Prologue ~

29 0 0
                                    

Mahirap ba talagang magmahal sa taong hindi ka kayang mahalin? paano kung mahal ka na pala hindi niya lang napapansin dahil sa mga taong nakaharang?


Yung akala niya sa iba niya makikita ung hinahanap niya pero hindi, ikaw pala. hindi naman masamang mag'assume diba? pero malay mo sa tagal ng pinagsamahan namin.


Pwede bang ako na ang unang magmove? kaso hindi, babae ako eh. diba dapat kami ang nililigawan?


 

ang sakit lang kasi pag nakikita ko siyang may kasamang ibang babae, kahit na alam ko naman na wala akong karapatan dahil hamak na dakilang bestfriend lang naman ako.


hindi ko alam kung baket sa dinami daming nagkakagusto sakin, bakit siya parin? ano bang meron sa kanya na wala sa iba? ung mata ba niya na pag tinignan mo parang ang sincere sincere? o ang tawang ang hirap kalimutan? hindi naman ako panget para hindi niya magustuhan.


Pwede bang ako na lang? ..



Ako si January ang dakilang taga punas ng luha ni Albert, ang ka isa isa kong bestfriend-kambal sa tuwing nasasaktan siya ng mga iniibig niya. Siguro nagtataka kayo kung bakit kambal? kasi halos lahat ng gusto ko gusto din niya, nagkakasundo kami sa lahat.


Ang nakakatawa lang, baket ung nararamdaman ko para sa kanya hindi niya maramdaman? ganun na ba talaga siya nasaktan sa mga nanakit sa kanya kaya hindi na niya maramdaman? kaya naging manhid na siya? 




A Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon