ALDEN RICHARDS AND I (Fan Fiction)

622 7 4
                                    

Note: WHEN YOU READ THIS. THINK OF YOUR SELF AS A LEADING LADY AND THE LEADING MAN IS ALDEN RICHARDS.

--

Wala kaming ibang nararamdaman ng pamilya ko kundi kaba habang nanonood ng Juan For All, All For Juan. Kasabay nun ay nagdadasal na sana kami ang mabunot ni Bossing para sa kanilang masusugod.

Dahan-dahan at sabay-sabay kaming napatingin sa hawak na cellphone ni Mama nang mag-ring ito. Ilang segundo lang ay sinagot na ito ni Mama.

"H-hello." nanginginig pang salita ni Mama. Kasunod na nun ay sumisigaw na si Mama sa tuwa. Tinignan ko ang tv, may kausap na si Bossing sa cellphone niya. Ibinalik ko ang tingin kay Mama, kung ano man ang tanong ni Bossing sa tv ay siya ding sagot ni Mama. Napatalon at napasigaw na lang kaming magkakapatid sa tuwa.

Maya-maya lamang ay nandyan na si Alden kasama ang JOWAPAO. Bakit wala si Maine? Mas masaya sana kung kumpleto sila. Oh well, this is too much blessing for our family! Confirm na confirm na kami ang nabunot. Huhu. 

Nagsimula nang kausapin ng JOWAPAO at ni Alden si Mama habang kaming magkapatid at si Papa ay nasa may bandag gilid upang hindi mahagip ng camera. Nakakahiya, ang oily ko kaya! Lol.

Habang kinakausap ng JOWAPAO si Mama ay napatingin naman si Alden sa may pwesto namin. Napangiti ako at nag-pabebe wave na rin kahit puro langis na ang mukha ko. Eww.

"Ate, grabe ang gwapo ni Alden sa personal!" bulong ng kapatid kong babae na mas bata sa akin. Malamang naman nuh! Ate nga ako diba? Hehehe.

"Oo! Shh.. wag ka masyadong pahalata dyan." tugon ko. 

Ibinalik ko ang tingin ko sa pwesto nila Mama, napansin kong wala si Alden. Luh siya, nawala? Umalis na agad? Agad-agad? Maya-maya ay may mabango akong naaamoy kasabay nun ay ang pagsiko sa akin ng kapatid ko.

"Ano ba, masakit ah." mahina kong sabi sa kapatid ko. Nakita ko naman siya na ngumunguso-nguso pa. "Tigilan mo yan, hindi bagay."

Inilapit ng kapatid ko ang sarili niya sa akin at bumulong, "Si Alden, nasa tabi mo!" 

Lumaki ang mga mata ko sa narinig ko. Si.. Alden? Nasa tabi ko? Tumingin ako sa bandang kaliwa ko at tama nga.. sa kanya nanggagaling ang mabangong amoy na naaamoy ko.

"H-hi Alden." mahina kong bati na may pag-nginig pa dahil nahihiya ako sa kanya.

"Hello. Kamusta?" tanong niya na para bang ang tagal na naming magkakilala.

"O-okay lang. Hehe." sagot ko naman.

"Wag ka na mahiya. Para sakin close na tayo." sabi ni Alden at ngumiti ng pagkatamis-tamis! Jusme! Oxygen! 

"Close agad? Sabagay. Hehe, pwede payakap?" tanong ko. Aba, lulubos-lubusin ko na 'to! Minsan lang to sa buong buhay ko.

"Sure!" magiliw na sagot naman ni Alden.

**

Nang matapos nang mainterview si Mama ng JOWAPAO ay kausap naman ni Mama ang ibang staff ng EB. Hinanap ko ang mga kapatid ko dahil bigla na lang silang nawala sa tabi ko. Enebe, pasaway talaga ang mga batang yun!

"Uy." napalingon ako sa nagsalita. Si Alden.

"Uy, hehe. Hinahanap ko mga kapatid ko eh." sabi ko sabay labas ng bahay para hanapin ang mga kapatid ko.

"Ay, nakita ko kasama ng iba naming staff. May pupuntahan yata." sambit ni Alden habang sinasabayan ako sa paglalakad. Napatigil ako sa paglalakad nang marealize ko nasa labas siya, ibig sabihin maraming tao, ibig sabihin pwedeng pwede siyang dumugin ng mga tao dito sa barangay namin. Pero tinignan ko ang paligid, halata sa mga tao ang pagpipigil nila ng kilig nila habang nakatingin kay Alden. Weird.

"Uh, Alden. Balik ka na sa JOWAPAO, baka dumugin ka." sabi ko na may pag-aaalala sa kanya.

"Hindi yan." nakangiti niyang sabi. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Alam mo safe naman ang mga kapatid mo sa mga staff namin, baka may ibibigay lang yung mga yun sa mga kapatid mo." - Alden

"Uh. Eh. Kahit na, hindi dapat sila sumasama kung kani-kanino lalo na't hindi naman sila nagpaalam sakin." sagot ko habang nag-aaalala na ako kung nasaan na ba ang mga kapatid ko.

"Grabe ka naman, para namang sinabi mong hindi safe kasama ang EB family." - Alden

"Uy, hindi sa ganun! Bata pa kasi ang mga yun eh. Nag-aaalala lang talaga ako." sabi ko habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. Hindi ko nga alam kung saan hahanapin ang mga kapatid ko eh.

Napatigil ako nang hawakan ni Alden ang kamay ko. OMG! Totoo ba 'tong mga nangyayari?! Hinahawakan ng isang ALDEN RICHARDS ang kamay ko!

"Ganito na lang." sabi niya habang nakahawak pa rin sa kamay ko. Napapanga-nga na lang talaga ako sa mga ganap ngayon. "Tatawagan ko yung mga staff na kasama ng mga kapatid mo then papabalikin ko na sila dito para hindi ka na mag-aalala, okay?" pagpapatuloy niya. Enebe! Alden naman! Lakas mo maka-boyfriend ko!

"O-okay." nauutal kong sagot sa kanya.

"Pero.." - Alden

"Pero ano?" tanong ko nang may pagtataka.

"Makikipag-date ka sakin after I get back your siblings. Ayt?" -Alden

"D-date?" DATE? As in D-A-T-E? DATE? O M G!! Shemaaayy! Seryoso siya?

"Ano na?" tanong ni Alden.

"Seryoso ka?" hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

"Oo. 101% seryoso ako. Ayaw mo ba?" AKO? Ayaw ko?! ABA naman!

"Hindi nuh! Jusko! Pangarap yata lahat ng babae na maka-date ka." dire-diretso kong sabi.

"Talaga? Payag ka na? Okay then, tatawagan ko na sila ah." sabay bitaw ni Alden sa kamay ko at kinakapa-kapa ang cellphone niya sa bulsa ng pants niya.

"Ugh, wait. Nasa kanila yata ang phone ko." -Alden

"Kaninong 'kanila'?" tanong ko. Ano ba ah! Date na eh! Mauudlot pa yata! Wag naman, please. Minsan lang to.

"Sa mga staff na kasama ng mga kapatid mo." -Alden. OH no!! Wala na! Di na matutuloy ang date namin ni Alden!! Huhuhu. First heartbreak.

Unti-unti, lumalapit si Alden sakin. Lumalapit ang kanyang makinis na mukha sakin. Whut iz da meaning of this? Hahalikan niya ba ako? Di ako prepared!! OMG!! Ito na.. ito na, ilang inches na lang.. ito naaaaaaaaaa!!!

**

"Aacck!!" nagising ako mula sa napakahimbing kong tulog nang maramdaman kong may bumabato sa akin ng mga unan. At take note, hindi malalambot ang unan namin, sakto lang. Bato yata laman ng mga ito.

"Kanina pa kita ginigising diyan! May panguso-nguso ka pa diyan!! Tanghali na, nananaginip ka pa!!" sigaw ni Mama habang palabas ng kwarto. Tumayo ako at sinundan si Mama sa kusina.

"Mama naman!! Ayun na eh!! Hahalikan na ako ni Alden eh!! Malapit na malapit na, ilang inches na lang Mama!! Mag-didikit na mga labi namin!! Mama!! You're so cruel!! Huhuhu." pag-iinarte ko kay Mama.

"Wag kang assumera, ha. Ano ka si Yaya Dub? Ayusin mo na yang sarili mo at sasamahan mo ako sa SM." pagkontra ni Mama. Wala siyang awa sa 'kin. Huhuhu, chos!

Inayos ko na ang sarili ko dahil nagpapasama daw si Madam. Hays! Napaka-lungkot ng ending ng panaginip ko! Ayun na eh! Tulak na lang ni Lola Tinidora ang kulang, magki-kiss na kami eh! Huhu.

I guess, wala talaga kaming pag-asa ni Alden. Kay Maine lang talaga siya. 

- FIN -

Note:

Hahaha! Paasa ba? Ganyan na ganyan ang panaginip ko! Pinaasa ako. Sobrang lapit na eh. Oh well, MaiDen shipper naman ako. Keribels lang. Hoho.

Hope you like it! Don't forget to vote! <3

FOLLOW ME on Twitter!

P.A: yowjasminee (double E talaga ah?)

Also, follow OFCALDubKoTo 





ALDEN RICHARDS AND I (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon