Chapter 1

6 1 0
                                    

First day high.

4 am palang nagising na ako, pano ba naman di na ako nakatulog kakaisip kung anong mangyayari, kung sino magiging friends ko hays.
Makaligo na nga lang

After 30 mins. natapos din, nagayos ako ng buhok tsaka di naman ako tulad ng ibang girls diyan na kahit papasok lang nagmamake up pa,  simple lang naman ako, ako si Jaycee Niel S. Reyes bunso sa tatlong magkakapatid at NBSB .

6 am na pala kailangan ko ng bumaba, naabutan ko si mama na nagluluto ng breakfast.

" Ma, matagal pa ba yan " eh sa gutom na ako eh hahaha.

" Malapit na toh, maglagay kana ng mga plato diyan " daily routine na namin toh ni mama, sakto pagkatapos kong maglagay bumaba na din ang dalawa kong kapatid.

" Ay ang aga mo naman panget " ang napakaGWAPO kong kuya si Joshua Niel 3rd year highschool na siya at siya ang pinaka bully dito sa bahay, close sila ni papa noon bago pa siya namatay. Ayoko na magkwento nakakaiyak eh.

" Syempre first day eh hahaha " pinagtutulongan ako nito ah, ang ate ko si Jasmine Niel, 2nd year high school na siya at nagaaral kaming tatlo sa Arellano University Puro J noh? hahaha si mama kasi eh.

" Uy di naman " eh sa tulog mantika ako lagi eh hehe sorry naman.

" Tama na yan kumain na kayo baka malate pa kayo eh "

" Uy panget wag ka munang magboboyfriend ha, babantayan kita dun " sabi naman ng protective kong kuya.

" Okay lang magka crush basta wag muna boyfriend ha? " sabi naman ni mama

" Ma ano ba wala akong balak hahaha NBSB yatah ako "

" Hay nako jaycee di mo maiiwasan yan " sabi naman ni ate jas

" Ayokong magpahulog sa mga taong hindi ako kayang isalo "

eh sa nabibitter ako sa mga may lovers eh hahaha WALANG FOREVER.

" Pumasok na kayo, sige na "

sabay sabay kaming pumasok sa school, di pa rin mawala sa isip ko kung ano ba ang magiging kapalaran ko dito.

Pagkadating palang namin, ang dami ng estudyante. Nahanap ko naman agad ang mga kaibigan ko na si Kylee Mae Jacinto at Dazzyrie Cruz at buti nalang mga classmates ko sila.

" Omg jaycee namiss kita! " halata nga eh hahaha maingay talaga tong si Dazzy

" Miss rin kita lalo na yang kaingayan mo " nagtawanan naman kaming tatlo at nagusap usap tungkol sa summer vacation at mga gwapong nakilala nila habang naglalakad.

At sa wakas nahanap din namin yung room namin, MATH pala yung first subject namin.

Isa isa kaming nagpakilala at medyo nagiging close na rin kami ng iba naming classmates nasa section Class C pala ako, hindi naman kasi ako matalino tulad ng iba naming kaibigan hanggang Class D kasi dito sa mg freshmen.

Nadismiss kami agad kasi wala pa naman daw lesson, kaya nagpasya kaming puntahan yung Class A kasi nandun yung iba naming kaibigan nung elementary.

Habang naglalakad, patingin tingin lang ako sa mga rooms at mga estudyante, hanggang sa mahanap namin sila.

" Hello Shane at Kim!! " salubong agad namin sa kanila.

" Namiss namin kayo, sayang hindi tayo magclassmates, pero lagi naman tayong magiging magkasama " sabi naman ni shane

" Oo nga, ano pala first subject niyo?" sabi ko

" Mapeh eh " sabi naman ni Kim

Nakakamiss din pala yung elementary at ibang iba sa high school. Ilang sandali nagbell na at agad naman kaming nagpaalam sa kanila.

" Kita nalang tayo sa last subject namin sa SCIENCE building " sabay pa sila hahaha

" Sge byeee!! " sabay rin kami hahaha

hinanap agad namin yung room namin at nakinig sa teacher namin, medyo boring nga eh kasi lutang pa rin sa isip ko kung ano ba yung tadhana ko dito sa AU.

--------------------------------------------
Sana magustuhan niyo hanggang sa susunod pang mga chapters.

Thankyou and God bless - @ curlss_oww99

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paasa at UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon