Someone's POV
"Hahahaha... Para ka nang t*ga Rivs. Hindi mamamatay si Yuwi dahil lang sa alikabok!" tawa ni Miko na kaibigan ni River. Binabantayan ko sila dahil bukod sa wala naman akong ginagawa, nag-aalala din ako sa kanila.
"Oo nga. You're so protective na kay Yuwi." sabi naman ni Xinon na natatawa. Talaga pa lang pinoprotektahan ni River si Yuwi... Nasusunod pala ang plano ko.
"Shut up! Kumain na nga lang kayo!" sigaw ni River sa mga kaibigan niya. Kumakain sila ngayon sa isang fast food chain. Well, hindi ko inaasahang kakain si River sa ganitong lugar.
"Rivererhen..." tawag ni Yuwi kay River kaya napalingon agad si River, halos pigil ko naman ang pagtawa ko ng paglingon niya, pinahid ni Yuwi yung gravy sa mukha ni River.
"hahaha... Gross!" sabay na sabi ni Venice at Xinon. Kagaya ng dati, walang emosyong nanunuod sa kanila si Winter samantalang tumatawa yung tatlong lalake.
"Hahaha..." na kay Andrew na ang atensyon ng lahat ng siya na lang ang naiiwang tumatawa.
"Shhh... " sita sa kanya ni Yuwi.
"I can't help it. Hahahaha... Alam niyo ba kung anong iniisip ni River? Sa.. Awww!" natigil siya sa pagsasalita ng binato siya ni River ng baso.
"Anong iniisip ni River?" tanong ni Neo. Nakita ko naman yung panlalaki ng mata ni River.
"D*mn... " sabi niya kaya nagpeace sign na lang si Andrew. This kid...
"Oo na. Oo na di ko na sasabihin." sabi ni Andrew na tinikom yung bibig niya. Nagkukwentuhan lang sila ng biglang napatingin sa derekyon ko si Yuwi. Teka... Hindi naman ako nagsalita kaya imposibleng makita niya ko. Nagtatago lang ako dito ng may dalawang pares ng sapatos na huminto sa harap ko.
"Tara sa labas." sabi niya kaya tumango na lang ako at sumunod sa kanya.
"Long time no see." sabi sa akin ni Andrew. Shiro Andrew Lee...
Hindi naman ako nagsalita.
"Akala mo si Yuwi ang lalapit sayo no? Maswerte ka ako ang unang nakapansin kahit na napapansin na niya ang presensya mo." sabi niya sa akin.
"Ganun ba?" sabi ko na lang. Sumeryoso naman siya tsaka umupo sa harap ko.
"Kamusta? " tanong niya kaya napangisi na lang ako. Napakakaswal mo naman ata ngayon, Mind Reader.
"Pwede ba magsalita ka. Hindi porket mind reader ako gustong gusto ko ng binabasa ang isip mo. Masyadong magulo yang utak mo kaya ayokong pakialaman." sabi niya.
"Bakit nga ba hindi ko naisip na ikaw ang unang makakapansin sa akin?" natatawang sabi ko. Malamang Mind reader siya, baka habang nakasilip pa lang ako nababasa na niya ang iniisip ko.
"Aba malay ko sayo. Teka... Bakit ka nga nandito?" tanong niya sa akin. Bakit nga ba? Kasi wala akong magawa?
"Nanunuod lang." sabi ko tsaka tumingin sa langit.
"Pinapanuod mo na ano? Na bumagsak kami?" tanong niya kaya ko siya tinignan.
Ano namang sinasabi nito? Bakit ko gugustuhing bumagsak sila?
"Alam ko na ang lahat. Kagaya nga ng sabi mo, mind reader ako." sabi niya. Ganun pala...
"Then keep it as a secret. At hindi ko ginagawa to para bumagsak kayo. Kakampi niyo ko Andrew... " sabi ko tsaka tumalikod sa kanya. Paalis na ko ng narinig ko siyang magsalita.

BINABASA MO ANG
My Doll like Guardian
Fiksi IlmiahRiver Ehren Crusveda is the only heir of Crusveda Coorporation. A successful institution which is considered as the biggest coorporation in Asia. For that reason, he always received death threats from different people and assassins. His Mother, Reev...