Destiny

8.7K 180 38
                                    

Naniniwala ka ba sa destiny? 'Yun bang kung talagang kayo daw ang para sa isa't isa, kayo at kayo pa rin hanggang sa huli. Kahit ano'ng mangyari... At wala kayong iba'ng dapat gawin kundi ang maghintay na destiny ang gumawa ng paraan upang maging kayo pa rin ang magkasama hanggang sa huli.

Ako? Naniwala talaga ako sa maling pananaw ng destiny. Bakit mali? Dahil nalaman kong nagkamali ako. Siguro kung hindi.. Kung hindi ako naniwala at umasa sa maling pananaw na ito, masaya sana ako ngayon. Masaya sana kaming dalawa ngayon... Dahil sana, ako ang kasama nya ngayon... Sana... Ako ang pinakasalan nya...

Huling taon ko na noon sa kolehiyo sa kursong Mass Communication, at sa tingin ko, mga huling sandali ko na rin syang makikita. Si Abby... Kaklase ko sya mula pa noong unang taon ko sa kolehiyo. Isang matangkad, morena at simpleng babae. 

Unang kita ko pa lang sa kanya, nasabi ko sa sarili ko na ang babaeng kagaya nya ang nais ko'ng makasama sa habambuhay, naalala ko pa, minsan lang ako nabigyan ng pagkakataong mapalapit sa kanya, sa isang dance sport competition pa 'yon. Kung saan sya ang kapareha ko. Isang malaking kahihiyan para sa 'kin (at alam kong para rin sa kanya) ang pagsali naming doon. Kung bakit naman kasi nagpapilit pa ako'ng sumali bilang kapareha nya.

At mula nga noon, hindi na ako naglakas ng loob na lapitan o kausapin man lang sya ng kahit na ano'ng hindi tungkol sa klase namin. Nasabi ko pa nga rin noon sa sarili ko na, kung sadyang kami ang para sa isa't isa, pagtatagpuin at paglalapitin din kami ng destiny sa tamang panahon. Hanggang sa tila dumating na nga ang araw na iyon.. Isang hapon, nagulat ako ng sabihin ng isa sa mga prof namin na kailangan naming maiwan ni Abby sa room pagkatapos ng klase nya sa amin. Kinabahan talaga ako no'n, at sobrang napaisip. 'Yun pala, kami ni Abby ang inassign nya para maging emcee sa isa sa mga programa sa darating na Intramural sa amingUniversity

At habang pinapaliwanag sa amin ang lahat ng detalye,hindi ko magawang tumingin o ni sumulyap man lang sa kanya. Hanggang sa matapos na nga ang lahat ng eksplanasyon at pinahintulutan na kaming umuwi. Nauna sya'ng lumabas sa akin, at ilang hakbang lang ang layo nya mula sa kinatatayuan ko. Ilang sandaling katahimikan pa. Hindi ko alam kung saan bahagi ng sarili ko nanggaling ang boses na lumabas mula sa mga labi ko.

"Abby!"

Tumigil sya sa paglalakad at ilang saglit pa, bago sya lumingon sa kinatatayuan ko na may matamis na ngiti sa mga labi na tila kaytagal nya'ng itinago.

"Akala ko, hindi mo na talaga ako kakausapin," ang sabi nya.

Kaagad akong lumapit at sumabay sa kanyang paglalakad. At doon... Hay... At doon muling nagsimula ang lahat. Ang lahat-lahat. Lahat ng mga ngiti... Bonding... Tawanan.. At lahat ng mga bagay na lalo pang nagpalapit sa aming dalawa. Kahit hanggang sa natapos na ang Intrams. Walang naiba o nabago. Pakiramdam ko nga, sa tuwing magkasama kami, wala ng bukas na darating pa. Kaya sa bawat oras, minuto o kahit segundo, lahat ginawa ko mapangiti lang sya. 

Ewan ko ba kung bakit kahit minsan, hindi ko man lang nagawang ipagtapat sa kanya ang nararamdamn ko. Isa lang ang naisip ko'ng dahilan.

May tamang panahon naman para 'dun. Andyan naman lagi ang destiny

 Pero hindi nga nagtagal, naging iba ito sa pakiramdam.Na para bang kailangan may masabihan na 'ko nito. Si Anthony. Tama! Sa kanya ko sinabi ang lahat. Ang lahat lahat ng tungkol sa nararamdaman ko para kay Abby mula pa ng umpisa. Pero, nagkamali ako. Siguro nga, mas mabuti sana kung hindi ko na lang iyon ginawa.

"Kay Abby?! Pare, ikakasal na sya after ng graduation mismo natin! Hindi mo ba alam, matagal na sya'ng engage?" Ito ang mga salitang tila nagpabagsak sa buong pakatao ko. 

Not So Happy Ending Stories (Published under Psicom Publishing Inc.,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon