Vine

22 1 2
                                    

Jose Miguel,

"Isa lang naman akong fan. Alam ko. Wala akong pag-asa sa'yo. Sikat ka, ordinaryo lamang ako."

×××××

Unang kita ko pa lamang sa'yo ay minahal na kita. Hindi man kita nakita sa personal, ay napatibok mo ang puso kong matagal nang naging bato. Napahanga mo ako sa mga video mo. Napakagaling mong mag-edit nun. Talagang binubuhos mo ang oras mo sa paggawa ng mga iyon. Kaya hindi ko napigilang mas mahalin ka pa.

Natatandaan ko pa noon, dahil hinding hindi ko makakalimutan ang araw na nagtapat ka sa akin.

Nagpunta kami sa mall ng pinsan ko dahil may event kayo doon at invited kami. Nagbakasakaling akong makita ka. Hindi naman ako nabigo. Totoo nga. Ang gwapo mo nga. Ang tangkad mo pa. Para kang basketball player. Tila tumigil ang mundo ko ng tumingin ka sa direksyon ko at ngumiti. Hindi ko alam kung magbabalik ba ako ng ngiti o iiwas dahil nahuli mo akong nakatitig sa'yo. Tinapos namin ang buong event. Hindi pa kami umuwi ng pinsan ko dahil hinihintay pa niya ang boyfriend niya. Nagulat ako nang biglang may tumugtog sa stage at may kumanta. Akala ko ba tapos na? Nagpunta kaming muli sa stage. Nakita kitang kumakanta, nakatitig sa direksyon ko. Titig na titig ka. Nalamin ako, baka kasi may kung anong dumi sa mukha ko. Tumingin ako sa likod ko. Baka kasi hindi ako ang tinititigan mo. Tumingin akong muli sa iyo at sinigurong ako nga ang tinitignan mo. Halos tumigil ang mundo ko. Pakiramdam ko, ikaw at ako lang ang tao sa mundo. Parang tayo lang ang natira. Wala akong ibang marinig kundi ang tibok ng puso ko. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa paligid.

Nagising na lamang ako sa realidad nang bigla mong hawakan ang mga kamay ko. Ang lambot ng palad mo. Marahan mo pa ngang pinisil ang palad ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakita ko ang mga tao na kilig na kilig. Hindi naman sila ganoon kanina. Nagtaka ako kung bakit. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang malaking banner.

"This is for you, Venice Brianna Gutierrez."

Pangalan ko ba talaga ang nakalagay doon? O baka naman kapangalan ko lang. Biglang may nag-play na video sa white screen. Akala ko vines mo lang. Pero hindi, may sinasabi ka.

"....ewan ko ba. Bigla ka na lang lumabas sa news feed ko. Inistalk ko yung timeline mo. Argh! Ano ba yan Ella! Parang baliw naman 'tong pinapagawa mo." Natawa ako sa sinabi mo. Halatang pinilit ka ni Ella na gawin yon. Ang cute mo.

"Sinave ko lahat ng pictures mo sa cellphone ko. Ni-wallpaper ko yung DP mo. Ang ganda mo kasi dun eh. Kaso nakita ko yung isa mong DP na may kasama kang lalaki. G na g ka nga dun eh. Tapos parang kilig na kilig ka. Crush mo siguro yon?" Hindi ko napigilang ngumiti sa sinasabi mo. Si Oliver yata ang tinutukoy mo na kasama kong lalaki. Matagal na yun. Oo, crush ko pa nga si Oliver noon. Pero nang makita kita ay nawala ang nararamdaman ko para kay Oliver.

"Ang bakla man sabihin pero nagselos ako. Wala naman akong karapatang magselos dahil hindi mo naman ako boyfriend. Hindi nga tayo close eh. Ang torpe ko kasi. Wala akong lakas ng loob mag-chat sayo. Ni "hi" lang hindi ko masabi sa'yo. Alam mo bang ikaw ang inspirasyon ko sa lahat ng vines ko? Sa page-edit ko ng mga yun, ikaw ang nasa isip ko dahil alam kong pinapanood mo ang lahat ng video ko. Dahil sabi sa akin ng pinsan mo, idol mo daw ako." Tumingin ako kay Micki. Nagkibit balikat lang siya sa akin. Tumingin akong muli sa white screen.

"Sobrang saya ko nang malaman ko yun. Umaasa pa nga ako na baka hindi lang idol kundi CRUSH na rin. Sana nga ganon."

"Alam mo bang pinaghandaan ko talaga ang araw na'to para sayo? Kinutsaba ko pa sila Kyle para magawa ko 'to. Sana nagustuhan mo."

Nagplay ang isang magic vine mo. Hangang hanga talaga ako sayo. Hinawakan mo ng mahigpit ang kamay ko, lumuhod ka.

"Venice Brianna Gutierrez, I know this is too fast. Hindi pa nga tayo masyadong magkakilala pero matagal na kitang gusto." Hindi ko alam ang gagawin ko. Tinakpan ko ng isa kong kamay ang mukha ko dahil alam kong mukha na akong kamatis sa pula dahil sa ginagawa mo.

"Venice, Can you be my girl?"
Hindi ko na napigilan ang luha ko. Totoo ba talaga to? Natanong ko sa isip ko dahil parang isang panaginip lang ang nangyayari.

"Oo na. Tumayo ka na jan." Tumayo ka at niyakap ako ng mahigpit. Pinunasan mo ang mga luha ko. Masayang masaya ako nang araw na yun. Pati ikaw

Pero hindi naman maiiwasan sa isang mag-boyfriend at girlfriend ang mag-away.

Dumating ang araw na hindi ka na nagte-text sa akin. Hindi mo man lang ako tinatanong kung nakauwi na ba ako, kung nakakain na ako. Nag-aalala na ako sayo. Tinawagan kita. Nakailang missed calls muna bago mo sinagot. Tinanong kita kung anong nangyayari sayo, sa atin. Hindi mo sinagot ang tanong ko. Naiiyak na ko.

"I need space." Naguluhan ako sa sinabi mo. Space? Sobrang laki na ng space natin at hindi na nga tayo masyadong nagkikita. Mahal mo ako diba? Mahal mo naman ako pero bakit umabot tayo sa ganito?

Sinabi ko kay Kyle ang nangyari sa atin at may ipinagtapat siya. Pupunta ka ng states. Hindi ka man lang nagsabi sa akin. Okay lang sa akin yon dahil hindi ka naman aabutin ng limang taon doon. Kaya kong maghintay ng dalawang taon. Bakit hindi mo agad sinabi? Nalaman ko na lang kung kailan iyon na ang araw ng flight mo. Nagmadali ako. Nagpahatid ako sa driver namin papunta sa airport. Natraffic pa kami. Hinanap kita. Sobrang nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa namumuong luha na nagbabadya nang bumagsak mula sa mga mata ko. Hinanap kita nang hinahanap hanggang sa makita kitang papasok sa departure area. Sinigaw ko ang pangalan mo. Wala akong pakialam kahit sabihan man nila akong baliw o weirdo. Kailangan kong magpaalam.

Lumingon ka. Bumalik ka sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Alam kong para ito sa pangarap mo kaya hindi kita pipigilan. Oras na para iwan mo muna ako. May facebook naman, may skype. Maaari parin naman tayong magkita hindi nga lang sa personal. Sanay naman tayo don diba?

Paalam na, Jose Miguel. Paalam na, mahal ko.

-Venice

×××××

"Mom! Your letter was so cute. Your so sweet." Sabi ni JB sa kanyang ina habang tinutupi ang sulat na iyon

"Hey, honey. Be careful with that. That's memorable for me." Sagot naman nito.

"What are you talking about?" Singit ng padre de pamilya.

"Mom's letter for—" Tinakpan agad ng kanyang ina ang bibig niya dahil hindi alam ng kanyang ama ang sulat na iyon. Matagal nang panahon nang maisulat iyon ni Brianna.

"For who?" Pagtataka nito

"Wala iyon, JM. Dont mind it."

"Mom! Why did you deny it to dad?!"

Nagtinginan ang mag-ama. Alam na nila ang kanilang gagawin sa tingin na iyon.

"DADDY! CATCH!" Hinagis ni JB ang sulat sa kanyang ama.

Naghabulan sila sa loob ng bahay na iyon. Ang bahay na dinisenyuhan mismo ni Brianna.

"Ang sweet naman ng asawa ko. I love you, honey."

"I love you, too." Kung hindi siguro nila ipinaglaban ang isa't isa, wala sila ngayon. Walang pamilya Guanzon na masaya at namumuhay ng simple.

At kung hindi rin dahil sa vines, ay hindi nila makikilala ang isa't isa at hindi magku-krus ang kanilang landas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon