His Wedding (short story)

473 23 16
                                    

Six months noong alukin mo ako ng kasal.

Tanda mo pa ba kung gaano ka magtatalon sa tuwa nung um-oo ako sa'yo? nagkislapan ang mga mata mo noon at ganun din ako.

Ang saya natin, di ba?

Ang dami nating plano sa magiging set-up ng kasal natin. Sobrang dami. Naaalala ko na lang ay para kang bata habang ipinagyayabang ang engagement ring na nakasuot sa daliri ko sa mga taong dumadaan. Feeling mo ikaw na ang pinakamaswerteng tao sa mundo? sa tingin ko ako yun.

Ang saya natin, di ba?

Napagkasunduan nating gawin ang kasal 6 months after ng pagsagot ko sayo noon. Pumayag ang mga magulang natin, sa buwan ng Disyembre ang plano. Wala pa ngang naka-set na exact date pero plano mo nang magkaroon ng tatlong anak at sana triplets yung hiling mo. Hindi mo naman ako gustong mahirapan noh? baliw ka talaga!

Tinanong mo kung ano ang pangarap ko noon at sabi ko, ang i-organize ang kasal nating dalawa. Wedding organizer ako at isa kang Architect na kung tutuusin, kaya na nating maging settle sa buhay ng walang tulong galing sa mga magulang natin dahil may maganda naman na tayong trabaho.

Ang saya natin, di ba?

Nagkaroon ng offer ang isang kompanya abroad at kailangan mong pumunta doon. Nag-alangan ka na baka mawala ang opportunity na 'yun sa'yo lalo't yun ang kompanyang gustung - gusto mong pagtrabahuan. Sabi mo apat na buwan ka lang naman mawawala at may dalawang buwan pa naman sa pagpeprepare sa kasal natin.

Nagalit ako nung una dahil pakiramdam ko mas pinili mo yung offer kesa sa kasal natin pero pumayag na lang ako dahil sa convincing powers mo. Ang cute mo kasi!

Umalis ka at iniwan mo ako. Nangako kang tatawag at mag-s-skype tayo araw-araw. Tinupad mo ang pangako mo. Dalawang buwan pagkarating mo sa Canada, walang palya ang pagtawag mo.

Ang saya pa rin natin, di ba?

Pagkatapos ng usapan natin at sa sinabi mong "miss na kita", wala ng sumunod pa. Hindi ka na nagpaparamdam, hindi ka na tumawag. Sa tingin ko busy ka. Naiintindihan ko yun. Nagpakabusy na rin ako sa set-up ng magiging kasal natin. Excited na excited ako nun. Sabi nila mama sa iba ko na daw ipagawa ang pag-oorganize ng kasal natin pero ayoko dahil gusto ko ako ang mag-organize ng sarili nating kasal.

Sinesend ko by e-mail ang mga naplano na sa kasal natin at hinintay ko ang reply mo, pero wala ni smiley o kahit anong emoticon man lang.

Masaya pa rin tayo, di ba?

Isang buwan na lang at uuwi ka na. Masaya ako dahil kahit sobrang bagal ng oras noong wala ka ay pakiramdam ko mabilis na lang ang isang buwan para makauwi ka na. Ganun parin, wala paring tawag, email or text galing sayo.

Planado na ang lahat at ikaw na lang ang hinihintay ko.

Doon sa lumang simbahan sa lugar natin ang napili kong paggaganapan ng kasal natin, ako na lang ang nagdecide sa lugar dahil hindi mo sinasagot ang mga tanong ko tungkol sa kasal natin sa email. Cakes, desserts, dishes at wine... ako lang lahat ang pumili... mag-isa. Alam ko namang matutuwa ka dito e... Alam ko yun.

Palagay ko magiging masaya pa rin tayo, di ba?

Bumalik ka na ng bansa at ako agad ang pinuntahan mo. Sobrang namiss kita, gago ka! Hindi ka man lang nagpasabing nakauwi ka na, edi sana nasundo kita sa airport. Niyakap mo ako ng sobrang higpit at ganoon din ako sa 'yo. Bigla kang umiyak ka sa harap ko.

"Sorry"

yan palagi ang sinasabi mo. Paulit ulit yun.

Sorry dahil hindi ka nakatawag sa akin ng isang buwan? pinanapatawad na kita.

His Wedding (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon