Oneshot: Bring me
By: IamBlackOne
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dedicated po sa ga followers or silent readers na gustong-gusto ang mga stories ko o lagi itong binabasa. Yey! Sana magustuhan niyo to at marami pang mga oneshots and dadating kaya just wait. I would like to promote my on-going series please read. Ge na pero hindi ko talaga kayo pinipilit ah, nagpopromote lang
* Lets get married
* Mission: Finding my heart's other half
Tenchu!
---------------------------------------------------------------------------------------------------
" Good morning!" Bati ko sa lahat kaya napatingin sila sakin at bumati narin. Ang saya ko ngayon, hindi lang dahil wala ng pasok bukas dahil christmas party ngayon. Alam ko kasing mageenjoy kaming lahat
Dumiretso ako sa upuan ko habang dala-dala ang pagkain para sa lahat. May kanya-kanya kasi kaming dala at sa akin naman ay spaghetti dahil yan ang specialty ni mama at yan ang ipapatikim ko sa kanila. Dala-dala ko narin yung gift ko para sa kaklase ko, akala ko si crush na ang manito ko pero hindi pala pero okay lang
" Good morning Fret" nginitian ko ang fret ko at bumati narin. Umupo ako sa tabi niya tapos napatingin sa paligid at ayun, nakita ko na naman siya. Ang gwapo niya parin kahit sa simpleng suot niya lang
" Aga mo ata ah. Tayo palang?" Pag-oopen ko ng topic para hindi boring. Konti pa kasi kaming naririto at kahit ganun, hindi naman boring kasi may nagpapatugtog ng music, ang lakas pa nga eh " Oo. Sigurado akong malelate yun, matatamad kasi eh" napatango-tango lang ako at sinimulan hanapin ang cellphone ko sa bag ko. Siguro, magwawattpad na muna ako
Marami akong mga stories na nasa library at ang karamihan ay oneshot, mas gusto ko kasi mas nakakakilig at parang hindi na pinapatagal, magkakatuluyan rin naman o mabibigo sa huli, diba?
Habang nagbabasa , sumusulyap rin naman ako kay crush. Oo nga pala, im Steffie at yung crush ko? Si Sionn, ang unique at gwapo noh? Ahahaha
Busy siya sa pakikipagchika sa mga kaibigan niya pero nagulat ako nung nagkatinginan kami kaya bigla akong napaiwas at napatago ng mukha gamit ang cp ko. Geez, nagulat ako dun ah atsaka baka napansin niyang kinikilig na ako ngayon. Hoo! I need air
" Fret. Dun tayo sa corridor" lumabas kami doon at nagpahangin. Mas mabuti narin para makita ko ang ibang kaklase ko na late papunta dito
Tumigil ako sa saglit sa pagbabasa at ginamit ang vision ko sa gilid ng mata at napansin ko mukhang nakatingin siya dito sa labas. Yiiee, may gash, kinikilig na ako ah. Yun nga lang, hindi ako sure kasi blur eh
" Anong binabasa mo?" Nagulat ako nung may biglang nagtanong sa tabi ko. Bagong dating pala, si Amber at ang ganda niya nung ngumiti siya dahil sa pagkagulat ko " Ah wala" inilayo ko sa kanya ang cp ko kaya mas lalo siyang napatawa, mas lumalabas pa dimples niya. Kainggit naman
Pumasok nalang siya sa classroom kaya tinignan ko si crush, napasunod siya ng tingin nung pumasok si Amber. Hay, siguro si Amber ang tinitignan niya. Oo nga, asa pa ako noh!
