Prince of nothingness

10 1 0
                                    

               the simple little thing

     hi hello po, ako nga po pala si Teal elix walong taong gulang. nakatira ako sa isang palasyo sa maynila. nakatayo ung palasyo namin sa isa sa mga bundok dun, alam nyo po noong isang araw nakapulot ako ng ginto, kulay dilaw sya... maliit lang pero kahit na mahalaga padin yon para sakin. Alam nyo po sabi ng mama ko, noong panahon nila yung napulot kong ginto, makabibili ka na ng madaing kendi... saka pag may apat kang ganon malayo na mararating mo. pero ngayon isang ginto palang ang napupulot ko e, kulang pa ko ng tatlo para makapag lakbay ng malayo o kaya makabili ng kendi manlang... . madae akong kaibigan kahit isa kong prinsepe, araw araw jollibee o kaya mcdo ang pagkain namin, at kahit saan ka maghalungkat sa bakuran namin panigurado may makukuha kang maipagbibili... sinanay ako ng mama at papa kong magbilang para daw po pag high school na ko ieenrol nila ako sa A.L.S., tapos magtatrabaho na ko sa kompanya ng papa ko... ang ganda ng pangarap nila sakin diba po... pero dahil walong taong gulang palang po ako, mag aaral muna ko ng mabuti.

         

 Araw araw sa school namin ako ang pinag titinginan, kasi makulay ang uniform ko. tapos taas noo ako kung maglakad kasi iwas sakin kahit ang mga siga sa school namin. Araw araw ding chicken joy ang baon ko, at ang naghahatid sundo sakin ay isang malaking sasakyan, lagi akong nasa likod nun, pero imbis na ako ang maghagis ng kayamanan ko sa mga tao... kami ang nangungulekta nito sa kanila araw araw, pero kahit kami ang nangungulekta... masaya padin ang mga kinukulektahan namin sa ginagawa namin sa kanila. hindi ko nga alam kung bakit e pero pag kukunin na namin ang sakosako nilang kayamanan ,nagpapasalamt pa sila.

          

 isang araw tatlong sasakyang malalaki ang dumating sa bakuran namin, tapos madai kaming naging bisita noong araw ding yon, ang daing tao talaga sa bakuran namin noong araw nayon. tapos sa isa sa mga sasakyan na dumating e nag pamigay ng napaka daming laruan, tuwang tuwa talaga kaming mga bata nun , kasi may laruang kotse, manika,robot at kung ano ano pa. sobrang saya talaga nung araw nayon, hindi ko yun makakalimutan. yung mga tao suot suot nila yung makulay nilang kasuotan gaya ko, ung iba pa nga may scarf pa e. tapos parang ang tema pa noon e masquerade, kasi madaing naka maskara nun. ang pagkain namin naka styrofoam na jollibee saka mcdo, tapos yung kanin e bigay ng mayor sa bayan namin. kaya solve na solve ang lahat.tapos nung gabi na binuksan na nila lahat ng ilaw tapos may nagpatugtog pa ng gimme gimme , kaya bago mag uwian ang lahat nag sayawan muna.

kinabukasan pagkatapos nung araw na yon, ikinuwento ko lahat ng nangyari sa mga kaklase ko,..... pero.... pinagtawanan nila ako... hindi ko alam kung bakit nila ginawa yon, insecure ba sila sakin kasi di ko sila inimbitahan kahapon?, pero bakit nga kaya wala akong kaklase doon kahapon.. linggo naman ah, hmm, sabagay madai kaming home work e, mga busy siguro... pero dapat hindi nila ko pinagtawanan diba, kasi... totoo lahat ng nangyari don... pagkatapos nila kong pagtawanan biglang tumahimik.. kasi andun na pala si maam... ipinalabas ni maam yung notebook namin, syempre sakin ang pinaka makapal na notebook, hindi ko alam kung bakit pero sabi sakin ni mama, yun daw gamitin ko para hindi na madaing notebook ang dalhin ko pag pumapasok ako... tinginan uli ung mga kaklase ko, tapos yung mga mata nila parang papatay na di mo maintindihan... sabagay prinsepe ako at iwas sakin maski siga, keya baka ingit lang sila, ah baka naiingit sila kasi ang kapal ng notebook ko, makulay ang bag ko, cute ang mga pencils ko, madai din akong ballpen na ibat ibang kulay bigay sakin yon ng service q araw araw e, bait nya no. pinasulat kami ni maam ng maikling tula kaya dali dali akong gumawa para macheckan agad... pero wala panga akong isinusulat, pinatayo ako agad ako ni maam saka nilagyan ng pirma nya yung notebook ko... lagi nya yong ginagawa sakin, kaya lagi akong nakakauwi ng maaga .tapos pag tatayo na q kasi tapos na nga ako at may pirma na e, saka sasabihin ni maam na takda nalang daw yon. at dahil nadinig ko na takda nalang yon, dali dali akong kumaripas ng takbo palabas ng room... pero napansin ko pinaalis lang ako ni maam sa room, saka siya mag tuturo ng leksyon sa mga kapwa ko estudyante....

pinapalipas ko ang oras ko araw araw sa play ground, tapos ngayon nakakita ulit ako ng ginto, yehey! naisigaw ko, kasi may ginto na ulit akong napulot kaya dalawa na yong ginto na nasakin. pagkatapos nun sa sobrang tuwa ko, nilakad ko ang pauwe samin kahit medyo malayo kasi yung palasyo namin e nasa tuktok pa ng bundok, pero ok lang kasi madadagdagan ang ginto sa mga nakulekta ko. pero parang galit ata si ina na umuwi ako ng maaga... sermon nya sakin.." bakit ang aga mong umuwi? siguro hindi ka pumasok ano!, anak naman alam mo namang pag-aaral ang tanging kayamanang hindi mananakaw sayo e", hmm sermon ba yon? para kasi sakin winawaksi lang ni ina ang sa tingin nya ay mali kong ginawa. sabagay kahit na. nakapulot na ko ng ginto kaya ok na ko dun sa ngayon...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Prince of nothingnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon