Kabanata Tatlongpu't Pito
Someone interrupted the class. Kinausap nito ang prof ko. Naiintriga ako sa kung ano man ang pinag-uusapan nila dahil tumitingin tingin sila sa akin.
Tumango ang guro pagkatapos lumabas na ang lalaki. Akala ko ipagpapatuloy ang discussion, subalit nagpunta ang guro sa dulo ng white board at doon tumayo.
Mayamaya bumukas ang pinto at isa-isang nagpasukan ang iilang kapwa estudyante na may dalang tig-iisang placard.
Will You Be My Date ang nabasa ko nang magtabi tabi sila habang nakataas ang mga hawak na placards. Lahat sila ay nakatingin at nakangiti sa akin.
I blushed. At may hinuha ako na si Thadeus ang nasa likod nito. Until pumasok ang isang pamilyar na lalaki. Ang una kong nasilayan ay ang dala nitong boquet ng bulaklak. Doon palang nasigurado kong hindi si Thadeus ang nasa likod nito.
Hanggang sa tuluyan nang lumitaw ang lalaki. Hindi ko siya kilala pero gaya ng sinabi ko, pamilyar siya sa akin.
Nahihiya niya akong nilapitan na may kasama pang pamumula ng mukha.
"Para sa'yo," sabi niya na hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko. Siya iyong isa sa tatlong lalaki na nakausap ko sa gazebo noong nakaraang araw.
"May date na siya. So pwede ka ng umalis," mataray na sabad ni Claire. Umiirap irap pa.
Ilang araw na 'yang upset. If I know dahil ito sa kagustuhan niyang maging date si Thadeus. Ang kaso, usap usapan na ako na ang date nito. Por que ba palagi kami magkasama automatic kami na ang magka-date sa prom? Eh, hindi pa nga ako niyayaya ng mokong na yun!
Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha nitong lalaking nasa harap ko.
"Ano nga palang name mo?" tanong ko.
Nag-angat siya ng ulo at nabuhayan ang mga mata niya. "Eros..." medyo nabubulol na sabi niya.
Nilabas ko ang phone ko. "Lagay mo number mo."
Nalaglag ang panga. I heard everbody gasped.
"Ayaw mo?" I snapped.
Natauhan siya at natatarantang kinuha ang phone sa kamay ko. Pinagmasdan ko ang nanginginig niyang daliri habang nilalagay ang numero niya sa contacts ko.
"Salamat," sabi ko sakanya pagkabalik niya ng phone. "I'll text you up."
Tumango tango siya habang nakatitig sa mukha ko. Cute rin naman itong si Eros. At lalo siyang nagiging cute para sa akin kapag namumula ang pisngi niya. Parang ang sarap niyang maging baby bro.
Nung uwian, nakatanggap ako ng text galinh kay Thadeus.
Baka gusto mong dalawin locker mo.
Kinagat ko ang ibabang labi. Hindi kaya....?
Dali-dali akong bumalik papunta kung nasaan ang locker area. Excited ako sa kung ano man ang surprise ni Thadeus. May maabutan kaya akong maraming tao doon na may hawak rin na placards? Flowers scattering on the floor? Ano? Waah. I'm so excited!!
Pagkarating ko ng locker area, ang tahimik. I know right! May manggugulat sa akin. O kaya naman biglang lilitaw si Thadeus na may dalang isang pirasong rose at iaabot niya sa'kin iyon habang nakangiti ng matamis? Shocks! Can't wait to see my favorite smile of him.