" The Last Vow "
Written by : LoveKita335
"Baby, kahit anong mangyari, tandaan mo, ikaw lang ang mahal ko."
"Palagi kong tatandaan yan baby." sabay halik nya sa labi ko. Ito na siguro ang huli naming halik.
"Sige na, baka hinahanap ka na ni Marge." sabi ko at sumakay na sya sa kotse nya at umalis na. Naiwan akong mag-isang umiiyak dito sa may park. Dalawang araw na lang, ikakasal na ang taong mahal ko. Hindi sakin kundi sa Pinsan kong si Marge. Masakit, sobrang sakit para sa akin. Parehas kaming walang magawa. Parehas kasing nasa pulitika ang Family ni Marge at ni Lorence. Kaylangan nilang magpakasal dahil yun ang kasunduan ng dalawang pamilya. Ang ipakasal ang youngest sibling nila. Sakto namang opposite sex ang mga anak nila kaya ayun. Arrange Marriage ang lumabas.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Maaga akong nagising ngayon, hindi ako masyadong nakatulog. Since pinsan ko nga si Marge, kelangan kong pumunta sa party nila mamaya. Kahit masakit para sa akin, kelangan kong pumunta.
6:30 pm na, naghanda na akong pumunta sa party nila. Ang aking suot ?? Isang black gown. Black kasi nga nagluluksa ako.
"Ladies and Gentlemen, let's all welcome soon-to-be Mr. and Mrs. Pineda !"
Pagkasabing pagkasabi nung emcee, nagpalakpakan ang mga guest maliban sakin. Mabagal silang bumababa sa hagdan. Ito nanaman ang luha ko, naguunahan sa pagpatak. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na, lalo na ngayong magkasama sila.
Umakyat sila sa mini stage. Napatingin si Lorence sakin sabay bitaw nya sa kamay ni Marge. Tumakbo ako papunta sa cr at tsaka doon nag iiiyak. Maya-maya pa'y narinig ko na ang emcee na nagtatawag ng mga guest para sa special message sa couple. Nang medyo kumalma na ako, lumabas na ako sa cr. Malapit na rin akong tawagin. Hindi ako magbibigay ng message kay Marge, wala syang alam na may relasyon kami ni Lorence at naipit lang din sya dito.
"Now let's give a round of applause to Ms. Mandy Rowells !!" Nagpalakpakan ang mga tao.
Huminga muna ako ng malalim at umakyat na sa mini stage. Nilibot ko ang paningin ko sa mga tao. Karamihan sa kanila galing sa Political Family. Bigla kong nabaling ang tingin ko kela Lorence at Marge na nakaupo sa center table. Umiiling si LOrence at parang sinasabi na wag kong gagawin kung anu man ang binabalak ko.
"Good evening everyone, I just want to say Best wishes to Mr. Lorence Pineda and Ms. Marge Samson. I'll sing a song dedicated to Mr. Lorence Pineda."
Nakita kong nagbubulungan ang mga tao. Si Marge tumingin sakin na parang nagtataka at si Lorence na alam kong gusto na akong pigilan. Nginitian ko na lang sya.
Sorry Marge, hindi ko magawang sabihin ito ng direktahan dahil ayokong masaktan ka. Lorence, pakinggan mo sana ito ng mabuti.
Hiniram ko sa pinsan ko yung gitara nya at pumikit muna ako at nagsimula ng mag strum ng guitar.
[NowPlaying : "Speak Now" by Taylor Swift]
[a/n : Click on the right side to play the song.]
[ I am not the kind of girl, who should be rudely barging in on a white veil occasion but you are not the kind of boy who should be marrying the wrong girl ]
Nagsimula nanamang magbulungan ang mga tao.
[ I sneak in and see your friends and her snotty little family all dressed in pastel and she is yelling at a bridesmaid somewhere back inside the room wearing a gown shaped like a pastry This is surely not what you thought it would be I lose myself in a daydream where I stand and say ]