"unexpressed love"

80 5 2
                                    

-Oneshot Story

"It's hard to fall in love sa taong may mahal na iba, lalo na kung kelan man hindi ka niya kayang magustuhan. Sa tingin ko napakababa ko dahil kailan man hindi ko s'ya maaabot. Eto na naman ako nakatingin sa kanya na may nilalanding babae, habang parang tinusok-tusok ang puso ko ng maraming patalim hanggang sa madurog ito.

Kung kaya ko lang makahanap agad ng iba, matagal ko ng ginawa nang sa ganun mabasbawasan ang sakit na aking nadarama. Ganito na ba talaga ako kababa para echapwera niya? Ang boba2x ko dahil sa dinami-dami ng lalaking pwede kong magustuhan siya pa na walang pakialam sa nararamdaman ko, na walang yang maliitin at murahin sa harap ng maraming tao. At kahit gaano pa kasakit ang mga sinabi niya di ko parin magawang kamuhian siya!

Ilang araw din ang nakalipas naging sila ng babaeng nililigawan niya. Parang gumuho ulit ang mundo ko nang malaman na may nobya na ulit siya. Simula ng araw na iyon, di ko na siya pinapansin, tinitingnan at higit sa lahat hindi na ako pumapatol sa mga panglalait niya. Di ko alam kung alam na ba niya ang dahilan ng pagbabago ko. Sawang-sawa na ako sa mga pasakit niya, naaawa na ako sa sarili ko. Ayoko na, sumusuko na ako. Kahit na ilang araw na akong walang kibo, di parin niya hinininto ang kahibangang ginagawa niya sa akin.

Mga ilang linggo ang nakalipas, may isang lalaking lumapit sa akin. Siya yung lalaking crush ko nung elementary pa ako. Isang taon lang ang agwat naming dalawa. Kababata ko rin siya dahil sabay kaming lumaki, malapit kasing magkaibigan ang mga magulang namin. Tinanong niya ako kung pwede ba daw niya akong maging gf, matagal na daw niya akong gusto nung bata pa daw kami, pero wala siyang lakas ng loob na sabihin ito sa akin.

Napaiyak ako habang sinasabi sa aking isipan " bakit ngayon pa, sana inagahan mo ng sa ganun di ako masasaktan ng ganito!" nag-aalala siyang nagtanong kung bakit ako umiiyak. Wala akong ibang sinabi kundi "wala lang toh, may naalala lang ako nung mga bata pa tayo na kung saan ikaw ang mortal enemy ko at ilang taon ang nakalipas nagkagusto nalang ako sayo bigla. Tapos di ko expected na gusto mo rin pala ako. Regarding sa sinabi mo, pwede bang bukas nalang natin pag-usapan yan?" Wala siyang alinlangan na pumayag sa sinabi ko.

Kinabukasan nagkita ulit kami. Napag isip-isip ko na bakit kaya di ko bigyan ng chance ang sarili ko. Di naman ako siguro sasaktan ng taong toh. Sinagot ko siya at yun naging kami. Nalaman ng barkada ko ang tungkol sa aming dalawa, hangga't sa kumalat sa buong klase. Tintukso pa nga nila ako eh, dahil nagkaroon na rin daw ako ng boyfriend.

Napatingin ako sa kanya na papalabas ng classroom, na may mabigat na pinapasan sa mukha. Di ko na pinansin ito dahil baka nagkaroon lang sila ng di pagkakaintindihan ng girlfriend niya. Back to the present naman tayo, nakilala ng mga classmate ko ang boyfriend ko. Mostly sa mga girls namin kinikilig sa boyfriendko dahil daw gwapo ito. Tinanong pa nga nila ang pangalan nya sa akin eh.

Everyday niya ako hinihintay, at minsan hinahatid papunta sa school. Kaya yun di napigilan ng mga boys namin na maging close sa kanya. At dahil narin siguro sa mahilig din siya sa computer games. Naging parang matagal na nila itong kakilala dahil sa sobrang pagka close nila sa isat-isa. Dahil din dun napalapit ako sa mga boys namin at di na nila ako pinagkakatuwaan.

Di ko namalayan na ang kapalit pala ng pagiging close ng bf ko sa classmates ko ay siya ring pagkakalayo ng loob niya sa kanila. Di na nila sinasama sa mga gimik at di narin nila pinapansin yung mga biro nya.

Isang araw nagka one on one sila ng boyfriend ko sa basketball, due to the public demand. I felt uneasy at that moment. Ayoko siyang makita kasama yung boyfriend ko because i feel guilty. Lalo na nung sinabi niya sa bf ko na gf mo ang pustahan natin. Di ko lubos maisip kung bakit niya nasabi yun.

Nag-iba ang look ng boyfriend ko at sinabi sa kanya na " di ko ipupusta ang gf ko, dahil hindi siya sugal para paglaruan. Di ako katulad mo na ibinabasura lang ang nararamdaman ng iba para sa'yo at magsisisi sa huli dahil pinakawalan mo ito."

Biglang nanikip ang dibdib ko samantalang nahihirapan akong huminga. Natulala nalang ako sa nakita ko samantalang isa isang bumagsak ang mga luha ko. Nakita ko siyang umiiyak at nakayuko sa gitna ng basketball court kaharap ang bf ko na may galit na mukha.

Hinarap niya ang mukha niya sa kanya atsaka nagsalita. "oo, pinagsisisihan ko ang ginawa ko nun. Matagal na rin akong nagkagusto sa kanya pero wala akong lakas ng loob para ipaglaban siya. Naduwag ako na baka laitin nila ako, dahil nagkagusto ako sa isang katulad niya. Ngayon ko lang narealize na ang swerte ko pala nung mga oras na yun dahil may nagkagusto sa akin na kayang tiisin lahat ng mga masasamang bagay na ginagawa ko kahit na alam kong nasasktan na sya ng sobra-sobra. Na kaya akong pahalagahan kahit itinatakwil ko siya sa buhay ko, at laking pasasalamat ko sa'yo dahil naibigay mo na sa kanya lahat ng mga bagay na hindi ko naibigay sa kanya. Alagaan mo sana siya ng mabuti."

" Hindi ko pa naibigay sa kanya lahat, lalo na ang bagay na magpapasaya sa kanya ng habang buhay.

Ayoko pa, hindi pa ako handa sa ngayon. Hindi pa kita kayang ibigay sa kanya, kahit na di man niya sinasabi yun sa akin. Alam ko na ikaw ang nasa puso niya at di ko kayang palitan yun."

Di ako makatulog sa pangyayaring iyon, natatakot akong humarap sa boyfriend ko. Pagpunta ko patungong paaralan, nagtaka ako kung bakit sa may isang daan nakasulat ang pangalan ko. Followed by petals of roses, then sa di kalayuan may naglilinyang mga kalalakihan na naka pula na may dala-dala pang pink roses na favorite ko. Pagkatapos ay may isang lalaking lumitaw sa harap ko. Yung boyfriend ko, binigyan niya ako ng isang chocolate na hugis puso. Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ng mahigpit na mahigpit. "tandaan mo ha, na parati lang akong nasa tabi mo. Malayo man tayo sa isat-isa, ikaw parin ang pinakamamahal kong babae. Wag mo akong kakalimutan ha? Siguro naman naging parte rin ako sa buhay mo kahit papano. Mamimiss kita!".

Nagtataka ako kung bakit iba ang pananalita niya. Kinabahan ako kung may masamang mangyayari ba sa kanya.

Matapos niya akong yakapin tinanong ko siya kung ano ang nangyari sa kanya. Ngumiti siya sabay sabing mahuhuli na daw siya sa flight niya patungong AUSTRALIA, umalis siya sa harap ko at may isang lumapit na lalaki sa akin. Na may dala-dalang 3 roses. Pinakitaan na naman niya ako ng nakakalokang ngiti, nang makarating na siya sa harap ko humingi siya ng tawad sa akin atsaka umiyak. Di na ako napigilan ng emosyon ko na umiyak din at yakapin siya. Nag-iyakan kaming dalawa hangga't sa lumuhod siya, kinuha ang kamay ko at niyayang maging nobya niya. Hindi na ako nag-alinlangan pang sabihin sa kanya na OO. Nagtilian ang lahat ng mga classmates namin at pagkatapos nun naging trending yung love story namin sa buong school.

that's all, thank you!

"unexpressed love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon