TULA 25: Nalito-lito, Lumayo-layo

29 6 3
                                    

Gusto ko sanang pahiran

ang kanyang mga luha

Pero hindi ko ginawa

Sapagkat ayaw ko na


Subalit

naaawa ako sa kanya

Oo

ayaw ko na siyang makita

Ngunit

mas ayaw kong makita siya

na malungkot

at pumapatak ang mga luha


Nalito ako

Pero

inihakbang ko

ang aking mga paa

palayo sa kanya

upang hindi ko makita

ang kanyang malungkot

na mga mata

ang mga luhang dumadaloy

sa kanyang magkabilang pisngi

Minabuti ko na lang

na umalis


Ang huling araw ko

sa trabaho

ay huling araw na rin

ng aking paglalakbay

sa daang

hindi para sa akin


Kasabay

ng bawat hakbang

ng aking mga paa

ang pagpatak din

ng aking mga luha

Luha ng awa

Luha ng kaunti pang

pag-ibig

na natira

sa puso ko

para sa kanya

Isang pag-ibig

na ayaw ko nang

madama

na hindi ko na

dapat madama

Kaya ang puso ko

ay aking kinuha

mula sa kanya

Handa na akong

ibigay ito

sa iba



Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon