Pasalamat ka [one shot]

561 19 3
                                    

Sabihin ko daw sayo na mahal kita, pero ano naman mapapala ko? Eh may Ian Bautista ka na. Sino ba naman ako? Isang Torpeng lalaki na nagngangalang Karl Libranda.

Ang tagal nyo na nga, tapos papasok ako para ano? Manggulo? No way! Masaya naman ako kasi alam kong Masaya ka, oo, ako na masokista. Ano magagawa ko? Ilan beses na kita kinalimutan pero, wala eh, ang lalim ng pagkapana ni kupido.

Isang araw, nakita kitang umiiyak, gusto kitang lapitan pero di ko magawa, di ko nga alam kung alam mong nag-eexist ako eh. Nasasaktan ako kasi umiiyak ka, eto na ako palapit pero nakita ko si Ian nilapitan ka, naririnig ko pa nga sinasabi niya eh. Bakit puro sorry sinasabi niya? Tapos na ba kayo? Ibig sabihin ba nito pwede na ako pumasok sa buhay mo? Pero hindi, ayaw ko, hindi ka din naman magiging Masaya kasama ko.

Last na narinig kong sabi ni Ian, “ Sorry Shai, I fall out of love.” At naglakad na palayo. Ano ba nangyari at ganun na lang? May ginawa ka ba. Lahat naman alam ko tungkol sa inyo, ito lang ung hindi.

Halos one week kang hindi pumasok. Ngayon eto ka, nakaupo na naman. Iniisip ko, ito na ata ung time para pumasok ako sa buhay mo, okay lang masaktan ako, para sa’yo naman eh. Gagawin ko lahat, kasi Mahal kita.

Pagkalapit ko sayo, nakipagkilala ako, alam ko naming di ka masungit eh. Kita ko sa mata mo na nasasaktan ka pa rin. Kinaibigan kita , okay lang naman. Tumagal ng buwan pagkakaibigan natin, pero alam ko mahal mo pa rin sya.

Eto na, magtatapat na ako. Sana pumayag ka, kahit rebound lang, ibibigay kita pag bumalik siya, please lang, akin ka muna ngayon, papasayahin kita, ipaparamdam ko sayong mahal na mahal kita.

Ang saya saya ko nung araw na pumayag ka magpaligaw, umabot din ng buwan, ngayon inulit ko ung tanung ko, pinahabol ko pa na, okay lang kung di mo pa ako mahal, matututunan mo din yun. At ibibigay kita sa kanya pag gusto mo na bumalik sa kanya. Sinagot mo naman ako, ang saya na e, kaso nangako pala ako sayo, siguro dahil dun kaya ka pumayag.

Isang taon na tayo, sabi nila, bumalik na daw si Ian, natatakot ako nab aka balikan ka na nya ngaun, na alam na nya kung anung nawala sa kanya. Pero wala akong magagawa kung mahal nyo ba talaga ang isa’t isa, rebound mo lang naman ako eh.

Eto na ung araw na kina katakutan ko, eto si Ian kausap mo, di nyo alam na nandito ako nakikinig. Hinihiling ko sana , wag ka pumayag, kasi baka di ko kaya. Pero, wala eh, mahal mo talaga siya. Kinabukasan, ako na mismo nakipaghiwalay, sabi mo pa bakit, di ko nga alam kung totoo ban a nakikita kong nasasaktan ka. Pero sabi ko, nandyan na si Ian, di mo na ako kailangan, Di mo naman din ako mahal eh, tapos bigla kang umiyak, tumalikod na lang ako, di ko naman alam kung para kanino ung luhang iyon eh.

Lumipas ang 5 taon, sabi ko sa sarili ko, kakalimutan kita, pero wala talaga, sabi ko na lang, paggusto mo bumalik, tatanggapin kita, mahal kita eh. Eto pa rin ako, umaasa n asana , natutunan mo akong mahalin. Pero imposible diba? Bakit? Kasi limang taon na ang nakakalipas, di mo pa ako binabalikan, dapat nga siguro sumuko na ako.

Eton a ata ang pinakamasaya kong araw. Nandito ako, hinihintay ka, ayan na, malapit ka na. Napaiyak mo pa nga ako dahil sa vow na binitawan mo eh, muka tuloy akong bakla.

Akala ko nung araw na hinanap mo daw ako, kailangan mo na naman ng rebound kasi narinig ko nakipaghiwalay na naman si Ian, pero mali pala. Ikaw pala ung nakipaghiwalay after ng 3 months kay Ian, kasi di mo na pala siya mahal. Ang tanung bakit umabot pa ng limang taon, sabi mo, Di mo pa alam kung ano ang sasabihin sakin, Tatlong salita lang naman ang kailangan mo sabihin na di mo nsabi sa akin dati eh.

Ang mga katagang, “I love you.”

Buti pala, sabi ng isip at puso ko na, “ Patience is virtue.”

Pasalamat ka, I waited for you. Pasalamat ka, ikaw si Shaira Villafe, ang nag-iisang babaeng minamahal ko.

-FIN-

Sorry, first ko po kasi gumawa ng story, so, i started it with one shot. Try lang po T_T sana magustuhan nyo. thanks po :) Comment po kayo kung ayaw nyo. I need tips po kasi.

~~ Ms. BB 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pasalamat ka [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon