kinuha ang kanyang phone at agad niya itong pinatay at hindi na nagdalawang isip na magpalit at lumabas ng kwarto.
Nagtago siya para walang makakita sa kanya na tumatakas dahil alam niyang pagnakita siya ng boss niya, katapusan niya na. Agad din siyang nakarating sa exit so she let out a sigh of relief.
"And where do you think you are going, Donna?"
Napatigil si Donna at literal na naging bato ang kanyang katawan dahil doon pero agad din siyang bumalik sa normal sabay napalingon sa nagsalita at kung minamalas nga naman.
"Are you done with the laundry?" masungit nitong tanong.
She knew she will ask her that.
"Uhm... uhh..." tumingin siya sa kanyang paligid at nag-isip at... "Oh No! Look!" she exclaimed sabay turo.

BINABASA MO ANG
Prince and Princesses of My Nation
Romance(Next book after MY NATION) A compilation of stories of the princes in the world of Eullenuum Nation and met their respective princesses. After meeting them in the challenges in the last year's Tradition, their paths crossed once again. What will ha...