Gretel's POV
"Oy asan na yung kapatid mong si Hansel? Natrap na ba forever yun sa candy house HAHAHA" pang-aasar sakin ng kaibigan kong si Krau. Si Krau ay bestfriend ko since grade 6 at hanggang ngayong grade 9 bestfriends padin kami. Nakakatuwa nga dahil kahit lalaki siya eh nagkasundo kami.
"Manahimik ka nga Uwak kundi ipapakain kita sa witch sa candy house" irita kong ani sabay hampas sakanya nang sakto namang napadaan si Peter, heartthrob sa school, ang daming nagkakagusto jan kasi gwapo nga naman siya, matangkad pa at maputi tapos basta gwapo.
Kabatch ko si Peter, hindi nga lang ka-batch eh, kaklase ko pa. Pero hindi kami ganung kaclose, palagi kasi akong busy sa mga bagay-bagay. Aaminin ko, crush ko siya ng konti pero sa dami ng nagkakagusto sakanya impossibleng mapansin niya pa ako.
Kasama ni Peter ang iba pa niyang kaibigan at yun nga napadaan siya sa pwesto namin ni Krau sa may tapat ng mga lockers at naka-upo. Tumigil siya at naki-upo din sa pwesto namin.
"Una na kami bro ah" pagpaalam ng isa sa mga kaibigan niya. Tinanguan niya lamang ito at ngumiti saming dalawa ni Krau
"Wag ka ngang ngingiti ng ganyan pare mukha kang may crush sakin" biro ni Krau kaya agad siyang nakatanggap ng sapok sa batok galing kay Peter
"Asa pa hindi kita papatulan ang pangit mo" tatawa-tawang aniya
"Hi Peter" tipid kong bati sabay ngiti
"Hi Gretel" bati niya din pabalik sabay ngiti. Pinasalit-salit ni Krau ang tingin niya saming dalawa bago dahan dahang tumayo at napailing
"Una na ako" nakangising sabi niya kaya agad akong tumayo at kinuha ang bag ko
"Sama na ako lilibre mo pa akong ice cream eh"
"Walang kasama yan" nguso ni Krau kay Peter kaya napunta ang atensyon ko kay Peter, ginamit naman iyon ni Krau na pagkakataon upang tumakbo papalayo sakin
"HOY WALANGHIYA KA YUNG LIBRE MO SAKIN UWAK" sigaw ko sakanya ngunit kinawayan lamang ako nito
"Napakabait talaga" sabi ko na lamang sa sarili ko at tiningnan ulit si Peter, nakangiti lang siya at bwisit, ang cute niya. Hindi ko na napigilan sarili ko, pinisil ko ang pisngi niya na siya namang ikinangiwi niya.
Hindi ko padin binibitawan ang pisngi niya ng biglang may nag flash kaya napatingin ako sa kung saan nanggaling iyon. Si Rea lang pala, grade 7 siya at isa siya sa mga taga-hanga ni Peter.
"Bagay kayo ate hihi" kinikilig na sabi niya sabay kumaripos ng takbo
Baliw.
"May kailangan ka ba?" tanong ko dito na parang hindi ko man lang pinisil ang pisngi niya at hindi kami sinabihan ng bagay
"Bagay daw tayo o ano sa palagay mo?" nakangising wika niya kaya napakunot agad ang noo ko.
"Siraulo, mukha mo. Tayo bagay? AHHAHAHA" napailing na lamang ako habang tumatawa
"Pwede naman ah" aniya at umakbay sakin pero bigla din niya iyong tinanggal nang makita ang kuya ko
"Bro!" bati niya dito at makikipag bro fist sana kaso sinamaan lang siya ng tingin ni kuya
"Bakit mo hinihipuan kapatid ko?" seryosong tanong ni kuya Hansel kay Peter
"Inakbayan ko lang kuya, ito naman" sagot sakanya ni Peter na halatang kinakabahan
BINABASA MO ANG
Peter
Short StoryHe leaned closer to me, I can feel him breathe, I can smell his scent. I heard my heartbeat, I felt butterflies inside my tummy partying.