Chapter 1: The Tribe

9K 145 9
                                    

KAZU'S POV

-xxx-

"Arf! Arf!"

Tumalon ako sabay kapit sa isang sanga ng kahoy at umakyat dito. Akala ko matatakasan ko na sila pero hindi gaano kataas ang sangang tinatayuan ko at madali lang makagat ang paa ko kaya tumalon ulit ako sa baba at tumakbo ng mabilis. Halos wala na akong makita dahil sobrang dilim ng paligid at tanging buwan lang ang nagsisilbing kaunting ilaw.
    
    
Kasalukuyan akong hinahabol ng mga aso sa gubat. Hindi sila 'yung mga ordinaryong aso kundi 'yung mga nangangagat at pumapatay ng tao. Mukhang na-trigger ko ang paglabas ng beast mode nila dahil pumasok ako sa teritoryo nila. These ferocious-looking animals are heck scary! Idagdag pa ang black fur at mga pulang mata na kitang-kita sa dilim.

Naramdaman ko ang presence nila sa likod ko na sobrang lapit na. Kahit ang dilim ng paligid ay alam kong pito sila. Naramdaman ko namang biglang nag-accelerate ang dalawang aso at napunta sa magkabilang gilid ko. I realized. . .I'm almost cornered.
    
   
Nag-focus nalang ako sa dinadaanan ko at naghanap ng pwedeng daanan. Kaya ko namang iwasan ang paglapit nila habang tumatakbo dahil nararamdaman ko ang bawat kilos nilang lahat.

Kailangan ko na talagang makapunta agad sa base pero parang naliligaw na ako sa gubat. Wala naman akong dalang weapons kaya wala akong laban sa kanila. Bakit pa kasi kailangang pumunta sa parte ng gubat na 'yun? Teritoryo ng mga killerhounds.
    
    
"Arf! Arf!"

"Shit!"

Napasigaw ako dahil tumalon pataas 'yung aso at muntik na akong mawalan ng ulo kung hindi lang ako yumuko. Ibig sabihin. . .nasa harap ko na 'yung isa. Pumunta ako sa kaliwa at mas binilisan ang pagtakbo kahit nanghihina na ang mga paa ko.

"Pumunta ka sa malaking puno!"

Narinig kong may sumigaw malapit sa malaking puno ng gubat kaya tumungo ako doon. Nang palapit na ako, biglang may bumukas na portal. Kitang-kita ito sa dilim dahil maputi ito at kumikinang. Pumasok ako doon at naramdaman ko pa ang muntik na pagkagat nu'ng isang aso. In less than a second ay napunta na ako sa base namin at nagsara na ang portal na nakadikit sa wall.
    
   
"Hoo! Muntik na ako nu'n!" Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na ang mga killerhounds.

"Hindi mo pa talaga kayang takasan ang mga 'yun." Sabi ng matangkad na lalaking nakasuot ng white longsleeves with matching necktie na parang a-attend ng isang meeting.

"Eh Sir, mahirap naman talagang takasan ang mga killerhounds." Sagot ko kay Sir Kai habang hinahawakan ang tuhod ko at hinahabol ang hininga ko.

"Nagawa nga nila eh."

"Nakakatulong kasi ang sixth sense nila at skills pagdating sa pag-akyat ng puno."

"Nakakatulong din naman ang sixth sense mo ah? But anyway, tomorrow, you still have to achieve your task. Kailangan mo ulit pumasok sa parte na 'yun papunta sa edge ng gubat," Sabi ni Sir Kai at umalis na siya kaya naiwan ako kasama sina Aiku, Naori at Shiro.

"Malayo na pala ang kayang maabot ng portal mo." Sabi ko kay Aiku. Kasi ang layo na ng naabot ng portal niya. Sa tingin ko halos isa't kalahating kilometro ang natravel ko gamit ang portal niya.

"Actually, ang lapit lang ng t-in-ravel mo. Halos a hundred meters lang ang distansya mo kanina mula sa base, hindi mo pa nahanap." Sabi naman ni Naori.

Huh? Ang layo ng teritoryo ng killerhounds papuntang base ah? Paano naging hundred meters lang?

"Nagpaikot-ikot ka lang naman sa gubat ng halos kalahating oras." Dagdag ni Shiro.

Ganu'n pala ang nangyari. Kanina pa pala ako ikot nang ikot. Sa sobrang focus ko sa pagtakas, hindi ko na naramdaman ang presence ng mga tao sa base eh ang lapit lang pala.
    
    

The Forbidden TribeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon