Kabanata Tatlongpu't Anim

1.2K 36 1
                                    

Kabanata Tatlongpu't Anim

Pinapasadahan ko ng tingin ang bawat libro sa bookshelf. Hinahanap ko ang tamang libro na gagamitin ko para sa report ko. Tunay nga talaga na mahirap hanapin ang tama para sa'yo. Kung ano pa ang mga hindi mo kailangan, ayun pa ang mga nakabalandra sa harap mo. Oha. Humuhugot lang.

"Ayun!" mahinang sabi ko sa sarili nang makita ang librong hinahanap. Hindi ko inalis ang paningin ko rito. At sa pagka-excite ko malalaking hakbang ang ginawa ko para malapitan ito agad.

"Shit!"

Nagulat ako nang may nagmura. Pagkakita ko kay Thadeus nanlaki ang mga mata ko. Muntikan rin akong mapamura gaya niya.

"Ano bang ginagawa mo dyan?" tanong ko habang nakayuko sakanya. "Sorry." Kasi naapakan ko ang binti niya.

Hindi ko naman napansin na nandito siya sa dulo at natutulog. Nung umikot kasi ako nasa mga libro ang tingin ko.

"Anong magagawa ng sorry mo? Nasaktan mo na ko," aniya na iniinda pa rin ang sakit.

Aba, aba! Hindi lang pala ako ang humuhugot dito.

"Tara nga dito." Nagreach out siya para kunin ang kamay ko at marahan akong hinila paupo sa tabi niya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Mapungay ang mata niya at napansin ko rin na ang laki ang eyebag niya. Hindi kaya... napuyat siya sa kahihintay sa akin kagabi? Anong oras na kaya siyang umuwi? Nakaramdam ako ng konsensya na dapat ay hindi.

Hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos sinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Worth it ang magdamag kong paghihintay kagabi. Ang saya ng prize ko." He squeezed my hand. Nakita ko rin na nag-stretch ang labi niya into a smile.

Nakatulog siya sa balikat ko habang ako nagbabasa. Well, not really. Hindi rin kasi pumapasok sa utak ko ang mga words. It is as if dinadaanan lang ng mga mata ko ang mga nakasulat sa libro. Inaaway ko ang sarili ko dahil mukhang natutunaw na ang yelo.

Yung tipong ang ganda na ng mood ko kay Thadeus kanina, ngunit nagbago ngayon. Ngayon na nakikita ko siyang may kasamang babae. Parang kanina lang ako ang nilalandi niya. Nagkahiwalay lang kami ng mga tatlong oras (dahil may klase ako) may iba na siyang kaharutan. Ay oo nga pala. SECOND OPTION niya lang ako.

"Tama rin na nakita mo siya ngayon. Atleast, bumalik ang galit mo," sabi ko sa sarili habang naghuhulog ng coin sa vending machine.

Matapos kong damputin ang juice, binuksan ko agad ang takip nito at uminom habang naglalakad. Doon sa likod nila napili kong dumaan.

Nang makalapit, nagkunwari akong napatid kaya nabuhos ang juice sa ulo ni Thadeus. Nakaupo sila ng babae niya kaya hindi ako ganun nahirapan sa ginawa kong kamalditahan.

"Sorry, di ko sinasadya." Na sa ulo ka matapunan. Ang plano ko talaga sa damit lang.

"HyoRin?" Mukhang nagulat pa si Thadeus nang makita ako.

"Shocks." Napatingin ako sa babae. Pinupunasan niya ang ngayong naglalagkit na buhok ni Thadeus gamit ang panyo niya. Tumingin siya sa'kin ng seryoso na may halong inis.

"Sorry talaga ah," sabi ko uli.

"Ayos lang." Yumuko si Thadeus tila nahihiya.

Doon ko lang napagtanto na nagka-stain ang branded at mamahalin niyang damit. At kung bakit siya nahihiya? Kasi marami ang nakatingin. Mayroon pa akong nahuli na tumatawa. Actually nung pagkabuhos ko palang kanina ay may narinig akong tawa. Paano ba naman kasi nakakatawa ang reaksyon ni Thadeus.

"Sige, mali-late na ko sa klase ko," paalam ko. Tinapunan ko ng tingin ang babaeng kasama niya bago sila tinalikuran at umalis.

Oo nga pala. Ang babaeng kasama ni Thadeus ngayon at ang babaeng nakita kong kasama niya sa mall ay iisa. Yeah, yung babaeng siniseryoso si Thadeus kasi maganda.

Sumunod na araw, habang nagpapalipas ako ng oras sa gazebo, napansin ko ang tatlong lalaki na nagtatalo. Nakatingin silang lahat sa akin. Ang nasa gitna ay pinipigilan ng dalawa. Walang imik ko silang pinanood hanggang sa hindi na ako nakatiis. Nilapag ko ang librong binabasa ko kanina, tumayo at nilapitan sila.

"May problema ba?" kwestyon ko sa kanila.

Nagpalitan ng tingin ang tatlo wari'y nagtuturuan kung sino ang sasagot.

Lumunok ang isa bago nagsalita, "Eto kasing kupal na ito, eh." Binatukan ng nasa kanan ang nasa gitna. "Sinabi na ngang si Thadeus ang date mo sa acquaintance party, ang kulit pa rin. Yayayain ka raw niya."

Tiningnan ko ang lalaking nasa gitna na ngayon ay namumula na ang magkabilang pisngi.

Alam ko ang tungkol sa nalalapit na acquaintance party ng business administration department. Pero hindi naman ako na-inform na si Thadeus ang date ko. Agad agad lang? Hindi pa nga siya nagtatanong.

"Sino nagsabi sa inyo na si Thadeus ang date?"

"Di rin po namin alam kung saan galing," sagot ng nasa kaliwa. Nakikita ko ang dating sarili ko sa kanya dahil sa nerdy look niya. "Basta narinig nalang po namin."

"Hindi pa naman siguro final?" sabad nung nasa gitna. "Pwede pang mabago ang isip mo at pwedeng ako ang piliin mo bilang date mo."

Di ko na pinansin ang sinasabi niya. Napaisip ako. So alam ng marami na si Thadeus ang date ko? Hmm. Bigla tuloy may ideyang pumasok sa kukote ko. Another bitchy plan, actually.



Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon