CHAPTER V

17 3 0
                                    

Vince's POV

Hello po sa lahat ng readers, Vincent Lim nga po pala. Nandito ako ngayon sa bahay walang magawa, for short NGANGA. Sobrang boring dito dahil wala naman akong ibang kasama kundi ang mga maids. Hays... namimiss ko nanaman si AJ. Siguro naman po napakilala niya nako sa inyo. Ako pa ang Best friend niya, diba Ms. Author? [ Oo best friend ka lang. Muwahahaha XD ] Ay sama nyo naman po.

Anyway gusto ko sanang tawagan si AJ kaso baka tulog na yun dahil pagod galing sa trabaho. Pero dahil ako ang makulit niyang best friend tatawagan ko pa rin siya. Nagbabakasakali lang naman na sasagutin niya. ^_^v.

*rinnnggg*

*rinnnggg*

*rinnnggg*

[ Hello? Vince? ] Wait.. sinagot ni AJ. Yay![ AJ! Buti sinagot mo. ]

[ Wag ka ngang sumigaw. Bakit kaba tumawag may kailangan kaba. ]

[ Miss na kita eh. ]

[ Adik. Umayos ka nga anong kailangan mo?]

[ Nagugutom ako tara kain tayo. ]

[ Sige. Saan? ]

[ Sa Mcdo yung sa... wait payag ka!? ] Woah di siya tumanggi. Haha madalas kasi tong tumanggi gusto kasi lagi siya yung magyayaya.

[ Ayaw mo? Tss.. Mcdo 9:30pm sharp your treat. ] tapos binaba niya yung phone.

I still can't believe na pumyag siya. Sabi. Ano kayang nangyari dun. Anyway no time to think about that kailangan ko ng magbihis dahil ayaw nun sa mga madalas nalelate. Sigurado pag nalate sesermonan ako nun.

After changing umalis na rin ako agad ng bahay. Hahayaan ko na lang yung mga maids na magkagulo pag nalaman nilang wala ako sa bahay.

---

"Hoy Vince dito." she said while waving her hand.

"Kanina kapa? Wala pa ngang 9:30pm eh"

"Nabored ako sa bahay kaya pumunta ako agad."

"Ganun? Nga pala naka-order kana ba?"

"Dipa. Nakalimutan mo na bang treat mo to."

"Di naman ako pumayag na treat ko ah. KKB tayo AJ." bigla naman niya akong tinignan ng masama.

"Subukan mo lang na di magbayad bubugbugin kita Vince." Ahaha ang cute nito magalit kulang nalang mag-usok yung tenga eh.

"Sige na nga mamaya niyan matagpuan pako sa Pasig River eh."

Pagkatapos kong umorder nagkwentuhan lang kami ni AJ. Di halata pero may pagkamadaldal rin to. Ibang tao kasi to pag nasa school. Pag wala kasi sa school ang ingay nito, tapos mahilig tong maglaro ng basketball. Oo mga kaibigan nagbabasketball po siya. Ewan ko nga bakit hilig niya yun eh lalampa lampa naman siya. Naputol yung usapan nung napansin niyang nakatitig ako sa kanya.

"Hoy Vince anung tini-tingin mo diyan? =_="

"AJ may dumi ka sa muka." tinuro ko naman yung right cheek niya na may ketchup.

"Ah.. teka may tissue ba dyan?" tapos naghanap siya ng tissue eh kaso wala. Wahaha alam niyo na siguro kung anong next na mangyayari. XD

Unti unti akong lumapit sa kanya at...

.

.

.

.

.

bigla niyang ipinunas yung muka niya sa t-shirt ko. Wahaha mukang nagdalawang isip po si Ms. Author dun sa romantic scene namin ni AJ masyado pa daw pong maaga. XD

"Kasalanan mo yan dika kumuha nang tissue eh. Kuha-kuha din pag may time." tapos bigla siyang tumawa. Hay nako kung ibang tao lang toh sinapak ko na to.

"Sabi kasi sa counter ubos na daw tissue nila kasi kada kakain ka daw kasi dito nakakailang tissue ka." tsaka ako sumabay ng tawa sa kanya.

After eating di na siya nagpahatid sa kanila. Kahit anong pilit ko ayaw talaga niya. Kesa naman magtalo pa kami hinayaan ko na lang. Pagdating ko ng bahay hayun tinitigan ako ng lahat. as in..

O _ O <--- sila

o . o <--- ako

"Seniorito Vincent saan po ba kayo nanggaling?" (maid1)

"Naku Seniorito tumawag po ang mama niyo, hinahanap po kayo." (maid2)

"Alalang alala po kami sa inyo Seniorito Vincent." (maid3)

Daming maids noh? Di naman sa pagyayabang pero may kaya ang pamilya namin. Ang parents ko eh nasa Canada dahil nandoon ang business ng pamilya namin. Nagpaiwan ako dito kasi syempre nandito ang one and only best friend kong si AJ. :)

"Hoy ano ba kayo? Pagod ang seniorito niyo hayaan niyo na siyang magpahinga." sabay sabay naman humingi ng tawad sakin yung mga makukulit na maids at pati na rin kay manang Lisa.

Si Manang Lisa eh ang pinaka matagal na maid dito. At sa sobrang tagal niya ng naninilbihan sa pamilya namin eh parang kapamilya na rin ang turing namin sa kanya. Halos di na siya nagka-asawa dahil buong buhay niya eh pinagsilbihan niya ang pamilya namin. Halos siya na rin ang tumayong magulang ko habang wala sila mama at papa.

"Salamat po Manang Lisa." sabay yakap ko sa kanya.

"Sa susunod hijo kahit saakin man lang magpapaalam ka. Diko ring maiwasan na mag-alala kanina nung hindi ka namin makita."

"Sorry na po. Hehehe nakipag-date lang ako kanina kay best friend."

"Kay AJ nanaman ba? Ahaha buti naman at pumayag siya ngayon."

"Ahaha oo nga po eh. Namiss rin ata ako nun."

Kilala rin ni Manang Lisa si AJ dahil nga siya na ang nag-aalaga saakin simula nung bata pa lang ako at tanging si AJ lang naman ang kaibigan ko. Boto rin yan kay AJ para saakin si Ms. Author lang ata ang hindi eh = 3 = katampo lang.

Hindi na rin nagtagal ang kwentuhan namin ni Manang Lisa dahil nga pagod na rin ako. 10:45pm na rin kaya naman inaantok nako. Hays... namimiss ko nanaman si AJ wah!! itutulog ko na nga lang toh. Next time na lang ulit sa susunod kong POV.

END OF CHAPTER V

Living with my FoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon