III-Altair

4 0 0
                                    

Characters are posted below this chapter. Thanks.

///

Bagong taon na. Ang bilis ng panahon no? Ayun. Hindi nakauwi sila mama at papa dito dahil wala ng ticket. Naiintindihan ko naman. Kaya kaming tatlo nalang nagcelebrate ng new year. Sila dianne at danny naman nagkaroon ng chance umuwi dahil pinadalhan sila ng ticket pauwi sa kanila.

Yung kambal? Sa amin na tumitira. Pero nangako naman silang hindi sila magiging palamunin. Sabi nila ay tutulong sila sa mga gawaing bahay. Pumayag naman ako doon at tuwing gabi ay hinuhulugan ko ng barya ang alkansya nilang dalawa na sa paniniwala nila ay si tooth fairy ang naglalagay. Nag aaway pa sila minsan dahil mas marami daw ang ibinibigay kay Luna kesa kay Helios.

Sinabi ko na kay mama ang tungkol sa pagtira ng bata. Mabuti naman daw yun para may kasama ako dito. sinabi rin ni mama na dodoblehin na nya ang ipapadala nyang allowance para sa makakain namin. ayos lang sa akin dahil madadagdagan ang pera namin lalo na may part time job ako na magagastos namin para may pang bili ng kung anong gusto namin. Monday ngayon at papasok na ako uli. 5 o clock ako nagising at 8 pa naman ang simula ng klase ko pero kailangan kong magising ng maaga para may makain ang kambal.

matapos noon ay iniwanan ko sila ng note na wag kalimutan kumain ng almusal at wag kalimutan mag lock ng pinto. Wag rin sila magpapapasok ng ibang tao sa bahay. Maaasahan naman sila at hindi rin malikot ang kamay. Sadyang maloko lang si Helios minsan.

6:30 ng makaalis ako ng bahay. Halos 30 minutes ang byahe dahil sa labas pa ng bayan ang university na pinapasukan ko. Mabuti na lamang at marunong ako magdrive. sumakay na ako sa sasakyan at gumayak na papuntang university.

Saktong 7:00 nang makarating ako. Kakaunti pa lamang ang tao dahil nga sa 8 pa ang simula ng klase. May oras pa ko para matulog. umakyat ako sa terrace ng school kung saan hindi masyadong pinupuntahan ng mga estudyante dahil daw may nagsuicide dito. Which is, totoo naman dahil lagi kong nakikita yung babae na paulit ulit tumatalon dito. Literal. Yung tipong tatalon sya tapos maya maya makikita ko ulit tapos tatalon nanaman. Ewan ko ba sa trip nya. Gusto ata lumipad. Pero atleast di sya nakakaistorbo.

Umupo na ako at isinabit ang mga paa ko sa railings ng terrace. Kinuha ko ang earpods at nakinig sa music. Damang dama padin ang lamig ng simoy ng hangin dahil january palang. Magtatagal ito ng hanggang february. matiwasay akong nakikinig ng music ng may bastos na humila sa paa ko dahilan para mahulog ang sapatos sa gorund floor. Urgh. Eto ayaw ko eh, pinagtitripan ako.

Alangan namang muntanga akong magsisisigaw dito sa inis kaya imbis na magwala bumaba nalang ako at kinuha ang sapatos ko. Mabuti nalang walang kumuha rito. Pagsilip ko sa taas ay naaninag ko ang isang lalaki. Hindi ko sya namukhaan pero nakakasiguro akong di sya tao dahil hayop sya. Sya ang humila sa sapatos ko. Ramdam ko yun.

Mga 7:45 ng napagdesisyunan kong pumasok sa unang klase ko. Grade 12 na ako sa Senior High at mag cocollege na. Pagtapos ng year na to ay di ko pa alam ang mangyayari sa akin. Baka lumipat ako sa ibang bayan malayo dito.

pagpasok ko ay mangilan ngilan palang ang estudyante. Ang iba ay halatang puyat. Ang iba naman ay masayang nagkwekwento ng naranasan nila ngayong pasko.

Tahimik akong umupo sa assigned seat ko at kinuha nalang ang libro sa bag ko. Everyday ang binabasa ko. Ilang beses ko na tong nabasa pero di pa din nakakasawa. Ang ganda kasi ng storya.

habang tumatagal ay padami na ng padami ang estudyante, hindi ko man lingunin ay alam ko na. Nakarinig pa nga ako ng tiliian at kung ano ano pa.

"Ang pogi talaga ni Altair no" rinig kong chismis sa likod ko. Altair? Ngayon ko lang yun narinig. May kaklase ba kaming altair? Kung sabagay irreg student ako. Di ko talaga mamemorize ang mga pangalan nila dahil araw araw ay iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko, ang iba doon ay hindi pa nga tao minsan.

the giftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon