Hello england!
Pagkababang pagkababa ng eroplano ay nawala ang hilo ko dahil sa excitement. OMG. Eto nayun. Dreams really do come true! Pagkasakay namin ng taxi na maghahatid samin sa hotel ay kinuha ko ang phone ko at walang sawang pinicturan ang lahat ng makita ko. Mukha na nga daw akong tanga sabi ni kuya. But i don't care, at least ako masaya.
tanghali na ng makarating kami sa hotel. dito muna kami magpapalipas ng isang gabi dahil kinabukasan ay bibyahe kami papuntang isang bayan kung saan ako inenroll ni mama at naging scholarship. hindi ko na daw kailangan problemahin ang titirhan ko dahil may dorm naman doon na nasa loob ng campus, yun nga lang hindi libre. pero hindi naman mabigat sa bulsa ang presyo ng renta kada-buwan.
isang linggo lang ang itatagal nila mama dito. sinamahan lang talaga nila ako pero hindi sila pwede magtagal dahil meron pa silang trabaho doon sa pinanggalingan namin. si kuya naman, graduating na kaya doble na ang pagsusunog nya ng kilay.
Kinabukasan, umaga palang ay umalis na kami. hindi ko alam ang mararamdaman ko, excited ako na kinakabahan. magugustuhan kaya ako ng mga tao doon? naku baka magmukha akong weirdo dahil sa mga nakikita ko.
paglabas namin ng hotel ay naghihintay na ang taxi na maghahatid sa amin sa eskwelahan. sabi ng driver na magiging mahaba ang biyahe kaya maari muna kaming matulog. kinuha ko ang nalang ang earphones at nagpatugtog sa ipod. hindi rin nagtagal ay dinapuan na din ako ng antok.
"sav, gising na malapit na tayo." pag gising sa akin ni kuya sa tabi ko. kinusot ko ang mga mata ko at naupo ng maayos. parang ang bilis ng byahe, sandali lang ba ako nakatulog?
Kitang kita ko mula sa bintana ang mga nagtataasang puno. halos matakpan na nito ang sinag ng araw. napakaganda, ngunit parang ang lungkot.
ibinababa ko ang bintana ng sasakyan at sinalubong ang hampas ng sariwang hangin sa aking balat. ang presko sa pakiramdam. ngunit natigilan ako ng may maramdaman akong kakaibang lamig ng hangin. naiiba sya sa maig ng sariwang hangin na nararamdaman ko.
napaka kumportable ng lamig nito. na kahit ang kailangan mo ay init, mas gugustuhin mong yakapin ka nito. napakasarap sa pakiramdam.
habang nasa biyahe ay ikinwento ng driver na ito daw ang kaisa isang road na nagdudugtong sa main city at sa bayan kung saan ako mag aaral. wala daw kasi ibang route maliban dito.
sa dulo ng road ay may signage na nagsasabing "welcome to zan dutch" mukhang luma na ito dahil nabababakbak na ang pintura pero nababasa pa naman. tunog palang ng bayan ay mukhang sosyalin na.
BINABASA MO ANG
the gifted
Fantasysabi nila, sa araw araw na nakakasalamuha ka ng tao, 1% dun ang kaluluwa nalang. minsan, di nila alam na kaluluwa na sila, minsan naman, alam na nilang kaluluwa sila pero di nila matanggap kaya nagpapanggap sila na tao sila. o kya'y minsan alam na n...