Kabanata Tatlongpu't Walo
"Ang ganda, ganda naman ng babaeng gumawa raw ng eksena kanina." Rinig ko mula sa aking likuran.
Agad akong lumingon. "Friendship!" Tuwang tuwang sabi ko.
Tumayo ako at niyakap siya. "Wow! Sobrang ganda mo!" Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kumikinang ang suot niyang black gown na tumutulad sa suot niyang hikaw at kwintas kapag natatamaan ng ilaw. Ang sophisticated niyang tingnan at ang ganda, ganda niya!
"Bakit nga pala late ka? Tsaka... bakit hindi mo sinabing siya ang date mo?" Nagulat talaga ako nung napansin ko si Shiloh sa likuran niya, na ngumiti sa akin.
"Nag-usap ba tayo? Black and white tayo ah." Tumawa siya.
Umiiwas na naman ang bruha. Napaka-masikreto talaga ng babaeng ito.
"Black and white naman talaga tayo," sinakyan ko nalang ang pagsegway niya.
Maputi si AM habang ako morena. Kaya ang kulit lang ng outfit namin. White ang gown ko habang siya black.
Umupo si AM sa tabi ko habang si Shiloh naman ay sa tabi ni Eros na katapat ko. Umusog pa ang huli. Naiilang o nahihiya ata na tinabihan ng sikat na si Shiloh.
"Umamin ka nga. Kayo na ba ulit?" bulong ko kay AM.
Nag-blush siya kaya natawa ako.
"Wag nga natin pag-usapan ang bagay na 'yan lalo na't andyan lang siya."
"Di naman siya nakikinig tsaka nagbubulungan lang naman tayo, hello?"
Sabay kaming tumingin kay Shiloh na halos magka-stiff neck na sa kabi-kabilang tumatawag at bumabati sa kanya.
Lumapit pa lalo sa akin si AM. Nag-abang ako ng bongga sa sasabihin niya. Na-e-excite ako lalo na nung nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko para bumulong.
"Hindi pa," aniya na pina-suspense pa.
I made a face. Hindi pa naman pala pero---- teka nga!
"Hindi pa? Pa?" Napalakas ang boses ko.
"Ingay mo!" Tinakpan ni AM ang bibig ko gamit ang kamay niya.
Tiningnan namin si Shiloh. May kausap siyang babae malapit sa table namin. Mabuti nalang hindi niya kami napansin. Pero itong si Eros mukhang nawiwirduhan na sa kinikilos naming magkaibigan.
"Oo nga pala, bruha ka ano yung usap-usapan na eksena raw kanina?" Biglang usi ni AM.
I shrugged. "Ikaw naman kasi. Kalahati na ng party dumating."
"Siya kasi." Tinuro niya si Shiloh na ngayon ay nakatingin na sa amin.
"Hi, Eros!" Kanina pa nandito si AM ngayon niya lang binati si Eros. "Makipagsayaw ka para di ka ma-bore."
Tumingin naman sa'kin si Eros, nagpapaalam.
"Tama siya. Di mo mae-enjoy 'tong party kung uupo ka lang dyan. Dalawang beses na naman tayo nagsayaw."
"Salamat," aniya at tumayo. Nginitian niya ako bago umalis.
"Ikaw, bakit ayaw mo makipagsayaw sa iba? Imposible naman na walang nagyayayang sumayaw sa'yo."
Pinamulahan ako sa sinabi ni Shiloh.
"Nakipagsayaw na ko kanina nung nasa mood pa 'ko. Ngayon wala na ko sa mood."
"Or hinihintay mo lang si Thadeus?" nanunuksong turan niya.
"Of course not!"
"Speaking of! Here comes he is," AM announced.
Hindi ako lumingon. Nakipagtitigan ako sa mga mata ni Shiloh. Iyong mga mata niyang tila nang-aasar.
Ano naman kung papunta na rito si Thadeus? Yayain niya ko sumayaw, edi go! Bakit, papayag ba ako? Pwede namang tumanggi, hindi ba?
"Hi there!"
Hindi ko pinansin ang greeting ni Thadeus. Ang ganda ng scenario ngayon. Nasa harap at gilid ko ang dalawang lalaki na magkakuntsaba sa paglalaro ng damdamin ko. Well, si Thadeus lang naman. Dinamay niya lang si Shiloh sa katarantaduhan niya.
"HyoRin, pansinin mo nga ako."
Tumingala na ako para makita siya. Pinilit kong magmukhang normal sa kabila ng pagiging maharot ng utak ko dahil nakatitig ako sa napakagwapo niyang mukha.
Napatili ako nung hinila niya ako patayo at niyakap ang bewang ko gamit ang isang braso.
He looked at me in the eye and uttered, "Come on, baby. Dance with me."
His voice was husky as damn and he looked so darn hot as hell! Shemay! Mapapamura ka nalang talaga sa close-to-perfect na itsura ng lalaking ito.
Sinulit niya ang pagkakataong tulala ako. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa dance floor.
Bago kami umalis narinig ko pang sinabi ni Shiloh, "Wala pala sa mood, huh?" na sinundan ng tawa.