Kabanata Tatlongpu't Apat
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Basta napaalis ni Zayden ang lalaking manyak.
Tulala akong nakatingin kay Zayden. Ito kasi ang unang beses na narinig ko siyang magsalita. Ang lamig ng boses niya na nagre-reflect sa mga mata niya. At nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya dito. Nagbakasyon rin ba siya dito? Bigla ko tuloy naisip na posibleng kasama niya ang mga barkada niya... including Thadeus. No, he can't be here. Masisira ang plano ko.
Matapos makipagtitigan ni Zayden sa mga mata kong di makapaniwala sa presensya niya ngayon, nagsimula na siyang umalis. Ni hindi manlang nag-Hi/Hello sa akin. Ni hindi pa nga ako nakakapagpasalamat.
Naisip ko na, hindi niya siguro ako na-mukhaan.
Sinundan ko siya ng tingin. Umakyat siya papunta sa VIP lounge. Pagkatapos nun hindi ko na siya nakita. Hindi siya pumwesto sa pwesto na matatanaw dito sa kinatatayuan ko.
"Sistar, c'mon!" Nagulat ako sa malakas na boses ni Veena.
Nabalik ako sa earth. Saka ko lang napansin na tumigil ang malakas na tugtog. At may naririnig akong boses sa intercom na nag-aanunsyo.
"Magsisimula na ang foam party! You have to experience this!" Kinaladkad niya ako.
Naglaho tuloy yung chance na isumbong ko sa kanya tungkol sa nangyari kanina.
"Wow!" Nawala lahat ng pag-aalinlangan ko. Napalitan ito ng excitement nang magsimula ng magkaroon ng bula ang paligid.
"Told ya!"
Nagsimula ng magpatugtog ang DJ. Sayawan na ulit. This time, mas masaya! Kung kanina gustung-gusto ko ng umuwi, ngayon ayaw ko pa. Kinalimutan ko muna sandali ang idadahilan ko sa parents ko kung bakit super late na akong makakauwi.
Para akong bata na tuwang tuwa sa paglalaro ng bula. Minsan hahagisan ko si Veena tapos gaganti naman siya. Hanggang sa hindi nalang ako sa kanya nakikipaglaro ng bula. Pati na rin sa iba kadalasan ay lalaki. Tawa ako ng tawa habang naglalaro ng bula habang sumasayaw sayaw.
Hindi nawala ang flirting. Nung una naiilang ako. Lumalayo ako kapag may nagpapahid ng bula sa balikat ko. But later on, natuto akong makisabay.
Veena's right. This is fun. The thing I haven't experienced before.
***
Nagulat ako pag-uwi dahil hindi ako pinagalitan. Ayun pala, pinaalam ako ni Veena.
Namula ang pisngi ko nang purihin ni mommy't daddy ang new look ko. And weird kasi gusto nilang lumabas ulit ako kasama si Veena habang nandito pa ako sa New York. Katwiran nila, taong bahay lang ako kapag nasa Pilipinas. Gusto nilang enjoy-in ko ang kabataan ko.
Tinawagan ko si Veena sa telepono. Natawa nalang ako nung sinabi niyang grounded na naman siya.
"Gusto mong ulitin?" kwestyon niya.
"Oo, masaya eh. Kaso pano ikaw?"
"Don't worry," she said, assuringly. "Ako bahala."
Ha. Si Veena yan eh.
Paulit ulit ang naging routine namin ni Veena. Shopping sa umaga, gimik sa gabi. Hanggang sa natuto akong mag-ayos sa sarili ko. Hindi na ako yung dating HyoRin na tamad magsuklay. Ngayon, pati paglagay ng make-up ginagawa ko na na dati ay ayaw na ayaw kong gamit. And, I'm enjoying the flirting. Kaya naman pala marami ang hindi makaiwas sa bagay na ito dahil masaya basta alam mong makisabay. And syempre, ako pa rin naman ito. Hindi ako yung taong porket nag-e-enjoy eh todo sabay na sa agos. I know my limmitations.
Natapos ang bakasyon at kailangan ko nang bumalik sa Pilipinas. Lungkot na lungkot si Veena kasi wala na raw siyang "buddy". Ako naman, nabitin. Well, pwede pa rin naman ako gumimik sa Manila.
Tinawagan ko si AM pagkabalik na pagkabalik ko sa 'Pinas. Don't get me wrong. Hindi ko pa rin binubuksan ang phone ko. Sa landline ko siya tinawagan at sinabing pumunta siya sa bahay. Marami akong ikikwento sa kanya at syempre marami rin akong pasalubong sa kanya.
"Kung sino ka mang masamang espiritung sumapi sa kaibigan ko, umalis ka!" ani AM habang nakapikit at nakahawak sa noo ko.
Hinawi ko ang kamay niya. "Baliw!"
Nagtawanan kami.
"By the way, I miss you!" Niyakap niya ako ng mahigpit. Tumatalon talon pa kami dito sa garden as if mga bata.
"Anyare sa'yo? Ba't lalo kang gumanda? Ganyan ba talaga 'pag broken?" May halong biro na sabi niya at naupo. Hinalukay niya ang mga pasalubong ko sa kanya. "OMG! Alam mo talaga ang mga type ko sa damit."
"Not really. Tinulungan ako ng pinsan kong si Veena pumili ng mga nyan."
Matapos ang higit apat na oras napagchichikahan namin ni AM, pumunta ako sa kwarto ko at naisipang buksan na ang phone ko.
Halos mag-hang na ito sa kaka-vibrate dahil sa mga texts at missed calls. Habang hinihintay na kumalma ang phone ko, binuksan ko ang laptop at nag-online. Ang dami kong message mula kay Thadeus Rivas. Hindi lang yun, nagpost pa siya sa Timeline ko ng, "I miss you so much". Ang daming likes at comments nun, dahilan para sumabog ang notifications ko. Sa dami tinamad na akong magbasa, pinatay ko nalang ulit ang laptop ko. Hinayaan ko na rin ang phone ko.
Humiga ako sa kama at bago tuluyang makatulog, napangiti nalang ako. Nagagawa na kitang tiisin, Thadeus.
Dumating ang pasukan. Katulad ng nakagisnan ko, pinagtitinginan ako. But this time's different. Hindi tinging nang-iinsulto at hindi ako pinagtatawanan. Of course, hindi na ako ang HyoRin na panget at pinagtatawanan nila. I have the look that girls would envy and guys that would admire.
Ngumisi ako. Let's talk about the discrimination thingy. Dahil maganda na ako ngayon, wala nang paa na haharang sa daan ko. Instead, ang daming kamay sa gilid ko na nag-o-offer na sila na ang magdala ng mga gamit ko.
"Transferee ata," tulalang konklusyon ng isang lalake.
Nginitian ko siya. Palihim akong natawa nung nakita kong napanganga siya. Siniko siya ng mga kaibigan niyang kapwa tulala.
I grinned. So this is how it feels to be a beauty queen.
"Miss, sabihin mo naman kung anong pangalan mo, oh."
Nilingon ko ang isa sa mga lalaking nakabuntot sa akin kanina pa. "Kita mo nga naman," introduction ko.
Natanaw ko ang grupo ni Danica sa background ni Kyle. Actually, kanina ko pa siya napansin. Hindi ko naman alam na sinusundan rin nila ako ng tingin.
"Nakalimutan mo ba ako, Kyle?"
Napa-oohhh ang ilan.
"Y-you know me?" Tinuro niya ang sarili.
"Why on earth would I forget about you?" Tumawa ako ng pilit.
"Ex ba kita?"
There, natawa ako. Totoong tawa na.
"Wag kang mag-alala di ko type ang mga tulad mo."
Napalunok siya. Napahiya.
Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng narito sa hallway. Kilala ko sila lahat. Sila yung mga taong palagi akong minamaliit. And everytime, I go pass them, binabato nila ako ng kung anu-ano. Hindi ko makakalimutan kung paano nila ako tingnan as if nakakadiri akong specie. But now come to take a look. Kung tumingin sila sa akin ay para akong prinsesa. Hindi nila ako tinitingnan in a way na minamaliit, kundi hinahangaan. That's the magic of beauty. Kung wala ka nito, wala silang respeto sayo.
"By the way, it's me, HyoRin. Yung palagi mong pinapahiya, tanda mo pa?"
Nanlaki ng husto ang mga mata niya. Even the others including Danica.
I smiled wickedly then leave them with their mouth hanging open.
v